Chapter 2

"Myahaja", tumingin saakin ang lalake. Makikita sa mukha niya ang pagkainis.

Mukhang nagsasalita siya ng ibang lenggwahe. Napabuntong hininga nalang ako. Sa itsura niya mukhang hindi niya na magawa pang tumayo sa pagkakaupo. Kapansin pansin din na umaagos ang dugo niya sa sugat na sobrang hirap ng tignan ngayon.

Ano ba ang ginawa nito't sobrang lala naman ata ng sugat niya at mukhang wala pa siyang balak na takpan o linisin man lang yun.

Ako ang nasasaktan sa lagay niya eh.

Bumuntong hininga ako at napatingin ulit sa paligid. Ang kuwebang ito ay puno ng mga halaman at nang makakita ako ng malaking dahon, inabot ko yun at kumuha ng isa.

Bumalik ako sa lalake, at walang balak na mahawakan na ipinatong ko sa katawan niya ang malaking dahon.

Kahit na sobrang kawawa na ng lagay niya, hindi padin ako komportableng tignan ang malaking bagay na nasa baba niya.

Akala ko ay hahayaan niya akong gawin ang ginawa ko pero napaiktad ako ng malakas niyang itinapon ang dahon tsaka masama akong tinignan. Ayon, nakita ko nanaman ang nasa baba niya. Komportable ba talaga siya sa lagay niyang yan?

Mukhang masungit ang lalakeng to pero mas masungit ako. Kung patigasan tayo, siguradong mananalo ako. Kinuha ko ang malaking dahon at habang hawak ito, pinilit kong ipang takip ito sa paningin ko sa baba niya.

Tinignan ko ang malaking dahon, kahit malaki ito, hindi nito kayang takpan ang buong katawan ng lalakeng ito. Huminga ako ng malalim at nag focus. Biglanglumiwanag ang hawak kong dahon, at dahan dahan iyong lumaki. Nang mapansin kong sakto na ang laki nito, itinigil ko na ang pag kontrol sa awakened ko. Muling bumalik sa lalake ang paningin ko na ngayon ay parang gulat na gulat na nakatingin saakin.

"Huwag kang malikot kung hindi paliliitin ko yang junior mo", diin na sabi ko dito at nagmadaling ibinalot sa katawan niya ang dahon. Nagbalak pa itong kumawala saakin pero sinamaan ko ito ng tingin dahilan napahinto ito.

Pinilit kong ibinalot sa kalahating katawan niya ang dahon, isinali ko na ang maduming crispy na pandesal para safe. Ngayon, para siyang turon na ibinalot sa lumpia wrapper pero nakalabas ang dalawang braso at ulo.

Nanigas siya sa pagkakaupo at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Well, hinayaan niya naman akong gawin ang ginawa ko, okay na siguro to.

Tumayo ako at tinignan ulit ang kabuohan niya. Napaka-awkward ng lagay niya. Pero okay nadin to para naman kahit paano, mapa focus ako sa sugat niya at hindi sa baba.

Hindi talaga ako sure sa ginagawa ko pero hindi ko naman kayang kalimutan nalang ang nangyari kanina. Nagkaganito lang naman ang lalakeng ito dahin sa pagligtas niya saakin kanina. Kahit hindi naman kami nagkakaintindihan, may utang na loob padin akong nararamdaman.

Tumingin ulit ako sa paligid. Madilim ang kasuluksulukan ng kuweba pero may nadidinig akong ingay dito. Isang patak ng tubig. Dala dala ang isa pang dahon nagmadali ako naglakad papasok pa lalo sa kuweba at kahit madilim, pinilit kong linawin ang paningin ko.

Dahil sa liwanag na nanggaling da labas, parang nag reflect ang liwanag sa malaking pool na nasa loob ng kuweba. Namangha pa ako sa ganda ng reflection na yun, sa huli ay tuwang tuwa akong lumapit dito at gamit ang dahon na dala, kumuha ako ng tubig. Nagmadali ako bumalik sa lalakeng nakasandal padin doon.

"Huwag kang gumalaw, lilinisan natin yan", paalam ko pa dito at hindi na pinansin ang nagtatakang mata nito, ibinuhos ko sa sugat niya ang tubig na dala ko.

"Ahh!", napainda siya at pinilit na hindi gumawa ng ingay pero kitang kita ang galit sa mukha nito habang nakatingin saakin.

"Oops!", balak sana nitong tanggalin ang nakabalot na dahon sakanya kaya pinigilan ko ang kamay nito.

Kahit na binalot ko sakanya ang dahon, ingat na ingat talaga ako para hindi siya mahawakan pero nang mahawakan ko ang kamay niya, doon ko lang na realized na sobrang init niya pala.

Sobrang init talaga kaya walang sabi akong napahawak sa noo niya. Ang lala nito. Parang kaya na ng noo niyang makaluto ng itlog sa lagay niyang ito.

"Huwag kang gumalaw. Ang init init mo tapos may gana ka pang gumalaw?", hindi ako makapaniwala sa isang ito. Tao pa ba to?

Ano bang tumatakbo sa utak nito't nandito siya sa gubat na hubot hubad at napakataas pa ng lagnas? Ano siya? Si Tarzan?

Napansin kong mas lalo siyang namula, mukhang mas lumalala na ang nararamdaman nito. Tinignan ko ang sugat nito tsaka ang mukha niya. Hindi na siya nakatingin saakin ngayon, ibinalik ko ulit ang tingin ko sa sugat.

Mukhang isa ata ang sugat na ito sa dahilan kaya lumalala ang lagnat niya.

Bumuntong hininga ako. Kinuha ko ang shoulder bag na dala ko. Buti nalang talaga at kasama ng dagger ko, dala ko din ang shoulder bag na ito. Hinalukat ko yun, nagbabakasakaling kahit paracetamol ay sana ay meron ako pero wala akong makita.

"Ayaw ko tong gawin pero ito lang ang meron ako", napabulong akong naglabas ng malaking lalagyan ng Betadine.

Tinignan ko ulit ang sugat niya. Ayaw kong mamatay ang lalakeng ito sa harap ko. Mas gugustuhin ko nalang na piliing gawin ito kesa sa hayaan lang siyang ganito.

Muli akong tumayo at muling kumuha ng tubig. Nilublob ko ang pocket knife na meron ako sa tubig, komplikadong tinignan ang sugat. Ngayon ko lang napansin na mukhang matagal na ang sugat na to. Paano ba naman at may tuyong dugo na sa gilid sugat niya, mayroon ding dead skin dito. Kung hindi ko lang ito binuhusan ng tubig, hindi ko pa ito makikita.

Hindi naman ako nadidirian dito, ako pa na ilang taon ding nabuhay sa apocalypse na mundong yun, halos nakita kona kaya ang halos pinaka brutal na itsura ng patay na katawan, sadyang napaka unkomportable lang talagang tignan ng sugat nito.

"Mhewo naba?", mukhang napatanong siya saakin nang makitang hawak ko ang pocket knife ko.

"'Wag kang mag-alala, lilinisan lang natin ang sugat mo", kahit hindi naman kami nag kakaintindihan, sinabi ko padin yun.

Hinawakan ko ang mainit niyang braso at inihanda ang sarili sa gagawin, pero hindi pa nga nakakalapat ang pocket knife ko sa sugat niya, bigla niya nalang hinawakan ang palapulsu-an ko.

Napatingin ako sa seryoso nitong mukha. Hays, paano ko pa eexplain sakanya ang balak ko? Mukhang hindi niya talaga ako maintindihan pero normal response naman na siguro na lilinisan natin ang sugat niya kung ganito't mukhang nagka infection na siya sa lagay niyang to.

"Lilinisan lang natin para naman bumaba na yang lagnat mo. Wala akong gamot kaya ito nalang ang magagawa ko", sabi ko dito pinipilit na ipaintindi dito. Pinilit ko pang ngumiti dito dahil naniniwala ako sa 'A smile is a simple way to show you have good intentions'

Ang mahigpit na pagkakahawak niya sa palapulsu-an ko ay dahan dahang bumitaw. Habang deretsong nakatingin sa mukha niya, dahan dahan siyang umiwas ng tingin at ibinaling ang mukha sa gilid baliktad sa sugat niya. Napansin ko pang mukhang sumuko na ang buong katawan niya.

"'Wag kang sumuko, hindi ka mamamatay dito. Sa laking mong yan, sigurado namang madami kapang dugo. Indahin mo lang to ng ilang minuto, matatapos kaagad ako", hindi ko mapigilan na sabihin ito sakanya pero wala akong natanggap na sagot dito.

Umiling nalamang ako at nagsimula nalang na linisan ang sugat niya. Sinigurado kong malinis ang labas ng sugat niya.

Nang matapos ay doon ko lang napansin na nanghihina na pala siyang napasandal. Kumuha ulit ako ng madaming dahon, ginawa itong higaan upang kahit papaano ay komportable siya sa pagkakahiga. Naglabas ako ng isa sa mga sando ko tsaka ipinunit yun upang ma-itinali sa malinis na niya sugat. Muli din akong kumuha ng tubig at gamit ang isa pang punit na bahagi ng tela, ibinasa ko ito at nilinisan ang ibang bahagi ng katawan niya.

Kapansin pansin ang malalalim niyang paghinga.

Hindi ko mapigilan na mapatitig sa mukha nito. Hindi ko inaasahan na maliban pala sa kapansin pansin na katawan niya, may ikabubuga din pala ang mukha niya. Oo, gwapo siya, sis. Medyo moreno pero ang haba ng pilik mata at ang kapal ng kilay, matangos ang ilong at medyo messy ang buhok. Akala ko pa may dumi siya sa ulo dahil ang ilang bahagi ng buhok niya ay may puti, hindi naman siya nagmukhang matanda sa puting buhok na yun. Mukhang dumagdag na yun sa appeal niya.

"Hmm", naputol lang ang titig ko nang madinig kong uminda siya.

"Pak", hindi ko mapigilan na tapikin ang sarili upang mapa focus ulit.

Hindi pa maayos ang pasyente, kailangan ko pa tong alagaan para mas mapaayos pa ang lagay nito.

Tumayo ako at napakamao. "Everything needs to be prepared!",

Tumingin ulit ako sa paligid. Ang una kong kailangan gawin ay ang makagawa ng apoy. Kailangan ko ng mainit na tubig. Kailangan ko ulit linisan ang sugat niya.

Naghanap ako sa paligid ng kahoy na puwedeng ipanggatong pero halos halaman at bato lang ang nasa paligid, nang tumingin ako sa baba ng kuwebo, doon lang ako nakakita ng mga tuyong kahoy.

Bumaba ako at nag kolekta ng kahoy, iniiwasan ang likod ng malaking bato kung nasaan ang matulis na ugat nayun. Tumingin ulit ako sa paligid nang biglang may mapansin ako.

Isang pamilyar na halaman. Nilapitan ko ito at siniyasat ng maiigi. Pamilyar siya... five-leaved chaste tree? Lagundi? Napahawak ako sa halaman pero hindi ako sure kung lagundi ba talaga ito. Wala akong masyadong alam sa mga halaman lalo na sa mga herbal pero isa akong actress. Hindi ko pa ba to nasasabi? Isa ako sa pinaka kilalang actress bago ang apocalypse. Hindi man ganoon kadami ang napagdramahan ko, magaganda naman ang mga nakukuha kong role. May isa ngang fantasy, isa naman ay historical tsaka halos palagi akong nakakakuha ng teenage romance na roles dahil yun ang pinaka-uso.

Hindi naman kailangang alam mo lahat para maging actress ka pero may iilan talagang tatatak sa alaala mo kapag devoted ka sa trabaho mo. Gustong gusto ko ang ginagawa ko kaya minsan tuwing may nakukuha akong roles, halos ibigay ko na ang 90% ng energy ko doon. Simula bata gusto ko na talaga maging actress pero dahil sa apocalypse hindi man lang ako umabot ng limang taon sa industry nayun.

Hindi ako mahilig magbasa pero may iilan akong alam na mga halaman. Lagundi ay para sa ubo, sipon, astma at lagnat. Ang problema ay hindi ako sure kung ang halaman ba na ito yun.

Tumingin ako sa paligid upang tignan kung may iba pa bang halaman. Nabaling ang tingin ko sa taas ng kuweba. Nag aalala talaga ako sakanya.

Tumingin ulit ako sa halaman. Puwede naman sigurong subukan diba? Pero... Paano kung may mangyari? Ayaw kong maguilty >_<.

Pero... Ayaw ko ding mamatay siya. Dinilatan ko ang halaman na parang maya maya lang ay gagalaw at tatakas ito sa paningin ko. Nakipagtitigan ako ng ilang segundo—nang biglang umihip ang hangin, mabilis akong humablot ng isang dahon dito tsaka ipinasok sa bibig ko. Maliit lang yun, siguro naman ay safe kung e tetesting ko sa sarili ko diba?

Nginuya ko ang halaman. Ang... Ang pait! >-<

Gusto kong e-dura ang nasa bibig ko pero kailangan kong e testing to!

Sa huli, sinisip ko ito hanggang sa mawala ang lasa nito. Inidura ko ito tsaka napaisip kung tama ba ang ginawa ko.

Maliban sa mapait, mukhang maayos naman na ata to. Sa pagkakaalam ko, mapait ang lagundi. Ahhh... Kumuha ako ng ilang piraso dito. Tinignan ang hawak ko, tsaka napaisip, 'Bahala na, wala naman sigurong masamang subukan'.

Gamit ang lighter na nasa bag ko, sinindihan ko ang mga tuyong kahoy na nakolekta ko. Kumuha ako ng tatlong malalaking bato para sa paligid ng apoy. Naghanap ng swallow na bato, nilinis yun, nilagyan ng tubig at inilagay sa apoy. Napaupo ako sa harap ng apoy, naghihintay na kumulo ang tubig.

Hindi ko ito tuluyang pinakulo dahil kailangan ko ng tubig na katamtaman lang ang init. Gamit ang dahon na ginawa kong square na siyang natutunan ko noong elementary, nilagyan ko ito ng tubig. Nilapitan ulit ang lalake at nilinisan ulit ang sugat.

Dahil mukhang nilalamig siya, gamit ang mainit na basang tela, wala akong nagawa kundi linisin din ang ibang parte ng katawan niya. Noong una, sa leeg at mukha lang niya napunta ang kamay ko pero dumaan ito sa malapad niyang dibdib at dahan dahang bumaba... Ehhhhh, matigas ah... Matigas yung pandesal kahit tulog siya, tense yarn?

Hindi mapigilan ng pisngi kong mamula. Hindi ako manyak ah, hindi ko sinasadyang hawakan siya dito. Nagkataon lang na nag aalala ako kaya gusto kong malinisan siya...

Hehe, gusto ko pang bumaba pero mukhang sumusobra na ata yun kaya bumaba ang paglinis ko—hindi doon na baba okay? Kundi sa legs at paa niya lang. Nang matapos, na satisfied na din ako.

Bumalik ako sa natitirang iniinit na tubig. Ang nahugasan na na lagundi ay inilagay ko sa tubig at ilang minuto lang ay kumuha na ako dito. Pinalamig iyon at ipinainum saating sleeping handsome.

Natapos nadin ako. Tumayo ako at nag inat, tumingin ulit sa paligid. Pumunta ako sa loob ng cave at tinignan ulit ang pool doon. Napakaganda talaga...

Gusto ko tuloy maligo...

Hmmm...

Tinanaw ko ang lalakeng natutulog.

Wala naman sigurong masama kung maliligo ako diba?

Totoong nanlalagkit na talaga ako. Ilang araw na kaya akong walang ligo. Sobrang hirap na ngang makainom ng malinis na tubig sa apocalypse, nakapa impossible narin kayang makaligo sa mabilis na tubig.

Napangisi akong nag hubot-hubad. Mukhang impossible namang magiging pa ang ating sleeping handsome kaya, e tutudo ko na to.

Tumalon ako sa tubig...

Ahhh, ang sarap...

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play