Chapter 2

Sereihn's POV

"Oranickles? Terrainhal?" Naguguluhang tanong ko.

"Oranickles are councils. They are all vampires. And Terrainhal is the name of our world."

"Why are the councils all vampires?"

"There's a duel or battle of who's the strongest. Those who will win will become the councils. Every bloodline, the vampires, celestial, faes, luminaries and sirens have five participants, unfortunately, all vampires' participants won every year. Sampong dekada na silang nananalo na hindi dapat kasi may ibang council na hindi patas at inaabuso ang kanilang kapangyarihan.

"Puwede po bang manalo kahit na anong status?"

"Hindi, everyone should be part of the noble hierarchy. So, in order to go back to your world, you must become the council, and that's why I'm planning to adopt you."

'Adopt me?! Wow! Parang katiwa-tiwala naman ako, baka maya masira ko pa ang reputasyon niya.'

"Is there no other way? Para kasing 'di ko naman deserve na maging part ng noble chuchu na iyan. At tsaka bakit niyo po ba pinagkakatiwalaan agad ako? Hindi niyo kaya ako kilala, baka maya masamang nilalang pala ako, paano na lang kayo?" Tanong ko. Kasi kung ako sa sarili ko, hindi agad ako magtitiwala, lalo na lung di ko kilala. Tapos siya pagkakatiwalaan agad ako???

Mahinhin tumawa ang reyna na nagpamangha sa akin. Kapatid ata 'to ni Maria Clara eh, nahiya naman ang tawa ko na daig pa ang tawa ng tambay sa kabilang kanto, walang ka-class class.

"Why do I trust you? It's because you're one of us. You're a fae. Faes don't betray their bloodlines. And if they ever did, they will pay it by blood, their families and their future generations."

Medyo nanginig ako sa parusa. Pati future generations madadamay, sino nga ba namang sasaway pa di ba?

'Pero what if may hindi nahuling nagtaksil? Ano kayang mangyayari?'

'Di bale na, hindi ko na tatanungin kasi hindi ko na rin naman mapapakinabanagan, as if naman na magtataksil ako eh mabait kaya ako at cute pa.

"Paano niyo nasabing Fae ako?"

"Because I felt our connection. Likas na sa isang fae na malaman nila na ang isang  ilalang ay kauri nila kapag nakita nila o malapit lang sa kanila."

'Ah, kaya pala... pero bakit 'di ko dama na kalahi ko rin siya?'

"Eh bakit hindi ko naramdaman?"

"Dahil... hindi pa nagigising ang kapangyarihan mo. And it's not surprising because nasanay na ang katawan mo sa mundo ng mga mortal."

"Okay got it. Pero 'di ba sabi niyo, faes can recognize their bloodlines? Pero bakit 'yong mga kawal kanina ay ganon ang reaksyon? Na para bang hindi nila ako kauri?" Nagtatakang tanong ko.

"That is because you're Ezainal. Kahit na naramdaman nilang isa kang fae, pinakita pa rin nila 'yong tulad nang pagtrato ng isang fae sa ibang bloodlines. Dahil nanggaling ka sa isang mundong hindi sila pamilyar kaya normal na ang reaksyon nila. Marahil nagtataka sila kung bakit napunta ka sa labas ng Terrainhal kung hindi ka naman isang vampire. Ako rin ay nagtataka kung paano ka naipuslit nang mga magulang mo doon."

Paliwanag ng reyna kaya naliwanagan na ako. Pero naguluhan naman ako sa huling sinabi. Hindi ko na siya tinanong kasi hindi niya rin naman alam.

'I believe na malalaman ko rin ang mga katanungan sa isip ko ngayon, hindi man ngayon pero sigurado akong may tamang panahon para doon.

"Mas maganda pang bigyan na lang kita ng libro about history of Terrainhal. Also, book of faes para maintindihan mo ang lahi natin. If you don't have anymore to say, I'll call the maids now to show your room, para makapagpahinga ka na rin."

"I have one last question."

"Ano 'yon?" Anang reyna at ngumiti.

"Ano pong pangalan niyo? Kanina pa kasi tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan niyo."

"Glad you asked about that, I forgot to introduce myself earlier that I am Queen Niferia Lythari." Sagot ng reyna.

Hindi na rin kataka-taka na maganda 'yong name niya kasi maganda rin siya.

'Ako naman po si Ernie, ernie na lang po hahaha!" Sagot ko kaya naguluhan si Queen Niferia.

'Bakit ba kasi nasabi at naisip ko pa 'yong sa "The super parental guardians'.

Wala talaga minsan sa hulog ang humor ko huhu!

"Joke lang po, I mean, ako po si Sereihn, Sereihn Rossi po."

"Talagang kakaiba magbiro ang mga tagalabas." Nangingiting komento ni Queen Niferia.

"Hehe," tawa ko na pilit na lang, ako tuloy 'yong biglang naasiwa.

"Bago kita ibilin sa mga maid dito. I want you to know na simula bukas, hindi ka na si  Sereihn Rossi. Ikaw na si Sereihn Lythari, the crown princess of the Fae Empire!"

"Mamayang gabi na ang coronation kaya magpahinga ka lang muna ngayong tanghali. Ipapatawag na lang kita sa mga maid mamaya."

'Wow! Mamaya na!'

Sana lang hindi ako magsisi sa pinasok ko, sana lang tama ang  naging desisyon ko. It's now or never. Now, I only have one goal in life. And that is to become part of the...

Oranickles!

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play