Chapter 2

"Sino na ang ready sa field trip bukas?" Tanong ni Shane, class mayor namin sa Philippine History subject na dahilan kung bakit mas umingay pa sa loob ng room. Dahil 'di sumipot ang prof namin sa Financial Management, malakas ang loob nitong umupo sa harap at tanungin kami.

Nagsitaas ng kamay ang iba kong kaklase na sinabayan naman ng hiyaw ng mga lalaki sa likod. Hindi tuloy ako makatulog!

"Ako! Excited na talaga ako," sigaw ni Kaleela na nasa harap ko lang.

"Mas excited ako makilala 'yong transferee mamaya," may halong tili ang boses ni Isagn. Nilingon ko ang kaibigan ko at tinignan ito ng masama.

"W-What? Ang sabi kasi nila gwapo, e'. Balita ko pa, isa raw siyang Architecture student."

Tirador talaga ng gwapo! Hindi ko na lang siya pinansin. Yumuko na lang ulit ako sa mesa at pinilit matulog. Hindi pa ako nakakapikit nang may yumugyog naman ngayon sa balikat ko.

"Zariya, look at this. Baka gusto mong sumama sa amin after sa Casa Gorordo Historical Landmark."

Ayaw ba talaga nila akong patulugin?! Antok na antok na ako! Kahit naiinis ay tinignan ko pa rin ang picture na nasa phone ni Kaith.

Familiar.

"Kasi 'di ba, nasa Cebu na tayo kaya lubusin na natin. Maganda raw dito, e'. Based sa picture na rin, maganda nga talaga."

"Saan ito?" Tanong ko sa kaniya.

Nawala bigla ang antok ko nang makita ang picture ng simbahang ito na mala-palasyo ang disenyo. Kahit may pagkaluma ay 'di maitatangging napakaganda pa rin nito, sobra!

"Simala Shrine. The Miraculous Castle Church in Cebu," sagot ni Kaith.

"Nakapunta na ako rito," bulalas ko na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa picture.

Kumunot naman ang noo ni Kaith, "Akala ko ba first time mo makakapunta sa Cebu bukas kaya paano ka naman nakapunta na ro'n?"

"Oo nga, first time ko pa lang makapuntang Cebu."

Maging ako ay 'di ko rin maipaliwanag. Basta, I have this kind of feeling that I already visited that Church. 'Di ko nga lang tanda kung kailan at kung paano.

Hindi pa ako nakakapuntang Cebu at bukas pa lang ang kauna-unahang punta ko ro'n dahil sa field trip namin sa Philippine History. Casa Gorordo Historical Landmark ang napagdesisyunan na pupuntahan namin at ang sabi ni Ma'am, if may natitirang oras pa ay p'wede kaming gumala sa malapit na historic sites.

"Ang gulo mo naman!" Napakamot ng ulo si Kaith at kinuha ang nakalapag na phone niya sa harap ko. "Baka nasobrahan ka lang ng tulog o kaya baka naman dahil sa kakapanaginip mo sa limang prinsipe at akala mo ito ang Kaharian nila."

Muli na namang lumitaw sa 'king isipan ang madalas kong mapanaginipan. Nagsimula ito last month at simula no'n, walang gabi na 'di nila ako dinalaw sa panaginip. Limang prinsipe at isang maganda't malawak na kaharian. Baka nga dahil sa panaginip na 'yon, inakala kong nakapunta na ako sa Simala Church kahit hindi pa talaga. Pero... hindi, e'. Iba talaga ang pakiramdam ko. Tila siguradong sigurado na akong napuntahan ko na 'yon.

"Oh s'ya, 'wag mo na lang isipin. Tara na sa kabilang room dahil 2 PM na." Kinuha na ni Kaith ang bag niya at nauna nang lumabas. Nagsitayuan na rin ang iba ko pang mga kaklase.

Tumayo na rin ako dahil wala naman akong choice. Hanggang alas-dos lang kami rito at may susunod pang mga estud'yante ang gagamit ng room na ito. Philippine History ang last subject namin at sa tabing room lang ang next room namin. Ito ang subject na lagi kong tinutulugan. Imagine, Philippine History sa oras na 2 PM at 1 hour and 30 minutes pa?! Aantukin ka talaga!

Naupo na ako sa tabi ni Kaith at nilapag ang bag sa bakanteng upuan na nasa kanan ko. Swerte ko nga dahil nasa pinakalikod kami. Hindi tuloy ako makita ni Ma'am na natutulog at advantage rin 'yon para kumain ng palihim sa oras ng discussion.

Wala pa naman si Ma'am kaya I decided na matulog muna. Sinabihan ko sila Kaith at Isagn na gisingin ako 'pag nandiyan na si Ma'am pero yuyuko pa lang sana ako ay bigla na lang may nagsalita sa likod.

"Good Afternoon, class!"

Kainis, nandito na si Ma'am! Lagi na lang may hadlang sa pagtulog ko. Sige na nga, mamaya na lang.

Ilang minuto lang nang makarating si Ma'am sa harap, may naghagis ng bag sa mismong harap ko at buti na lang nasalo ko 'to agad kung 'di, tumama na ito sa mukha ko. Nilingon ko ang walang hiyang gumawa sa 'kin no'n.

"Ops, sorry," Sarcastic niyang wika."Ito na lang kasi ang vacant chair so, whether you like or not, I will sit here beside you."

Aba, itong kupal na 'to!

"Una, huwag mo akong ma-english english! Pangalawa, p'wede mo naman iabot sa 'kin ang bag ko--"

"Oh, Mr. transferee, nandito ka na pala. Can you introduce yourself?" Pagpuputol ni Ma'am sa sinasabi ko. Nagsilingon na ang lahat sa kaniya at nagsimula na rin ang bulungan ng mga babae. Malamang, gwapo eh!

Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng bakanteng upuan sa tabi ko.

"Hi! I'm Klein, an architecture student." Matapos niya bigkasin ang ilang salita na ginamit sa pagpapakilala, naupo na siya.

Iyon na 'yon?!

Hindi pa rin naalis ang masamang tingin ko sa kaniya. Gwapo nga, walang hiya naman! Mukha pang mayabang. Dumako ang paningin ko sa buhok nito. Naagaw ng atensyon ko ang ilang hibla ng buhok niya na kulay asul. Napamangha ako dahil parang tunay talaga at 'di lang siya bastang kinulayan.

"Tell me, do you have a crush on me? So, you keep on staring at me?" Wika nito na kinabigla ko. Tutok ang paningin niya sa hawak niyang cellphone kaya paano niya nalaman?

"Hindi ka lang mayabang kung umasta, assumero ka pa!"

Inalis ko ang paningin ko sa kaniya at binaling ito kay Ma'am na abala sa discussion. This is it! Makakatulog na ako.

Nakayuko na ako nang marinig ko ulit ang bulong ng katabi ko. "Sleeping while your teacher is busy on discussing the topics? Until now, you have this kind of attitude. Pasaway kahit kailan!"

Hindi ko alam kung sinong tinutukoy o kausap niya. Wala naman akong pakialam kaya hinayaan ko na lang ito. Ang mahalaga, makakatulog ako.

"Ipatawag ang lahat ng kharim dahil maghahanda tayo ng isang malaking piging!"

Ang apat na kawal ay agad tumalima sa sinabi ng Hari. Yumuko muna sila bilang pagbibigay respeto bago tuluyang umalis.

"Ngunit bakit, Ama? May okas'yon po ba?" Tanong ng isang lalaking 'di malinaw ang mukha.

"May importante tayong panauhin na darating bukas. Sa wakas, babalik na siya!"

"At sino naman ito, Ama?" Tanong pa ng isang lalaki.

"Ang isang haya na magpapabago ng takbo ng inyong tadhana. Siya ay si--"

"Zariya!" Napamulat ako dahil sa lakas ng sigaw ni Kaith. Nakailang hikab muna ako bago inangat ang aking ulo. Nakita kong wala na ang mga kaklase kong nakaupo sa harap.

"Siguro kung 'di pa kita gigisingin, tulog ka pa rin hanggang sa makauwi na ang lahat ng estudyante at faculty teacher dito sa University at malamang, dito ka na rin matutulog magdamag," nakapameywang na usal nito.

Hindi na ako umimik pa. Kinusot-kusot ko na lang ang mata ko at inalala ang napanaginipan ko. Wala na namang bago, tungkol na naman 'yon sa mga prinsipe. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko tsaka sumunod kay Kaith na tuluyan nang nakalabas.

Napahinto ako sa pinto nang makita ko siyang nakatayo ro'n sa tabi. Tinignan niya ako. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin at inirapan tsaka tuluyang nilagpasan.

Nagpaalam na si Kaith na hihintayin niya na muna ang pinsan niyang isang Engineering student. Ako naman ay mauuna nang umuwi. Nagsimula na akong humakbang nang mapansing naglakad na rin ang kupal na 'yon at kasunod ko lang ito. Mas binilisan ko ang paglalakad dahil ayoko siyang makasabayan. Pero dahil sa pagmamadali, may 'di sinasadya akong nabunggo. Nahulog tuloy ang dalawang accounting books ko. Sabay kaming yumuko para damputin ang libro ko.

"Ano ba 'yan?! Hindi nag-iingat!" Ani nito na bakas ang pagkainis.

"I'm sorry," sambit ko nang madampot ko na ang dalawang libro ko. Tumayo ako at hinarap siya.

"I'm not accepting sorry, Miss."

I raised my right eyebrow. "So, what do you want?!"

"A date with me and then, you'll be forgiven." He winked at me.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko na dahilan ng pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. Ang mga ngiting 'yon, familiar. Parang nasilayan ko na 'yon!

"I'm just kidding." He chuckled. "I can't believe that you're still the girl I met before. The only girl who can resist my charm."

Pinagsasabi niya? May saltik ba 'to?!

"Ewan ko sa'yo! 'Di naman kita kilala," singhal ko. Nilagpasan ko na ito at nagpatuloy ulit maglakad.

Bakit tila ang malas ko ngayong araw? Dalawang kupal ang sumira ng araw ko. Muli, nakita ko na naman ang isa pang kupal sa gate na tila may hinihintay. Nagtama muli ang paningin namin pero umiwas agad ako. Tinuloy ko ang paglalakad.

Walking distance lang ang bahay namin. Mga 10 minutes lang ang layo nito sa University na pinapasukan ko kaya araw-araw, naglalakad ako. Sayang naman ang pamasahe kung sasakay pa ako. Makalipas ang sampung minuto, nasa tapat na ako ng bahay. Nadatnan ko sa kusina si Mama na abala sa paghahanda ng hapunan namin. Maaga kasi akong kakain para maaga rin akong magising dahil kailangang 6 AM bukas ay nasa University na kami.

Matapos kumain, inayos ko na ang bag at gamit na dadalhin ko bukas tsaka nahiga na sa kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang litratong pinakita sa 'kin ni Kaith kanina. Ang Simala Shrine. Pakiramdam ko ay nakapunta na talaga ako ro'n pero... imposible! Idagdag pa ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako makapaghintay na makapunta sa simbahang 'yon.

KINAUMAGAHAN, saktong alas-sais ay nasa gate na ako ng University. Pumunta agad ako sa tabi ni Kaith, Isagn at Kaleela. Hinihintay namin ang susunod na bus kung saan kami sasakay. Bale lima lahat ang school bus na gagamitin. Hindi lang kasi Accountancy department ang sasama, maging ang ibang department din.

Ilang saglit lang ay huminto na ang bus sa harap namin. Sumakay na ang iba. Sumakay na rin sila Kaith at susunod na sana ako kaso natigil ako nang may sumigaw sa pangalan ko.

"Miss Zariya!" Nilingon ko ito. Isang lalaking estudyante na nakasuot ng department shirt na gaya ng suot ko. Kaklase ko ba 'to? Familiar ang mukha niya, e'.

"Nahulog ang ID mo. Here," iniabot niya sa 'kin ang isang ID. Tinignan ko muna ang suot kong ID para makasiguradong akin nga 'yon. ID lace na lang ang mayroon at mukhang nahulog ko nga ang ID ko. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat.

"Masaya akong babalik ka na ulit. Sana sa pangalawang pagkakataon, ako naman ang piliin mo," an'ya bago ako tinalikuran. Hahabulin ko sana siya para tanungin ang ibig niyang sabihin pero baka maiwanan ako kaya mas pinili kong sumakay na lang.

Bago sumakay, may isang student council officer ang kumukuha ng ticket bago makasakay nang tuluyan. Binigay ko sa kaniya agad ang ticket ko.

"Nawa'y maging masaya ang iyong paglalakbay," ani nito sabay ngiti.

Ha? Iyon ba ang parang quote nila sa mga estudyanteng sasakay? Weird.

Nang makasakay na ako, nakita kong magkatabi sa unahan sila Isagn at Kaleela. Hinanap ko si Kaith para siya na lang ang katabi ko pero naunahan na ako ng pinsan niya. Humingi ito ng pasens'ya pero sabi ko, okay lang dahil maghahanap na lang ako ng ibang mauupuan. Nginitian naman ako ng pinsan niya bago ko sila lagpasan. Ewan ko ba, 'di naman kami gano'n ka-close pero sa t'wing nagkakasalubong kami, nginingitian niya ako. Friendly lang siguro talaga siya.

Ilang saglit lang na paghahanap ng bakanteng upuan, sa wakas may nakita na ako. Sa may bandang likod ito at kung sinus'werte nga naman ako, tabi ng bintana ang bakanteng upuan na 'yon. Agad akong naglakad papunta sa likod.

"Excuse me," saad ko sa lalaking kasalukuyang nagbabasa ng libro. Hindi kasi ako makadaan dahil nakaharang ang binti niya.

Kasabay ng pagtingala niya ay ang siya ring paglaki ng mata ko, "Ikaw na naman?!"

"So? Kung ayaw mo akong katabi, maghanap ka ng ibang upuan." Walang ganang binalik nito ang paningin sa librong hawak niya.

Nagpalinga-linga ako pero wala na akong makitang bakanteng upuan pa. No choice, tatabihan ko pa rin itong mayabang na transferee na ito!

"As if I have a choice."

Binigyan niya ako ng space para makaupo sa tabi niya. Okay na 'to, at least nasa tabi ako ng bintana. Nang umandar na ang bus, isinandal ko na rin ang ulo ko sa bintana para matulog. Itutulog ko na lang buong biyahe kaysa mainis dito sa katabi ko.

Wala pa yatang sampung minuto ay nag-preno ng sobrang lakas ang driver. Tila may tumulak sa likod ko ng sobrang lakas na halos tumama na ang mukha ko sa upuang nasa harap ko. Ang ipinagtaka ko, naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kahit inaantok at nahihilo, pinilit kong imulat ang aking mga mata para malaman kung anong nangyayari.

"Anong ginagawa mo?!" Inagaw ko ang kamay ko mula sa kaniya. Kasi naman, may balak pa yata siyang halikan ang kamay ko!

"Bakit, haya? Akala ko may pagtingin ka sa 'kin kaya hanggang dito sa sinasakyan kong kalesa ay sinundan mo ako."

Hindi maalis sa labi niya ang ngiti.

Mapulang labi,

Nakakaakit na ngiti,

Matangos na ilong,

Mapupungay na mata,

Makapal na kilay,

At

Kulay yellow-orange na buhok?!

"Alam kong biniyayaan ako ng mala-anghel na mukha pero haya, baka malusaw ako niyan."

Tinignan ko siya na parang nandidiri. Oo, cute siya pero masyado siyang mahangin kaya ekis pa rin!

"Ang kapal mo naman! Pero t-teka, sino ka?" Lumingon ako sa paligid. Wala na ako sa bus. Nasaan ako ngayon?!

Dali-dali akong tumalon mula sa kalesa. Ilang beses ko ring kinurot at sinampal ang pisngi ko dahil baka nananaginip na naman ako pero nakaramdam ako ng sakit. No, 'di 'to totoo!

"Haya, sandali!" Sumigaw ang lalaking may kulay yellow-orange ang buhok. Tinignan ko ito, namangha ako sa suot niya. Nakasuot siya ng galanteng damit na tulad ng isang prinsipe na nasa panaginip ko.

Nang akmang bababa na siya sa kalesa ay tumakbo na agad ako.

"Zariya, ano ba! Gumising ka na! Nananaginip ka na naman," wika ko sa 'king sarili habang tumatakbo. Huminto ako nang makaramdam ako ng pagod.

Nilibot ko na naman ang paningin ko sa paligid. Napapatingala ako at napapayuko dahil hindi pantay-pantay ang mga tao. May mala-higante at mayroon ring hindi katangkaran, mas maliit pa sa 'kin. Tumabi ako sa isang puno dahil baka maapakan ako ng mga higante.

"Maligayang pagbabalik, haya!"

Napaatras ako nang makita ko sa sanga ang isang kakaibang ibon. Kalahating owl sa pantaas at kalahating tarsier sa pambaba. May pakpak at nagsasalita pa?! Anong klaseng hayop ito?!

Natatakot man ay pinilit ko pa ring magtanong, "Anong lugar po ito?"

"Nasa Kaharian ka ng Norland. Ang Kahariang iyong napapanaginipan."

Kaharian ng Norland?!

"Ano po bang pinagsasabi niyo? At paano niyo nalaman ang tungkol sa panaginip ko?"

Lumipad ito sa isa pang sanga na mas malapit sa 'kin, "Dahil ako ang dahilan kung bakit narito ka."

Mas lalo akong naguluhan. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nasa bus ako kanina tapos biglang nandito na ako?! Hindi, imposible!

-

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play