Chapter 3

Queen Niferia Lythari's POV

Mataman kong pinagmasdan ang pag-alis ni Sereihn kasama ang mga maid.

'Sana masaya kung saan man ngayon si Dreimin sa naging desisyon ko.'

My intuition can never be wrong kaya kampante ako na gawing crown princess ng buong Fae Empire si Sereihn.

Hoping Sereihn can become part of the Oranickles. Siya na lang ang pag-asa ko para mapaalis sa pamumuno ang mga bampira.

Those evil wicked fanged creature!

Tiyak na may tinatago silang sekreto. Marahil may kakampi silang elders na namumuno sa Battle of the Strongest.

Hmmp!

Kung may sapat lang sana ako na lakas para talunin silang lahat... kaso hindi... hindi ko kaya kahit anong pilitin ko.

Mabuti na lang at sa portal ng fae kingdom napunta si Sereihn. Kung hindi... tiyak na kakawawain o papatayin lamang siya kung sa portal ng mga celestial, bampira, luminaries at sirens siya napunta.

Habang hindi pa nagigising ang kapangyarihan ni Sereihn, kailangan ko siyang bantayan sa mga nilalang na iyon. Hindi pa ngayon ang oras para ipakilala ang crown princess ng Fae Empire.

Kailangan ko pa siyang sanayin... dahil ang kapangyarihan lang na iyon... ang taglay na kapangyarihan lang ni Sereihn ang maaaring makapantay sa mga councils...

Sereihn's POV

Nandito na ako ngayon kung saan ang room ng crown princess. Dito daw pala sa Fae Empire ay may status ang kada room ng palace na sinabi no'ng mga maid na nakakuwentuhan ko kanina..

Taray lang talaga eh.

Tapos dahil chismosa ako, sinagad sagad ko na ang pagtatanong, tinanong kung pa kung bakit si Queen Niferia lang ang namumuno dito eh di ba, every empire should have two rulers... King and Queen. Meron naman daw na king, si King Dreimin Lythari. Kaso namatay siya sa war against the Luminaries. At bagong kasal pa lang daw sila noon ni Queen Niferia, sinugod daw sila ng mga luminaries sa kanilang emperyo noon, at nangyari 'yon five years ago. Ang iniisip daw nilang dahilan ay dahil nangamba ang mga luminaries sa sinabi ng isang famous oracle na ang magiging anak ni King Dreimin at Queen Niferia ang magiging pinakamakapangyarihan sa lahat.

Naisip ko na grabe naman 'yong luminaries, talagang hindi nila hinahayaan na maging pinakamakapangyarihan ang Fae Empire. Pero naisip ko na baka may mas malalim pa sila na rason para patayin si King Dreimin.

Pero hindi ko na aalamin kasi baka may malalim rin na rason si Queen Niferia para itago 'yon sa mga kalahi niya...

Pero hindi ko rin alam kung tama 'tong hinala ko. Hindi ko na lang masiyadong inisip at humilata na lang sa kama hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.

*****

Nagising ako sa mga katok na naririnig ko sa labas.

"My lady, it's time for you to take a bath and get ready for the coronation." Rinig kong sabi ng nasa labas.

"Come in!" Sagot ko at bumalik sa pagkakahilata.

"My lady!" Tawag no'ng maid pero nagbingi-bingihan ako. Hanggang sa napabalikwas ako nang bangon dahil kiniliti na ako no'ng maid.

"Who gave you the permission to tickle me?" Masungit na tanong ko.

"Umm, myself?" Balik-tanong nito na para bang 'yon na 'yong pinakamatino niyang naisip na puwedeng sabihin.

"Aishh! Pasalamat ka cute ka like me, kung hindi.. ay talaga naman!"

"What's your name?" Change topic ko.

"Kiela po, my lady." Sagot nito.

"Can you stop saying 'My Lady'? Okie?"

"No po 'cause you're my princess, so I must call you "My Lady"." Paliwanag nito.

Hayyysss!

Wala nang magagawa ang cute na ito kundi pumayag.

"Fine. Saan na 'yong susuotin ko?" Tanong ko kaya tinuro nito yong box sa may lamesa.

"You can go now."

"No, po. Papaliguan ko pa po kayo." Sabi nito na ikinagulat ko.

'Anong papaliguan?!'

"What?! Tell me, bakit? Bakit? Bakitttt???" Tanong ko na gigil na gigil na.

Pati ba naman ang pagliligo ay kailangan ng tulong nila? Ganto ba talaga katatamad ang mga noble dito sa Terrainhal?

"Kasi 'yon po ang dapat." Inosenteng sagot nito.

Hayss...

"Hindi ako papayag kaya go na!" Tanggi ko at tinulak na siya palabas.

"No po. No!" Sumigaw na ito nang magtagumpay ako sa pagpapalabas sa kaniya.

*****

Kanina pa nagsisimula ang koronasyon kaya inip na inip ako. Dagdag pa ang suot ko na sobrang init sa katawan. Pati na rin 'yong korona at hairpins na nasa buhok ko nakalagay... bigat na bigat na ako huhu.

'Bakit pa kasi kailangan pa 'tong mga kaek-ekan na 'to ah.'

Patulog na sana ako sa sobrang inip ng marinig ko ang pangalan ko na tinatawag.

Nang makarating ako sa unahan ay ipinagpatuloy ng Eunuch ang kaniyang sinasabi.

"By the decree of the Queen, Queen Niferia Lythari of Fae Empire, I hereby announced that Sereihn Lythari is crowned as the Crown Princess of the Fae Empire!"

***

Pagakatapos nang coronation ay nagkasiyahan ang  mga fae kaya umalis na ako doon dahil wala naman akong kakilala doon at maboboryong lang ako doon.

Sinabi ko muna kay Kiela na magpapahangin lang ako.

Kakalakad ko kung saan saan ay 'di ko namalayan na nakarating na pala ako sa hardin.

"Too bad I can't clearly see the flowers." Nadidismayang saad ko sa sarili ko.

Kakarampot lang kasi na liwanag ang nasasakop ng hardin galing sa ilaw ng pagoda kung nasaan 'yong venue.

Bigla ko na lang naramdaman na sumakit 'yong kamay ko. Dahil madilim dito ay hinanap ko 'yong part na hagip ng ilaw at tiningnan 'yong kamay ko.

"Red... thread?" Nabigla ako pagkakakita sa manipis na pulang linya sa kamay ko. Bigla ring kumabog nang malakas ang nananahimik kong puso.

'Bakit naman ako magkakaroon ng red thread?'

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play