AFTH02: Concern
"Ano ba?!" ang kulit talaga ni Samuel!
The one week seminar is already over. Mabuti nalang at pinalipat ako ng upuan kung hindi nasa hospital na ako ngayon dahil sa high blood! Ang kulit kasi si Samuel e!
"Ang sungit mo naman!" aniya sa akin.
Magsasalita pa sana si Samuel nang may tumawag sa kaniya. "Bro" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Michael.
"Sasama ka sa amin mamaya?" aniya habang nakatingin kay Samuel at ako naman ay napalingon sa likod at tinitigan ko siya.
Ang gwapo niya talaga!
"Saan ba?" tanong sa kaniya ni Samuel.
Ang perpektong mga panga ni Michael, ang natangos niyang ilong at ang kaniyang mapupulang mga labi.
"Kina William. Hindi ka nasabihan?"
"I'll go there just go there first" sabi ni Samuel at tumingin sa akin.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin kay Michael. Hindi naman siguro ako nahuli ni Samuel diba? Diba hindi?
"Okay" sabi ni Michael at umalis sa banda namin.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Samuel. Sinundan ko ng tingin si Andrew hanggang sa nawala ito sa paningin ko.
"Huy anong tinititigan mo dyan"
"Wala" sabay alis.
"Hintay!" sigaw ni Samuel. Huminto pa talaga ako sa paglalakad dahil sumigaw siya. Ilang segundo na ang nakalipas at wala paring Samuel na dumating sa gilid ko. I looked back at nakitang wala na si Samuel. He's now walking towards Michael.
Gosh Aira nakakahiya ka!
Umiling-iling nalang ako sa sarili ko at umalis na palayo.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa parking lot. I really saw a girl that is really white at ang ganda niya. Her hair is wavy talaga at she also have some freckles. May kasama siyang isang bakla at si Khalil. Wala lang I just admiring her beauty.
"Sorry talaga may lakad ako bukas" I heard someone di kalayuan.
Napalingon ako doon at nakita si Blaire na may kausap na lalaki. I don't know him but I know Blaire. She is also famous-sa pambabasted.
"Ah ganun ba? Hehe" sabi naman nung lalaki ba kausap niya.
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa kotse ko.
Nang nakapasok na ako sa sasakyan ko, agad akong nagmaneho papunta sa YSU at dumiretso agad sa opisina ng Archery Club.
"Tapos na ang meeting" sabi ko kay Via at nilapag ang folder sa harap niya.
"Thank you talaga Arlene! I really owe you a lot"
"You really owe me a lot.. Anyways bakit ayaw mong pumunta sa meeting? Excuse ka tapos malapit lang yung meeting place dito"
Nag-iwas ng tingin sa akin si Zhav at naging hindi siya komportable. I know why. "May tinataguan ka no?" tanong ko sa kaniya at pinanliitan siya ng mata. Uniwas ulit siya ng tingin sa akin at halatang kinakabahan na umiling-iling.
"Hindi ah"
"Okay hindi" sabi ko at tumawa sa kaniya.
Nakakatawa naman ang reaksyon niya!
"I have to go now" I told her.
"O-okay take care! Uhm.. Thank you ulit hehe" nauutal na sabi niya at nag-iwas ulit ng tingin sa akin. Ano ba kasi ang nangyari sa kaniya?
Lumabas ako mula sa opisina ng archery club. Actually at first hindi talaga support sa akin yung mga magulang ko. Anila na disturbo lang daw yun sa pag-aaral ko. But when they saw me play-well unexpectedly dahil nagsisinungaling ako sa dalawa na may meeting at kailangan both parents ang dadalo-naging over supportive na nila sa akin.
"What happened to you?" I asked the little girl. She's crying kasi e!
"How dare you to ask me that?" she said. Syempre ako nagulat ano nanaman ang ginawa ko? Araw-araw na ba may bagong myembro ang Anti-Aria?
Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at bigla lang itong nanghapdi. "Ano ba ang ginawa ko sayo?!" tanong ko sa kaniya at tinulak siya.
Ang liit liit pa naman niyang tao!
"Inagaw mo sa akin yung boyfriend ko!" kailan kaya ito titigil? Wala nga akong boyfriend ngayon e!
"Anong pinagsasabi mo? Hindi na ako nangrereply sa nga nagcha-chat sa akin"
"I saw him kanina! He stalked you!" she shouted with all her kaluluwa.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante ngayon. Yung iba nagbubulungan, yung iba naman tumingin lang na parang sanay ba at yung iba naman ay nagpipigil sa tawa. Anong nakakatawa?
"Tapos kasalanan ko?"
"Oo!"
"Anong kasalanan ko nga?"
"You posted your pictures on social media!" she said the reason why I laughed.
Seryoso? Kung ganun saan ko ipopost ang mga pictures ko? Sa MangaToon ganun?!
"Ang bata mo pa talaga. Ako yung nahihiya sayo promise. Ang mundo talaga ngayon, full of toxic people" sabi ko bago ako umalis.
Hawak ko ngayon ang braso ko dahil ang hapdi talaga at may mga lumalabas na dugo. My superman help me. Kung sino talaga ang tutulong sa akin ngayon siya ang forever ko.
"What happened to your arms?" isang mababang boses ang narinig ko dahilan sa pagbilis ng pagtibok ng aking puso.
"W-wala lang t-to" nauutal kong sabi ni Michael.
Kakasabi ko lang 'e! Bakit ang bilis?
"Anong wala lang 'to? Ang sakit kaya nito" aniya at hinawakan ang braso ko.
Thanks for that girl.
"I'll treat this just wait sa may bench" aniya at tinuro ang bench di kalayuan. I nodded at him at naglakad papunta sa may bench. Bigla lang nawala ang sakit ng aking braso!
Naglakad si Michael papunta sa sasakyan niya. Syempre kahit sasakyan alam na alam ko. Basta crush ko talaga.. Crush ko talaga. I mean alam na alam na talaga.
He is still wearing his white uniform. He is a Med Student kasi and balita ko siya ang nangunguna sa batch nila. Hindi lang siya gwapo, may utak rin.
Yan ang gusto ko sa kaniya e.
Perfect package.
Pumasok siya sa sasakyan niya at natauhan nalang ako nang nagtagpo ang aming mga mata. He's really handsome talaga!
Yumuko siya at nagjog papunta sa banda ko. May dala siya ngayon na isang alcohol at ang isang pack na bulak.
"Ang hapdi" reklamo ko. Ang hapdi naman talaga!
"Tiisin mo para maghilom ang ugat mo"
"Ngayon ko lang kita narinig na nagsasalita ng tagalog straight"
"Well, ngayon lang rin naman kasi tayo nag-isap" aniya at nilagyan ng band-aid ang sugat ko.
Tinitigan ko lang siya ilang sandali and luckily hindi siya tumingin sa akin. Natauhan lang ako nang nahulog ang alcohol sa baba. "By the way, why are you here?"
"Just visiting someone" aniya at ngumiti sa akin.
Ako ba?
OMG! Ako diba?
Tinago ko na lang ang kilig ko sa sarili ko. Nakakahiya naman kasi pagsinabi ko na pwede na siyang umalis dahil nakita na niya ako! Shocks.
"Ahh" tanging sabi ko.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Pasulyap-sulyap ko siyang tinitignan. Hindi pa ba siya aalis? He should go now dahil nakita na niya ako.
Ilang sandali pa tumingin siya sa plaza na nasa harap namin. There are many people at the plaza. Many students are laughing, many students are still at the little girl-na parang dumating na ang jowa niya.
"Bakit ka nagkagalos?" basag ni Michael sa katahimikan.
Gusto niya ba akong makausap? Kaya ba siya tahimik kanina dahil nag-iisip kung ano ang itatanong niya sa akin?
"Ah na ano lang.. Na..sali lang sa away hehe" ayaw ko naman sabihin sa kaniya na sinugatan ako ng babaeng hindi ko kilala! Baka ano ang isipin nito.
"I see... I have to go now" aniya at tumayo.
Tumayo rin ako at medyo pantay na ang tingin namin. I'm tall hindi ko yun ikinahihiya. Actually I'm proud. I'm the tallest in my batch mates.
"S-sige salamat pala sa paggamot mo sa sugat k-ko" nauutal kong sabi.
"You're welcome" aniya at nag-jog papunta sa sasakyan niya.
Sabi ko na nga ba 'e ako yung binisita niya.
Umupo ulit ako sa bench at tinignan ang upuan kung saan nakaupo si Michael kanina. Binalik ko ang mga ala-alang nagkasama kaming dalawa sa sobrang saglit na panahon.
Nakangiti ako ngayon habang tinignan ang upuan na nasa tabi ko at napasimangot lang nang may biglang tumabi sa akin.
Napaangat ako ng tingin at nakita ang pagmumukha ni Samuel. Nakakainis naman ang mukha ng lalaking 'to! At nakaka-umay na ang pagmumukha niya!
"You ruined my moment" sabi ko sa kaniya at umirap.
"Masakit pa ba ang sugat mo?"
"Hindi na.."sabay tingin sa plaza sa harap namin. "Bakit? Ano ngayon kung masakit pa? Concern ka boy?"
Panira na Samuel.
"Ang sungit" he said and chuckled. "Concerned lang naman ako sa nagkakagusto sa kaibigan ko"
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Em J Fuego
ouch ha medyo masakit yun😁😂
2021-01-10
0