IAN

AFTH01

"Mom! I'll go now!" I shouted while I'm walking towards our garage.

"Okay take care!"

Sumakay agad ako sa sasakyan ko at nagsimulang magmaneho papalabas ng Yuma Subdivisiona. Mula rito sa subdivision na ito mas unang madadaanan ang Isla Yuma University kaysa sa Yuma State University kung saan ako nag-aaral.

I'm studying in public school but to tell you honestly mas masaya pag nasa public school ka. Base on my experience lang ah! Hindi ko naman nilahat.

Tahimik lang akong bumabyahe at nakita ko pa si Khalil na nakatayo sa may guard house ng IYU. I know him because he's my classmate's ex. Napaka play boy talaga nung isang yun. I don't get it. Some girls want some Playboy types or whatever pero kung tutuusin mas gwapo yung mga nerd e. Not too gwapo but you know mas maganda if loyal yung lalaki. Di kagaya ng iba dyan na papalit palit jowa na parang nabibihis lang ng t-shirt.

"Sometimes in my tears I drown

But I never let it get me down

So when negativity surrounds

I know some day it'll all turn around

Because

All my life I've been waiting for

I've been praying for

For the people to say

That we don't wanna fight no more

They'll be no more wars

And our children will play"

One day by Matisyahu covered by William Johnson. Ganda talaga ang boses ni William. Kilala ko siya dahil famous siya hindi lang sa IYU pati narin sa YSU. We also have a same subdivision kaya kakilala ko siya at palagi ko siyang nakikitang naglalaro ng basketball sa court ng subdivision with his friends.

"One day, One day

One day, One day

One day, One day"

"Maayong buntag Arlene" bati sa akin ni Manong Roberto. Bisaya guard rito sa Yuma State University. Napakafriendly niya talaga at tinuruan niya rin akong magbisaya.

"Maayong buntag sad nong" sabi ko at nagsimulang magmaneho papunta sa parking lot.

I already turned off the radio kanina pa at kasalukuyan akong naghahanap ng maparkingan ngayon. Marami-rami rin ang students rito sa YSU. Pang mayaman lang yung IYU  'e. Di char lang mas masaya kasi rito, nasabi ko lang but to tell you honestly again mas maraming gwapo roon sa IYU. Aanhin mo ang mga gwapo kung hindi naman mapapasaiyo.

Nasa loob parin ako ng sasakyan ngayon, kasalukuyang nag ayos sa sarili. I also saw a group of people na may hate sa akin. Nakatingin sa sasakyan ko sila ngayon. Well sanay. Hindi ko rin sila gets dapat sa kanilang mga boyfriend sila magalit hindi sa akin! Hindi ko naman siguro kasalanan na maganda ako ah?

"Good morning ladies!" I greeted them nang nakababa na ako. Wala akong nakuhang reply at inirapan lang nila ako. Kala mo naman kung sinong maganda.

Maraming nagsabi sa akin na rebonded ba daw ako but no. I'm not. Ewan ko lang sa buhok ko kung bakit napaka straight. Pwede na ata akong maging model ng cream silk.

I went straight to the office of the Archery club. Wala kaming pasok ngayon dahil ewan. Hindi ko rin alam. Wala akong pakialam sa totoo lang basta sinabi lang sa group chat namin na walang pasok buong araw pero kailangan namin na pumunta sa school.

"Hi" I greeted Zhavia—the president of Archery Club.

"Hello Arlene" sagot naman niya sa akin. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap ng mesa niya. Naks sosyal. Nag-chat kasi siya sa akin kagabi na pwede ba daw niya akong kausapin kaya nandito ako sa harap niya ngayon.

Maykinuha siyang folder na nasa gilid ng kaniyang mesa at nilahad ito sa akin. I opened it and I saw a bondpaper. Anong kalokohan to?

"Can you join the meeting?" aniya at nag puppy eyes ba.

Kinunot ko ang aking noo. Siya ang president at ang tamad-tamad niyang magattend ng meetings! "Saan?"

"IYU" aniya at mas lumaki na ang ngiti. "Sayo ko ibibigay ang president title ko next year!"

"Talaga lang ha" sabi ko sabay tayo and I smirked.

"Oo nga sayo! Lahat kaming mga seniors ga-graduate na at ikaw ang nakita naming magaling kaya ikaw talaga ang magiging president"

"Sus wag mo na akong bulahin pa! Pupunta at pupunta ako sa IYU kahit walang kapalit!"

"Yey! Thank you!" sigaw ni Via pero sinarhan ko siya ng pinto.

Ang ingay talaga nang babaeng iyon!

Naglalakad na ako ngayon papunta sa parking lot nang mayhumarang sa akin. Pinigilan pa siya ng boyfriend niya. "Babe stop" rinig kong sabi nung boyfriend niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Parang tigre ang babae at parang gusto niya akong kainin! Hindi ako inform na may bagong member pala sa Anti-Aria.

"Huy babae!" sigaw nang babae sa akin. Agaw pansin na kami ng mga estudyante ngayon lalo na't nasa gitna kami ng samentadong plaza. Para talaga siyang baliw! Wala naman siguro akong ginawa sa kaniya ng masama?

I sighed and I looked back at her.

"Jowa ko na naman ang nilalandi mo! Ang landi mo talaga!" sigaw niya sa akin.

Tinignan ko ulit siya at kininutan ang noo. Anong pinagsasabi nito? Wala akong jowa, my heart is opened hindi naman ito nakasara pero wala naman akong planong makikiagaw ng jowa! Hindi ako despiradang magkakaroon ng jowa!

"What are you talking about?" I calmly said.

"Babe stop it" pigil ng lalaki sa babae. Dapat lang!

"Anong what are you talking about?! Nilalandi mo ang jowa ko kagabi!" sigaw ulit siya.

"Nilandi? What the hell?"

"I saw your conversation! I can opened his account!" share niya lang.

I chuckled at pinaekis ko ang aking braso sa harap ko. "Tapos anong nakita mo? Sinong unang nagchat?"

Hindi nakasagot ang babae.

"Masama ba ang maging friendly? To those who chatted me I replied to them. Te wag assuming lahat ng tao nirereplyan ko kaya kung ang iniisip mo na nilalandi ko ang jowa mo, mali ka. Bakit sa akin ka magalit? Bakit hindi sa playboy mong jowa na kakachat lang namin mahal niya daw ako? Hindi mo guro nabasa dahil dinelete message niya" kalma kong sabi at tsaka umatras.

"Ang landi mo!" sigaw nung babae.

"Masama ba maging maganda? Palibhasa hindi ka makakarelate" sabay irap. "I don't want to waste my energy here. And welcome to the Anti-Aria club! Just contact June dahil siya ang admin" sabay alis sa gilid niya.

Dapat sa malandi niyang jowa siya magagalit hindi sa akin! Hindi porket na ako ang babae, inaapi na ako.

Masama ba maging maganda? Hindi ko naman siguro kasalanan kung bakit maraming lalaki ang nagkadarapa sa akin diba?

Kahit na ganun I still like Michael Asuncion. Marami siyang naging jowa but unlike sa kaibigan niyang isa na nakalimutan ko ang pangalan! Basta apat silang magkakaibigan. Si William, Blaire at nakalimutan ko ang pangalan ng isa.

"Ang landi kasi" may narinig kong sabi. Kahit na hindi ko rinig kong sinong pinagusapan nila, alam kong ako yun.

Hindi ko na yun pinansin at naglakad nalang papunta sa sasakyan ko. Nationwide ang magaganap na metting mamaya. Baka nahihiya si Ayeshia na pumunta doon kaya ako ang pinapapunta.

I started driving papunta sa IYU. Nakailang pasok na ako sa paaralan na iyon pero di ko talaga maiwasang hindi mamangha. Ang ganda talaga sa loob! May Med Building kung saan ang mga kurso na about sa med nandoon, Law Building at marami pang iba.

Actually dito sana ako mag-aaral pero di ako pumayag. Simula pa kasi noong high school ako sa YSU na ako nag-aaral hanggang ngayon. I'm second year college Political Science Major. Mag-aattorney ako pag hindi papalarin mag-aasawa nalang ng attorney. Char.

"From Yuma State University po" sabi ko sa guard ng IYU at pinakita ang ID ko.

Tumango naman si Manong guard at pinataas ang nakaharang sa daan. "Pasok ma'am" maka ma'am tung si kuya!

Ang maganda rin dito sa IYU ay ang uniform ay nakadepende sa course mo. Like the Pol Sci students, ang suot nila ay pang-attorney. The Med students ang uniform nila pang nurse. Sa YSU kasi civilian clothes lang basta hindi lalabag sa dress code.

Kasalukuyan akong naghanap ng maparkingan rito sa loob. Taray naman ng mga estudyante rito! May naka Lambo. Yamaners.

I parked my car near the mango tree. Nasa pinakadulo yun pero mas maigi dahil hindi mainit.

"Hmm excuse me" sabi ko sa isang babae na may kasamang bakla.

"Yes?" aniya. Pormahan pa lang halatang mayaman.

"Can I ask?"

"Yes sure. Ano ka ba"

Parang ako ang nahiya rito ah. "Saan po dito yung conference room?"

"Ahh conference room.. Dumiretso ka lang tapos makakita ka ng first stair papunta upstairs umakyat ka doon then you turn left and the first door yun na.." tinuro turo ni Allison—nakita ko lang sa ID niya— ang daan papunta doon.

"Ahh okay thank you" I smiled at her and walked away.

Hindi talaga maiwasan ang hindi mapatingin sa akin ang mga estudyante. Strict kasi sa uniform ang IYU. Akala siguro nila na ka-schoolmate ko sila.

Nang nakarating na ako doon, kumatok ako sa pintuan at binuksan ko iyon. Marami-rami na rin ang tao na nandito. They are wearing their uniforms while I'm wearing black jumpsuit and white sneakers.

Inikot ko ang tingin ko para makahanap ng maupuan. May bakanteng upuan na nasa gitna kaya nagtungo ako papunta doon.

"Hi" I greeted my seat mate.

"Hello" aniya at ngumiti pabalik sa akin.

"Where are you from?"

"Just in Manila"

"Ahhh" sabi ko at tumango.

"How about you?"

"Kabilang University lang"

"Ahhh Yuma State University?"

"Yes" naputol ang usapan namin nang nagsalita ang emcee sa harap para iwelcome kaming lahat dito.

One week seminar ito at one week rin akong excuse. Ewan ko lang talaga alam kung ano ang pag-uusapan namin rito. The event was sponsored by the Isla Yuma University. Sila kasi ang nangunguna pagdating sa pagpana.

Habang nag-uusap ang isang lalaki sa harap, may umupo sa tabi ko at ilang ulit siyang bumuntong hininga. Sumulyap ako sa gilid ng aking mga mata at nakita kong hinihingal siya. Makarating niya lang kasi.

Binalik ko ang atensyon ko sa harap nang kinausap niya ako. Hindi ako assuming dahil kinilabit niya ang balikat ko.

"Bakit hindi ka naka uniform?" pabulong niyang tanong sa akin.

"Bakit kasalanan ko bang wala kaming uniform?" tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. He is from IYU pala.

He chuckled and he smirked. "Sungit mo naman Miss nagtatanong lang"

He is familiar—no I know him. Barkada siya ni Michael.

"Hindi naman" sabi ko at umirap.

"Hindi daw" he said and chuckled again. Hindi ko na siya pinansin at binalik ang atensyon sa harap.

"Aria Selenna" he said.

Lumingon ulit ako sa kaniya at kumunot ang noo ko. Bakit niya ako kilala? "Paano mo nalaman ang name ko?"

"Chillax lang miss ang sungit-sungit mo naman nakita ko lang naman sa ID mo"

"Edi wow" tumingin ulit ako sa harap. Distruction.

Kinilabit niya ulit ako kaya galit akong napatingin sa kaniya. He raised his two arms na para bang nag surrender siya.

"Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?"

"Bakit required ba?" sabay taas ng kilay.

"Ang sungit talaga" he said and he chuckled again. "I'm Samuel" aniya.

Tumingin ako sa ID niya baka nagloloko siya sa pangalan niya. "Samuel Ian"

"It's A-yan not Ih-yan"

"Ian" (pronounced as Ih-yan)

"No. A-yan"

"Paki mo ba kung Ih-yan ang gusto ko?" ang kulit naman nito!

Nagulat pa siya sa inasta ko at agad naman siyang nagsalita. "Sabi ko ngang Ih-yan hindi A-yan" kinakabahang sabi niya. Madali lang pala siyang kausap.

...ΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩΩ...

...This is work of fiction. The Characters, places, names, events, businesses, and incidents are purely fiction. This story is unedited. Expect a typo, wrong grammar, and etc. This is a work of writer's imagination. Any resemblance to actual persons, living, or dead, or actual events is purely coincidencial....

...Plagiarism is a crime...

...---------------------...

Social Media Accounts:

Twitter: jellianjayoma

*******: bbyjelliann

Hot

Comments

White-chan

White-chan

may update po?

2020-12-04

1

See all
Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play