Be Your Goddess (Filipino)
SABI nila iba daw ako.
Sinabi pa nilang napaka perpekto ko.
Nadinig ko pang napaka talented ko daw sa madaming bagay.
Nakakahiya mang sabihin, pero alam ko naman na yun kaya hindi na talaga nila kailangan pang sabihin saakin.
Masasabi ko ba talagang magaling ako sa kahit anong bagay?
"Makinig kayo..."
Masasabi ko ba talagang talented ako?
Itinaas ko ang dalawang kamay ko na siyang aabot hanggang ulo ko.
"Nandito ako sa harapan niyo..."
Perpekto ba talaga ako?
Tama ba talaga ang desisyon na to?
".. Upang ipadinig sainyo kung gaano ka makapangyarihan ang bathala",
Napapikit ako at napahinga ng malalim.
"Pakinggan niyo ang kapaligiran..."
Hooosshh
Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan na siyang nagpa ingay ng mga dahon ng puno sa kapaligiran.
"Nandito ako..."
Napadilat ako...
Dahan dahan na tumingin sa baba...
"Ipinadala ako ng bathala upang gabayan kayo..."
Isa isa kong binagsakan ng tingin ang mga weirdong taong ito...
Kapansin pansin ang mga kasuotan at itsura ng mga ito.
Maliban lang ata sa pagkakaroon nila ng dalawang paa, dalawang kamay, dalawang mata, dalawang butas na ilong pang daloy ng hangin, isang bibig, at kung ano ano pang example sa isang tao, matuturing ko pa sana silang katulad ko pero...
"... gabayan kayo sa mundong to kung paano magkaroon ng mas maayos na buhay..."
Wala akong balak na bumuo ng kulto pero...
Gusto kong mapangiwi sa kaba.
Kung hindi lang sana sa kakaibang tenga na meron sila... Kung hindi lang sana sa buntot na lumalabas sa likod nila at kung hindi lang sana sa mala primitive na suot nilang balat ng kakaibang hayop...
"Sugat, kaya ko yang gamutin. Pagkain, kaya ko yang ibigay. Matitirhan, kaya ko yang lutasin..."
Maituturing ko pa sana silang mga normal na taong tribo...
Pero...
"Sandata, kaya ko yang patibayin..."
Bumagsak ang paningin ko sa gilid...
Mula sa whisker nito, mapulang ilong na parang nakakatuksong pindutin, bilog na mata nitong parang iginuhit pares ng anime, black white stripes nitong katawan, balahibo nitong parang napakasarap yakapin, at ang tenga nito na siyang parang maya maya lang ay mag e-airplane mode na...
Iisipin ko pa sanang normal na pusa lang ito pero...
"Nandito ako sa harapan niyo upang tulungan kayo sa mga pagsubok na siyang ibinibigay ng bathala!"
Lahat ng salitang inilabas ng bibig ko... Nanggaling pa sa desperado kong hiling...
"Roooaar!", biglang sumigaw ang malaking tigre.
Kasabay nun, nagsigawan din ang mga abnormal na tao sa baba.
Waaaah T_T!
Putik, ayaw ko pang mamatay.
—
"Waahhhh!",
Binilisan kopa ang takbo ko, ramdam ko ang bagay na yun sa likod ko at pakiramdam ko ay mas lalo lang itong naging agresibo.
Nanghihina na ang tuhod ko at ilang minuto nadin akong walang tigil sa pagtakbo. Ano ba ang nangyari?
Kanina lang ay nag papahinga lang kami ng mga kasama ko. Sa taas ng walang tigil naming paglalakad, nagawa nadin naming makapagpahinga nang makakita ng safe na lugar.
Pero nagising nalang akong may kumakapit sa bewang ko, akala ko pang pinagsasamantalahan na ako ng mga kasama ko pero nang idilat ko ang mata sa dilim, doon ko lang napansin na hindi lang pala sa bewang ko may kumakapit, halos buong katawan ko na pala ang nilalamon ng kakaibang nilalang.
Buti nalang at natulog akong hawak hawak ang dagger ko dahilan nagawa ko pang makatakas sa nilalang na yun.
Doon ko lang napansin na nasa kakaibang lugar na pala ako. Hindi kona nagawang hanapin ang mga kasama dahil ramdam kong aatakehin ulit ako ng halimaw nayun. Wala na akong paligoy ligoy na tumakbo pero hindi ko inaasahan na halos limang kilomentro ang kayang ikahaba ng halimaw na ito.
Nang tumingin ako kanina, hindi ko makita ang buong katawan nito pero ang mala ugat na galamay nito ay parang ahas akong hinahabol.
Mukhang hindi niya talaga ako tatan-tanan kahit ano pang takbo ang ginagawa ko dito.
Hindi na talaga kaya ng katawan ko. Nakakamangha na ngang nagawa kong tumakbo ng ganito kalayo. Buti nalang talaga at awakened ako kaya parang superhuman ang katawan na meron ako ngayon pero, sa huli, kahit gaano pa kalakas ang katawan ko, talagang may oras itong susuko na sa pagod.
"Ah!" Isang matinis na sigaw ang nagawa ko ng hindi ko namalayan na ang kaninang patag na kagubatan na tinatakbuhan ko ay nagbago ng kurba, hindi literal pero dahil siguro sa sobrang pagod na ng katawan ko, hindi ko na namalayan na ang tinatapakan ko ay nasa bangin na pala.
Halos huminto ang hinga ko ng bumagsak ako sa lupa at halos tatlong beses na gumulong bago bumagsak sa malaking sanga ng kahoy. Ramdam ko ang hapdi ng mga sugat na nakuha ko sa pagbagsak nayun. Nasaktuhan pang ang puwesto ko ngayon ay nakaharap sa mala ahas na ugat nayun.
Talagang huminto ang hinga ko sa bilis ng galaw nito at nang lumipad ito sa mukha ko, hindi kona napigilan na mapapikit.
Tigil hininga at wala akong magawa kundi ang tanggapin na ang katapusan ng buhay ko...
Pero ilang segundo ang lumipas, wala akong maramdaman na masakit. Unti unti akong napadilat at napasinghap pa nang makita ang dulo ng ugat na yun na lumulutang parin sa harapan ko. Muling gumalaw ang halaman na para bang sinusubukang abutin ako.
Nang mapansin kong mukhang hindi ako nito kayang abutin, ininda ko ang hapdi ng katawan at gumalaw paatras at palayo dito.
Sinusundan padin ako ng ugat na yun pero mukhang hindi na nito kayang pataasin ang sarili kaya lumulutang lang itong sumunod sa galaw ko. Napalunok nalamang ako. Sa tulis ng dulo ng ugat na ito, siguradong mala espada yung tatagos sa katawan ko kung nagawa nitong abutin ako ngayon.
Nang ilang metro na ang layo ko, pinilit ko ng tumayo. Tumatayo habang kaharap padin ang ugat. Natatakot akong baka habang nakatalikod ako dito, bigla nalang itong humaba at talagang tutusukin ang katawan ko.
Walang nagbago sa ugat pero mukhang gusto talaga nitong abutin ako. Nang marealize kong hindi talaga nito magawang pahabain pa ang sarili, napatayo na ako ng maayos. Humingal padin ako sa pagod. Gusto kong umupo ulit pero natatakot ako sa lugar na ito.
Hindi ko magawang makampante, paano kung may kung anong nilalang nalang ang dumating?
Kakaiba pa naman ang gubat na ito.
Sa pagkakaalala ko, ilang taon ng walang nakakita ng ganito ka berdeng gubat. Ilang taon na ang lumipas simula nag simula ang apocalypse. Oo, apocalypse. Zombie start emerging, awakened start appearing. Ang malala, nag eevolved pa ang mga zombies. Mahirap para sa mga awakened na nanggaling sa mapayapang panahon na makipag laban ng patayan sa mga zombies na iyon pero upang maging malakas, kinakailangan naming lumaban ng walang tigil.
Napatingin ako sa paligid at nang makita ang mala rain forest na lugar na ito, hindi ko mapigilan na mapa buntong hininga. The earth become infertile. Plants won't grow without the help of a plants awakeners.
Nasaan ako ngayon?
Binalingan ko ulit ang ugat nayun bago tumingin sa likod. Napahinto ako sa pag galaw, halos lumabas ang mata ko sa gulat sa nakikita ngayon.
Ano to?
Isang malaking buto ang nasa harapan ko ngayon. Hindi lang malaki, talagang napaka laki. Sa tingin ko nga't halos two storey ang laki nito. Anong klaseng halimaw ang nag mamay-ari ng buto na to?
"Sriikk", naitaas ko ang dagger na hawak nang marinig ang ingay nayun.
Napatingin ako sa pinanggalingan nun at ganun nalang ang muli kong pag kakagulat nang makita kung anong klase halimaw na naman ang nasa harapan ko.
Halos kasing taas ko ang halimaw na ito. Mula sa mala reptile nitong mata at balat, masasabi ko agad na carnivorous ang halimaw na ito.
"Striik", gumalaw galaw pa ang ulo nito na para bang nag tataka na makita ako.
Bumilis ang takbo ng puso ko sa kaba.
"Strriuukk!", bigla itong sumigaw. Kitang kita ko ang mahaba nitong pangil kasabay nun ay tumakbo ito ng mabilis saakin. Nakahanda akong sunggaban.
Napaatras ako at humanda sa atake nito.
Nakahanda na ako sa mangyayaring labanan pero bigla...
"Sti—",
Isang mabilis na nilalang ang sumagasa sa halimaw.
Nakaamoy ako ng dugo sa sumulpot na nilalang. Nakahanda na akong labanan ang bagong nilalang na dumating pero may napansin ako dito.
Ang nilalang na nakapasan sa halimaw nayun ay dahan dahan na tumayo at humarap sa kinapupuwestuhan ko.
Napahinto ako nang marealize na ang nilalang na ito ay isang tao. Tao?
Napatingin ako sa kabu-ohan nito, pataas at pababa. Halos masilaw ang mata ko sa nakita.
Bakit hubot-hubad siya?!
Pinilit kong hindi tignan ang baba nito. Napansin kong mukhang nagulat din siya ng makita ako.
"Ahwan bwal", bigla siyang nag salita pero sa hindi malamang dahilan, hindi ko siya maintindihan.
Anong sinasabi niya? Bakit para akong nakadinig ng ibang lenggwahe?
Dahil siguro sa hindi ako sumagot dito, sinubukan nitong humakbang palapit saakin na naging dahilan ng muling pag atras ko.
Napansin ko ang pag kunot ng noo nito at pagbaba ng tingin sa isang braso na siyang mas puno ng dugo.
Kahit ako ay nasira din ang mukha dahil mukhang malalim ang sugat niya sa braso nayun. Napatingin pa ako sa halimaw na tinalunan niya at nagtaka kung paano niya napatumba iyon ng isang atake lang kahit pa sobrang lala na ng kalagayan nito.
"Agsha na", muli siyang nagsalita habang seryosong nakatingin saakin bago tumalikod sa kinapupuwestuhan ko.
Binalikan niya ang halimaw at gamit ang isa niya pang maayos na braso, kinuha niya ang halimaw nayun at kinaladkad sa kung saan.
Napahinto ako dahil kahit parang baliw ang taong ito, mukhang wala naman itong balak na saktan ako.
Napahinga pa ako ng malalim at napatingin ulit sa paligid. Pati ang ugat kanina ay tinignan ko din. Nakakapagtakang hindi padin ito sumusuko na abutin ang puwesto ko.
Gusto kong umalis dito at mag hanap man lang ng ligtas na matataguan pero hindi naman ako sure kung hanggang saan ang haba ng ugat nayun kaya natatakot akong basta basta nalang maglakad sa kung saan.
Muli kong tinignan ang taong umalis at nang makita ko siyang naglakad sa malaking bato, napagdesisyonan ko nalang na sundan ito.
Hindi ako lumapit dito, may ilang metro padin ang layo ko sakanya. Nakakatakot kayang lapitan ito. Nakakapagtaka na ngang wala itong suot na damit sa lugar na ito. Nasa gubat kami, sino ba naman ang may tamang pag-iisip ang maglakad ng hubot-hubad lalo na't halos maligo na ang katawan nito ng kulay dugo.
Naglakad ito patungo sa likod ng malaking bato. Sinundan ko ito at nang tinapun niya ang hawak na halimaw, napasunod ang tingin ko dito.
Nadinig ko siyang gumalaw at dumaing pero ang paningin ko ay naiwan sa halimaw na itinapon niya.
Natulala ako sa nakita. Isang malaking buto ng kakaibang hayop ang nandoon. Hindi ito nag iisa. Ang itinapon na halimaw ng taong yun ay napunta sa tuktok ng iba pang halimaw.
Nagulat ako sa nakita pero hindi din napigilan na ma curious. Hindi ko mabilang ang halimaw na nandidito dahil mukhang ang iba dito ay halos mahiwa na sa natamong sugat pero may napansin akong kakaibang hayop doon. Mukha itong malaking peacock pero hindi naman mukhang peacock, sadyang may makulay lang talaga itong balahibo.
Mula sa likod ng mga halimaw na ito, may malaking buto doon at meron ding ibang katawan ng hayop na siyang nangangamoy na ngayon.
Napaatras ako ng marealize ang baho ng paligid. Ano ba ang nangyayari dito?
Muli kong tinignan ang taong yun pero napansin kong nawala ito. Kinabahan ako pero napansin ko ang itaas ng malaking bato.
Mula sa kinatatayuan ko, may nakita akong bukana ng malaking kuweba. Huminga ako ng malalim at sinubukang umakyat sa mga batong nakapaligid dito. Nang makaakyat, doon ko nakita ang taong yun; sa loob ng kuweba at nakasandal sa isang bato habang hawak hawak ang isang braso.
Mukhang nakaramdam na ng panghihina ang taong ito dahil makikita sa mukha nito ang pag inda.
Nakatayo lang ako dito at nagdadalawang isip pa kung ano ang gagawin ko.
"Kaya mo pa ba?", hindi ko mapigilan na tanungin ito habang sinubukang humakbang palapit dito.
Hindi na bago ang ganitong setwasyon. Ang makakita ng mga nakakatakot at napaka savage na pangyayari.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments