Arrows From The Heart (Taglish)

Arrows From The Heart (Taglish)

Prologue

AFTHPrologue

AFTHPrologue

I sat down on my bed and looked at the window just near my bed. Another day. Another tiring day.

Bumangon ako galing sa pagkaupo at pumunta sa banyo para magsipilyo at maligo. Kailangan ko pang pumunta sa trabaho ko. Gusto ko sanang magresign dahil nakakapagod pero ano na ang kakainin ko?

My mom died and my dad went miserable. Nasa kulungan siya ngayon because he got addicted to drugs. I want to bail him pero wala akong pambayad. Hirap na hirap na talaga kami ngayon simula noong nawala na si mommy.

Luckily ako lang ang isang anak. Ako lang ang mag-isang nasasaktan ngayon. If I have siblings? I don't know what to do. Times ten ata ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

My relatives don't want to adopt me or letting me in their homes. My dad is well..wicked as what they said kaya wala akong choice kundi lumipat ng bahay na mas maliit at nagtatrabaho ng maigi. Para narin mapyansahan ko ang aking tatay.

Our big house was taken from the bank. Hindi lang sa droga naadik ang aking tatay pati na rin sa casino.

Wearing my uniform, working as a secretary in a law firm located one hour away from my house—my rented house.

Malaki ang sahod ko doon kaya kahit na gusto kong magresign dahil ako ang sinasaktan ng mga kliyente, ako ang pinagbuhusan nila ng galit, malaki ang sahod e. Kaya kakayanin ko.

Yes kakayanin ko.

Nang natapos na akong mag-ayos, kumain agad ako at lumabas na para sa trabaho.

"Good morning po" bati ko sa kapitbahay namin.

"Magandang umaga rin Aria" she greeted me back.

Sinara ko ang pinto ko at nilingon si Aleng Susan na para ko na rin nanay. May vertical na mga metal lines ang pagitan sa aming dalawa, kaya nakikita ko siya at nakikita rin niya ako.

"Ingat ka sa trabaho ah" aniya.

"Opo, anong gusto niyo bibilhan kita" sabay ngiti sa kaniya.

Agad namang umiling iling sa akin si Aleng Susan. "Nako wag na! Naging pabigat na ako sayo" aniya and she chuckled. May kasama naman siya sa bahay nila at yun ay ang isnag babaeng inaalagaan niya. Medyo masungit pero friendly lang naman. It reminds me of my past self. Masungit daw ako noon pero ngayon alam kong nagbago na. My life is completely changed.

"Ate may bagong lipat daw sa kabila" sumali sa amin si Lovely sa usapan namin.

"Talaga? Saan ba banda?" marami kasi kaming magkakatabi ng bahay. Our house type is town house. I mean magkakadikit lang kami ng bahay pero may bubong at metal na line-line patayo ang pagitan namin.

Pangalawa ang bahay ko mula sa una. Ang unang bahay na nasa tabi ko ay wala pang umuupa. Lima kasi ang bahay na nakatayo rito. At dalawa lang ang bakante. The first one and the fourth one.

"Dyan daw katabi saiyo"

"Mabuti naman para may tao na rin sa kabila"

Nasa kalagitnaan kami ng paguusap nang may dumating na truck na may laman na mga upuan, dining table, ref, bed, cabinets at iba pa. Baka yan na ang mga gamit ng lilipat.

"Pamilya ba ang lilipat dyan?" tanong ko kay Lovely.

"Hindi raw. Isang lalaki lang daw"

"Saan mo ba nakuha yang tsismis na yan? Bakit parang alam na alam mo?"

"Dyan lang sa kapitbahay" aniya at humalakhak pa.

I just laughed at her and I looked at Aleng Susan who's just standing outside watching the men to unload the truck. Chismosa moves.

"Sabi ni Attorney yung mga kama ilagay na daw sa tataas. Yung dinig table sa may sala daw muna dahil dadating ang tropa niya para magdesign" may isang lalaking nakamask na nagutos sa nga tao.

"Yes boss"

"Sana all Attorney" si Lovely. Gusto kasi niyang maging abogado in the future.

"Tapusin mo muna ang high school mo. At bumalik ka na sa mga Diamante ang yaman yaman ninyo tapos nandito kalang" sabay irap.

"Alam mo ate" aniya at tinuro pa ako. "Mas masaya sa public school. Kaya kahit maaari magpapanggap ako na Lofranco. Only the teachers knew that I'm a Diamante"

"Lofrancos are also rich"

"In La Montagna" aniya at nakatingin parin sa malaking truck.

"Not just in La Montagna. Lofrancos are also famous in our country"

"Not in my school Aria Selenna"

"Edi ikaw na!" sabi ko sa kaniya at umirap.

Masyado pa namang maaga para pumunta sa opisina kaya nakipagchikahan muna ako kay Lovely. Wala daw silang pasok ngayon dahil intramurals. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya pumunta doon. Aniya mainit daw.

"Okay na po ang lahat Attorney Madronero"

I stopped talking when I heard the man saying that line. What?

"Sino po ang titira rito sir?" tanong ni Aleng Susan.

"Si Attorney Madronero po" sabi naman noong lalaki.

Marami namang Madronero sa buong Pilipinas diba?

My heart is beating so fast now. I don't know what to do! And I am hoping that.. That.. That iba ang magiging kapitbahay ko at hindi siya..

He's rich! He can afford condominiums!

"Sino?" tanong ulit ni Aling Susan.

"Attorney Samuel Ian Madronero po"

...****************...

For more stories follow me on *******: bbyjelliann

Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play