Her Knight In Black

Her Knight In Black

Chapter 1

Sereihn's POV

"Nasaang lupalop ba 'to ng mundo?" Tanong ko sa sarili ko pagkagising ko. Agad akong tumayo at tiningnan ang buong paligid.

Nasa kakahuyan ako na wala man lang buhay na puno. As in deads na silang lahat.

"Wait..."

Ngayon lang nag-sink in sa akin ang mga pangyayari. Nahulog nga pala ako sa bangin dahil nagkaroon nang landslide sa parte ng Oriental Mindoro... Napatingin ako sa sarili ko at nagtaka. Bakit ako walang sugat? Dapat 50-50 na ako eh or deads na. Then I'm supposedly inside the car along with the driver... But here I am, completely fine and clueless about what's happening...

"Aish! I must be dreaming!" Sinampal ko ang sarili ko kaso masakitttt. That means I'm not dreaming.

Nasaktan ko lang ang sarili ko kainisssss!

Wala akong magawa kundi lumakad paalis ng kakahuyan. Mabuti na lang at may nakita akong daanan palabas nang kakahuyan... Nagulat na lang ako paglabas ko kasi maraming kawal ang nakatingin sa akin. Teka nagsho-shooting ba sila?!

Bakit ganoon sila makatingin sa akin... Na para bang gulat gulat na makakita ng dyosa ganon hehehe...

Nagulat ako nang biglang sumigaw.

"Isang Ezainal! Kailangan natin 'tong maibalita sa mahal na reyna!" Sigaw nang isang kawal na sa tingin ko ay pinuno nila.

Mabilis na lumapit sa akin ang dalawang kawal at hinawakan ako sa kamay at hinila kasunod ng punong kawal.

"Teka! Saan niyo ako dadalahin?! Bakit sinama niyo ako sa shooting??!"

"Anong pinagsasabi mo, babaeng Ezainal?" Masungit na tanong sa akin nang kawal sa kanan ko.

'Aishhh! Ang sakit nang paghawak nila leche!

"Puwede ba mga kuya, bitawan niyo ako dahil hindi na ako natutuwa! Isusumbong ko kayo kay mama, papa, ate, kuya, gusto ko kape! Superman, Batman magpakailanman 'di magbabago, pero bakit siya nagbago? Bakit 'di niya na ako mahal? Bak--mmm-mppp-mmmmpp," 'di ko natuloy ang sasabihin ko nang nilagyan nila ako nang papel sa bibig.

Papel lang na manipis pero madikit? Astigg!! Hindi siya packing tape kasi papel, maka-order nga sa tiktok kapag nakalayas ako sa lugar na itoooo!

Nanahimik na lang ako kasi hindi ako makasalita sa papel de tapal na 'to.

Napansin ko na lang ang paligid ko na sobrang ganda! Wowwwww! Maraming flowers! Tapos may fountain, may mga... fairiessss???! Kukusutin ko sana ang mata ko kaso hawak nila ang kamay ko kaya pumikit-dilat na lang ako nang dalawampung beses. Woww totoo nga! Hindi ako namamalik-mata! Pero baka robot 'to, robot na fairies, may ganon ba?? Napaisip ako sa naiisip ko. Baka sobrang advance na nang technology kaya may fairies na na robot. Pero puwede ring magic talaga 'to tulad nang napapanood ko. Dahil buhay pa rin ako at walang injury na sobrang imposible. Tatanungin ko na lang mamaya 'yong reyna daw nila. Baka alam niya 'yong sitwasyon ko.

Ilang minuto lang nang makarating kami sa palasyo ay namangha pa rin ako, kung sa labas ay sobrang ganda na, sobrang ganda rin sa loob, damang damang mo talaga 'yong mga dyamante, ginto at pilak na inilaan nila sa pagpapagawa ng palasyo. Sumisigaw talaga na super richy no'ng mga nakatira eh.

Nang pumasok kami sa throne room daw ay nakita ko agad 'yong babaeng nakaupo sa may trono. Shocksss! Sobrang ganda niya! 'Yong para bang hindi man lang nakaranas nang stress at problema.

"Mahal na reyna, narito na po ang babaeng Ezainal." Magalang na pahayag no'ng punong kawal.

"Have a sit," utos ng reyna at tinuro ako.

"You may all leave," anang reyna sa mga kawal kaya umalis na silang lahat at naiwan ako doon.

Weeww! Bigla akong kinabahan.

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako nang reyna.

"Nabibilang ka sa mundong ito. Isa kang Ezainal." Anito kaya kumunot ang napakakinis kong noo. Anong Ezainal? Kanina ko pa talaga naririnig ang salitang Ezainal.

"Po? Ano pong "Ezainal"?

"Ang Ezainal ay tawag sa mga taong dito sa mundong ito nakatira o ipinanganak ngunit napunta sa planetang Earth, sa mundo ng mga mortal." Anito kaya naliwanagan ako.

'So, hindi talaga 'to shooting 'to. Real na real na talaga 'to. May magic nga talagang involved dito base pa lang sa sinasabi ng reyna na mundo daw ng mga mortal 'yong Earth.

"So hindi po ako mortal?" Pagkumpirma ko.

Tumango ang reyna at sinabing, "Hindi ka nga mortal, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ka ipinunta ng nga magulang mo sa mundo ng mga mortal."

"Wala na po 'yong totoo kong mga magulang, baby pa lang daw po ako no'ng nasa bahay-ampunan na po ako hanggang sa may umampon sa akin."

Haysss nami-miss ko na naman sila mader at pader. Sana pala 'di na lang ako nagpumilit na magbakasyon sa Oriental Mindoro.

Pero wala na rin naman akong magagawa, kahit pa magreklamo ako, wala rin lang namang maitutulong sa akin.

Nalungkot ang mga mata nito sa narinig. "Pasensya na." Hinging paumanhin nito.

"Okay lang naman po."

"Do you want to go back to Planet Earth?"

"Yes po."

"I can help you." Anito na nagbigay sa akin ng pag-asa.

"Talaga po?"

"Oo, pero wala pa akong sapat na koneksyon ngayon. Sa mundong ito, ang mga nasa taas lang ang may karapatang lumabas-pasok ng mundong ito. At 'yon ang mga Oranickles. Sila ang mga makapan

gyarihang bantay nang Terrainhal.

"Oranickles? Terrainhal?" Naguguluhang tanong ko.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play