Ninanamnam ko ang sarap sa pakiramdam ng tubig pero naisip ko ang lalake sa labas kaya napaayos ako ng tayo at nagmadaling nilinis ang sarili.
Gudgud dito gudgud doon. Nilabhan kona din ang kaninang suot kong damit. Nang ma tapos, umalis na ako sa pool. Naghanap ng masusuot na damit sa bag ko. May isang sando, shorts at underwear nalang ako. Sobrang ninipis at talaga namang hindi nakakapagtakip sa katawan pero wala akong magagawa, hindi ko naman kayang ipagkasya ang malaking jacket sa bag ko.
Natapos akong magbihis, sinuklay suklay kopa ang buhok ko gamit ang daliri. Shakit, dahil hindi ako gumamit ng shampoo o conditioner, halos tumigas na ang buhok ko sa pagkakabuhol. Hay, wala akong magagawa dahil may curly hair ako.
Babalikan kona sana ang pasyente ko nang bigla ay may mapansin ako.
?
May nakikita akong liwanag mula sa ikalaliman ng kuweba. Hindi lang siya liwanag, kapansin pansin ang halaman doon. Bakit may halaman sa loob ng kuweba.
Sinilip ko ang lalakeng nakahiga padin ngayon tsaka tinignan ang dulo ng pool kung saan ang kakaibang green na umiilaw.
Na curious talaga ako. Sa maliit na daan sa gilid ng pool, dahan dahan akong naglakad patungo sa kabilang dulo ng kuweba. Nang makalapit, ginamit ko ang lighter na dala ko upang magbigay liawanag sa paligid.
May halaman na nakagapang sa pader ng kuweba. Sa gitna ay may umiilaw na berde.
Dahan dahan kong inabot yun at iwinasiwa ang dahon na nakaharang. Ang berdeng ilaw ay lumaki. Sobrang lumiwanag dahilan nagulat ako at nabitawan ang lighter. Napapikit at napatakip ng mata dahil sa sobrang liwanag.
[Ting! Binding the host!]
[Binding Successful!]
Ang liwanag ay dahan dahang nawala pero isang malamig na boses ang biglang nadinig ko.
Gulat akong napatingin sa harapan kung saan nanggaling a liwanag na yun pero walang kahit na anong nakalagay sa pader. Hindi ko nga makita kung ano yung umilaw.
"What the-," natameme talaga ako. Pakiramdam ko may nang prank saakin dahil sa liwanag nayun.
[Receiving an award for successful binding!]
[Ting! Host received a New Language Card]
"Huh?", napahinto ako. Bigla nalang may lumitaw na berdeng bagay sa harapan ko.
[Host, do you want to use the New Language Card?]
[Yes/No]
Muling lumitaw ang square na bagay sa harap ko na may kasamang malamig na boses at salita.
"Ah? Yes?", Hindi ako sure sa pag sagot.
[Ting! New language learned!]
Nang muli na namang sumagot ang nasa harapan ko, tuluyan na akong nagulat.
"Ahh!", napatalon ako at napaatras at dahil nakalimutan kong nasa dulo ako ng pool, bumagsak ako doon.
Buti nalang at natauhan ako sa tubig dahilan nag madali akong lumangoy at naiinis na napaalis sa pool.
"Ah, wala na akong masusuot na damit. Nabasa pa ko!", inis kong sambit sa sarili habang nakatingin sa suot.
[Automatically solving... Loading]
[Ting! Not enough energy. Host, search for more energy to solve the problem]
Muli na naman akong nagulat nang bigla na namang lumitaw sa harap ko ang berdeng screen. Buti nalang at malayo layo ako sa pool dahil kung hindi, magiging baliw talaga ako ditong ilang ulit nahulog sa tubig.
"Ano ba to? System? Malaking screen?" Sinubukan kong abutin ang screen pero wala akong mahawakan. Pati mata ko ay hinawakan ko para ma make sure na hindi ako namamalik mata.
Totoo ba to? May system ako? Ito ba ang sinasabi nilang cheat skill?
"System, sino ka? Kaya mo ba akong sagutin?",
[Solving... Ting! Energy Insufficient. Host, search for more energy to solve your problem!]
"Eh? Energy? Ano yun? Saan naman ako makakakuha nun?", mukhang mahirap ang system na ito.
[Energy Points: 0, Host, search for more energy to solve your problem!]
"Paulit ulit talaga? E ano nga kasi yang energy na yan? Saan ko yan makukuha?",
[Energy—]
"Shut up na, para kang robot na paulit ulit", inis kong sabi at ikinaway ang kamay sa harapan.
Nawala naman ang screen na parang hologram. Nakakunot noo akong napalakad papunta sa bukana ng kuweba.
Tinignan ang lalakeng nakahiga padin tsaka lumapit sa punong may malaking dahon. Mukhang ito muna ang gagamitin ko ngayon.
—
"Hmmm", sobrang tamis. Masarap to ah. Lasang papaya pero sobrang tamis.
Napaangat ang tingin ko sa puno kung saan ko to nakuha. Sobrang taas nun pero buti nalang at ang ability ko ay Scale Manipulation. Kaya kong ibahin ang size ng kahit ano. Ang ability na ito ang dahilan kaya't tumagal ako sa apocalypse. Hindi nalang ako nakakatulong sa mga kasama ko sa pag atake, pati pagkain ay kaya ko ding palakihin. Kaya lang sa loob ng ilang taon ko, level 5 padin ang nakakaya ng ability which is can only manipulate less than 5 thing per hour.
Hindi ko inaakala na ang lugar pala na ito ay may ganito ka sarap na prutas.
Nang mag kalaman ang tiyan ko, nakangiti akong naglatag ng dahon sa lupa. Tinignan ang lalakeng tulog padin. Mukhang bumaba na ang lagnat niya kaya hindi na ako nakaramdam ng pag-alala. Mukhang bukas magiging maayos na ang kalagayan niya.
—
Naalimpungatan ako sa ingay ng mga ibon. Parang panaginip lang ang narasanasan kong apocalypse. Para ako ngayong nasa langit... Langit?!
Mabilis akong napadilat at napabangon. Napanganga akong napatingin sa kalangitan na natatabunan nang matatayug na puno. Nandito talaga ako. Hindi ako nananaginip. Totoo ang nangyari kahapon.
Naalala ko ang lalake— Napalingon ako sa likod ko kung nasaan ang lalakeng yun. Napahinto pa ako nang makitang seryoso siyang nakatingin saakin habang nakasandal sa semento ng kuweba.
"Gising kana", masayang bati ko at nagmadaling bumangon.
Bahagya pa akong napahinto nang makitang dahon lang ang itinapis ko sa katawan ko. Wala namang mali sa suot ko, nakaka primitive feeling lang talaga. Gosh, wala pa naman akong suot sa baba dahil pati yun ay nabasa pero—
Umayos ang tayo ko at hinarap ang lalake. Kahit ganito ang suot ko, alam kong napaka sexy ng itsura ko ngayon. Ako lang naman ang isa sa mga habol habol ng isang sikat na fashion magazine sa apocalypse world nayun. Oo, I'm Ember Laurice Martinez, the one and only model goddess slash actress. I believe that even if I wore beggar’s clothes, I would still be beautiful with a sexy, well-shaped body.
Napa pose pa ako ng tatlong beses ipinapakita ang well made leaves two piece I'm wearing. Napahinto lang ako ng ma kontento.
Napatingin ako sa lalakeng akala ko ay mapapatulala sa beauty ko pero...
Ang mukha niya parang hinulma lang sa iisang reaksyon. Paano ba naman, kung walang reaksyon, makatingin naman siya saakin na para bang may binabalak akong gawin sakanya.
"Anong klaseng mukha yan. Ako na nga itong tinulungan ka e", sabi ko na as if wala siyang ginawang tulong saakin kahapon.
"Nakakapagsalita ka", nangunot ang noo niya at mukhang nagtaka pa.
"Of course, I can! Hindi ako pepe no!", sagot ko kaagad dito na as if nagkakaintindihan kami kahapon.
Napahinto siya tsaka nag iwas ng tingin saakin. Napasimangot naman ako. Anong klaseng reaksyon to? Wala man lang thank you.
"Oi, patingin ako sa sugat mo. Titignan ko lang kung hindi ba inu-od", lumapit ako dito at para makapantay siya, naupo din ako sa tabi nito.
Para naman itong pusa na umiwas sa plano kong paghawak sa nakabalot niyang sugat.
"Wag kang umiwas, titignan ko nga eh", hindi ko mapigilan na higpitan ang pagkakahawak sa braso niyang plano niyang e layo saakin.
"...", nagkatinginan kami. Pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin pero sa huli ay umiwas lang siya ng tingin at hinayaan ako.
Napaismid naman ako. Ipapakita din naman pala, may paiwas iwas pa siyang nalalaman.
Tinanggal ko ang tela at tinignan ang sugat niya. Napakunot ako sa nakita. Teka, ano to?
"Bakit magaling na to? Imortal ka?", nagulat ako sa nakitang sugat niya. Kung hindi lang sa pamilyar na itsura ng malim niyang sugat, iisipin ko pang sugat ito na nakuha niya matagal na taon pa. Paano ba naman, ang sugat na siyang dumudugo kahapon ay naging peklat nalang ngayon.
"Imortal? Hindi, sa tingin ko nag awakened lang ako", tumingin siya saakin na parang hindi pa sure sa sagot niya.
"Awakened ka? Ibig sabihin imortal ka nga? Kung kaya mong e heal ang sarili mo, hindi kana magkakasugat pa!", excited na sabi ko dito.
Ngayon lang ako nakakita ng ibang awakened ability. Hindi ko nga alam na may imortal ability eh. Pero kung kaya kong manipulahin ang size ng mga bagay, ang pagiging imortal ay hindi na impossible.
"Hindi...",
Hindi ko mapigilan na yakapin ang malaking braso niya. May na isip ako! Palagi ko tong nakikita sa apocalypse world kaya possible ko tong gawin dito. Sa totoo lang ayaw kong maging katulad ng mga babaeng humahabol sa mga lalake para lang maprotektahan sila nito. Well, ang hinahabol lang naman nila ay malalakas at hindi gwapo pero ang isang to, hindi lang malakas, may gwapo na ngang mukha, may masarap pang katawan. Hehehe, it feels like buy one get three!
[Ting! Energy detecting! Energy Points: 1]
[Ting! Energy Points: 2]
[Ting! Energy Points: 3]
Nagtaka ako sa lumabas na screen sa harapan ko. Anong ibig sabihin nito? Saan nanggaling ang energy.
Takang taka ako at napabitaw sakanya at napatingin sa paligid. Saan ba galing ang energy nayan? May tower ba dito na nag se-send ng signal?
"Ehem, mag bihis kana siguro",
"Huh?", bumalik sakanya ang tingin ko. Eh? Bakit nawala na ang energy detected ko? Huh? Anong sinasabi niyang magbihis ako?
Napatingin ako sa suot ko at saktong pagbaba ng paningin, ang ginawang pang tali ko na pangkapit sa top ko ay biglang naputol. Bumagsak ang top ko at napansin ko pang nakaharap pa siya saakin.
[Ting! Energy Detecting! Energy Points: 10]
"Ahh!", napasigaw ako at napatakip sa dibdib ko.
Nagmadali akong tumayo.
"'Wag kang titingin, pervert!", nagmadali akong naglakad sa kung saan ko ipinatuyo ang damit ko kahapon.
Parang pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko. Nakakahiya, bakit yun nangyari nang nasaktuhan niya? Ahhhh! Wala talaga akong tiwala sa craftsmanship ko! Hinding hindi na ako mag eembento ng ganitong suot!
—
"Saan ka pupunta?", napasunod ako ng tingin sakanya nang bigla nalang itong tumayo. Nakayuko ako ngayon at sinusubukang paliwanagin ang apoy.
Hindi ako sanay sa ganitong camping kaya hindi ko naisip na panatiliing nakasindi ang apoy dahil malalim ang tulog ko kaya ang ending. Nang gumising ng umaga, wala na yung apoy na ginawa ko kahapon.
Ang malas ko din talaga, yung lighter ko kahapon ay nahulog ko sa cave pool kaya ito ako ngayon, sinusubukang paapoyin ang tuyong kahoy gamit ang primitive way.
"Kukuha ng pagkain", sagot naman niya at wala naman akong balak na pigilan siya.
Akala ko lang kasi ay iiwan niya ko. Paano kung iwan niya ko? Hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon pero isa lang ang sure ako—hindi ito ang apocalypse world na pinanggalingan ko.
Maliban sa nakaharap na hamilaw at mga patay na katawan sa baba ng cave, nakakamangha nangang makakita ng napaka healthy na gubat na ito. Pakiramdam ko, kahit kung saan ako titingin makakakita ako ng makakain na prutas.
Binalik ko ang aking paningin sa ginagawa pero bigla ay may naalala ako.
"Pero wala siyang dalang pang proteksyon.", wala man lang akong nakitang dagger sakanya. Paano kung madami pa ang mga halimaw sa malapit? Dudugo na naman ba yung sugat niya? Hindi ko dapat hinayaang gumalaw galaw ang pasyente na yun.
Napatayo ako at tumingin sa ibaba ng cave. Sinusubukan kong tignan kung nasaan siya pero hindi ko man lang mahagilap ang anino niya.
Napabuntong hininga ako. Wala sanang mangyaring masama sakanya, baka katulad kahapon, iinda na naman siya.
Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob ng cave para kumuha ng tubig. Bigla ay naalala ko ang system. Para saan ba ang Energy?
"System", tawag ko dito pero hindi lumitaw ang screen. "System, para saan ang energy points?"
[Ting! Opening Spin the wheel]
Spin the wheel? Ano naman kaya ang makukuha ko dito?
Lumiwanag ang mata ko. Tinignan kung ano ang meron sa speen the wheel.
- Wooden Spear Manual
- Hand Axe Manual
- Flint Knife Manual
- Scraper Manual
- Hammer Stone Manual
- Fire starter Manual
- Luck
- Jackpot
[Refresh Time - 13:00]
What the hell? Ano to? Nasa stone age ba ako kaya ito ang lumabas?
"Wala bang iba dito? System, baka may market ka?", akala ko mag rerespond ito saakin pero walang nangyari.
Napangiwi ako. Sobrang kuripot naman ng system na ito.
"I don't have a choice", inis kong bulong tsaka tinignan kung magkano ang isang spin niya. Ngayon, may 10 Energy Points ako.
[3 Points per spin]
Hmmm, parang ang mahal naman ata. Hindi naman worth it yung nasa spinning wheel.
Kagat sa ibabang labi akong napapindot sa gitna ng spinning wheel.
[Ting! Congratulations! You received Flint Knife Manual]
Bigla ay may nag unlock na feature sa screen. Noong una may Energy Points, at Spinning wheel lang ito pero ngayon may katabi na itong Manual List. Pinindot ko yun at napunta ako sa kung saan nakalagay ang Flint Knife Manual. Pinindot ko yun at parang libro itong bumukas. May nakalagay na Page number 1, nakalagay ang materials na kakailanganin, Flint, Binding materials (Plant fibers, sinew, or rope), Hammer stone, wooden handle. Pinindot ko ang next page. Nakalagay naman doon kung paano ito buohin.
Napaka detailed pero aanhin ko naman yang Flint Knife? Mas maganda pa nga yung pocket knife ko kesa dito.
Umismid lang ako at bumalik sa spinning wheel. Muli ko yung pinindot.
[Ting! You received Luck, please try spinning again! Luck added: 1]
Huh? What the hell? My 3 Points disappeared just like that?!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments