Nasayang lang ang 3 Points ko!
Naiinis ko ulit na pinindot ang spinning wheel. Napa cross nalang ako ng daliri. Sana yung Fire starter Manual to. Sumasakit na ang kamay ko kakakuskos ng tuyong kahoy na yun. Kailangan ko talaga to ngayon.
[Ting! Congratulations! You received Fire starter Manual!]
Yes! Nag madali akong napunta sa Manual List at pinindot ang Fire starter Manual.
[Flint and Steel (or Stone Strike Method)
Materials needed:
Flint stone or hard rock (like quartz)
Steel/iron or another hard stone
Tinder (very important!)
Tinder:
Dry grass
Coconut husk fibers
Dried leaves
Bark shavings
Cocos nucifera
How it works:
Strike flint against steel/stone → creates sparks
Sparks fall into tinder → tinder catches fire
Blow gently → flame grows]
[Hand Drill
Materials needed:
Straight dry stick (drill stick)
Flat wooden base (fire board)
Dry tinder (grass, fiber, bark)
How it works:
Spin stick fast between palms
Friction creates heat
Smoke → ember → transfer to tinder → fire]
[Bow Drill
Materials:
Bow (curved stick + string)
Drill stick
Fire board
Tinder bundle
How it works:
Bow spins the drill faster than hands
Creates heat faster → ember → fire]
Three methods? This is grate! Hahaha I should start doing it now!
"Hmmmm", masaya akong nakatingin sa umaapoy sa harapan. Hindi ko akalain na ganito lang pala kadali magpa aboy kung may guide. Is this real cheat na ba?
Napaisip tuloy ako kung tuwing nag re refresh ang spinning wheel ko, mas magiging maganda ba ang resulta? Hay, sayang lang ang cheat ko kung ganito't puros useless naman ang nandoon.
Tumingin ako sa malayo, naghihintay kung kailan babalik ang lalakeng yun. Bigla ay may napansin ako sa malayo. Napakunot noo ako. Eh? Tama ba ang nakikita ko... Waahhhh!
Napatayo ako at napakuha ng isang stick sa apoy. Kinakabahan ako habang palapit ang nilalang nayun sa direksyon ko. Hindi niya naman ako makikita sa taas ng kuweba diba?
"Waaaahh", mahina akong napatili nang mas lalo siyang lumapit sa puwesto ko. Pinigilan ko ang boses sa takot na baka madinig ako nito.
Ang malaking paw nayun... Hindi ako nagkakamali... A tiger? Sobrang laking tigre naman nito? Waahhhh!
Parang sanay na sanay ang tigre nayun na tumalon sa mga bato patungo sa puwesto ko. Nagmadali naman akong napahanda sa sarili. Hawak ang isang stick ng apoy at ang dagger ko, sinubukan kong magtago sa gilid ng kuweba kung saan puwede akong tumalon upang makatakas.
"Grrar", biglang umingay ang malaking tigre nang makapatong sa entrance ng kuweba.
Nagpipigil naman akong gumawa ng ingay. Pinipigilang makuha ang atensyon nito pero sa hindi malamang dahilan, napatitig kaagad saakin ang tigre nayun. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kina pupuwestuhan ko.
"Graw", muli itong nag ingay at parang may nakitang masama na mabilis na ibinagsak ang bagay na nasa likod nito at nagmadaling pumunta sa harapan ko.
Inihanda ko naman ang hawak kong apoy upang pangtakot dito.
Halos mapapikit ako sa takot nang mabilis niyang galaw.
"Ah!" Isang impit na sigaw ko at iwinasiwas sakanya ang apoy pero ganoon nalang ang gulat ko nang ang malaking hayop sa harapan ay mabilis na nagbago ng anyo. Kanina lang ay isang malaking tigre ang nakikita ko pero ngayon, isang adonis na hubot hubad na katawan na ang nasa harapan ko.
"Lumayo ka dyan!" Mabilis na gumalaw ang lalake at itinapon ang hawak kong stick. Natameme pa ako nang dinala niya ako sa likod niya habang masama nakatingin sa apoy.
"Huh?", anong nangyari? Talaga bang naging adonis ang tigre kanina?
Paanong nagka pandesal ang tigre kanina?
Muling humarap saakin ang adonis. "Maayos ka lang ba? Hindi kaba nasaktan?", napansin ko ang pag-aalala niya saakin habang sinasabi yun.
Napatulala nalang ako sa mabilis na nangyari.
Sinuri suri niya pa ang katawan ko at parang napahinga ng maayos nang makitang maayos lang ako.
"Ikaw ang tigreng yun?", mahina kong tanong dito.
Mukhang nagtaka naman siya sa sinabi ko. Mukha ulit kaming nag-uusap sa magka ibang lenggwahe.
Tumingint tingin siya sa paligid. Nang makita ang ginawa kong apoy kanina, nagmadali siyang pumasok sa loob ng kuweba at kumuha ng tubig. Doon ko lang na realized ang nangyari.
"Wait! Wait lang!", pinigilan ko siyang patayin ang apoy na gawa ko.
Gosh, pinaghirapan ko itong e sindi tapos papatayin niya lang?
"Umalis ka. Kailangan nating patayin ang per nayan. Paano kung aatakehin ka niyan sa likod.", napahinto ang lalake tsaka pinilit akong e layo sa apoy.
"Anong per? Ginawa ko ang apoy na ito. Wag kang mag-alala, hindi niyan kayang atakehin ako.", pinigilan ko naman siya.
Para namang taong kuweba ang lalakeng to. Tinitignan ba naman ang apoy na parang kalaban. Hindi naman fire awakened ang gumawa ng apoy. Natural na apoy ang ginawa ko.
"Ginawa? Paano mo yan nagawa?", parang gulat na gulat siya sa sinabi ko.
"Pinaghirapan kong sindihin ang isang to kaya wag kang magbabalak na patayin ko.", inis kong sabi tsaka kinuha ang stick kanina at ibinalik sa grupo ng ibang tuyong kahoy na ginawa ko.
Sa mukha niya, parang hindi siya makapaniwala sa ipinapakita ko. Ako nga dapat itong hindi makapaniwala sa nangyari sakanya.
Shapeshifter? Isang animal shapeshifter ba siya? Akala ko kaya niya lang gamutin ang katawan niya pero shapeshifter? Posible bayun? May dalawa siyang awakened?
"Ikaw ang dapat nag papaliwanag dito. Paanong may dalawa kang awakened? Bakit naging tigre ka?", napanguso ako. Talagang hindi niya man lang ipina-alam saakin to. Muntik na akong mamatay sa takot dahil sakanya.
"Hmm? Pag ginawa mo ba, hindi tayo aatakehin niya?", hindi nito pinansin ang tanong ko. Naka focus lang ito sa apoy sa harapan ko.
Ano ba to? Umaatake ba ang apoy nila sa mundong to?
"Wag mong balewalain ang sinabi ko! Seryoso ako, paano mo yan nagagawa?", nagsisimula na talagang nag iiba ang mundong to sa paningin ko.
Napatingin siya saakin ng deretso, na para bang ngayon lang na realized na hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Yun ang spirit form ko. Ikaw? Ano ang spirit form mo? Maliit na pusa? O baka naman katulad ni Acina, kuneho ka?", napahinto ako dahil sa pagkakasabi niya nun.
Mukhang normal lang para sa kanya yun. Anong pusa? Anong kuneho? Nag she-shapeshifting ba ang mga tao sa mundong to?
Mukhang napansin nito ang pagkahinto ko dahilan hinawakan niya na naman ako upang ipalayo sa apoy.
Mabilis ko namang itinapik ang pagkakahawak niya saakin.
"Hindi nga ako aatakehin ng apoy na 'to.", pigil ko sakanya.
Napabuntong hininga ako at napaisip ng malalim. Alam kong napa weird ng mundong to. Sobrang iba sa mundong pinanggalingan ko. Malalaking puno? Kakaibang malalaking halimaw? Paati itsura ng mga ibon ay kapansin pansin na kakaiba sa paningin ko.
Nasa ibang mundo ba talaga ako? Wait, kung nasa ibang mundo ako, paanong alam ng lalakeng ito ang tungkol sa awakened? Tsaka may kakayahan siyang pagalingin ang sarili niya at kaya niyang mag ibang anyo.
Dahil sa malalim na pag iisip ko, hindi ko napansin ang galaw niya.
"Natakot kaba sa itsura ko?" Biglang nadinig ko sakanya dahilan napabaling ulit sakanya ang paningin ko.
Para itong nalungkot sa reaksyon ko. Nakayuko at hindi ako kayang tignan ng deretso.
"Eh?", napahinto ako at napatitig sa itsura niya. "Kaya mo bang e labas ang buntot at tenga mo?", hindi ko mapigilan na e tanong dito at hindi naman siya sumagot na ginawa ang sinabi ko. "Hmp!", napatakip ako sa bibig mo.
Ngayon, sa mata ko, para akong nanonood ng malaking pusa na nag tatampo. Ang kaibahan lang, ang pusang ito ay isang malaking guwapong lalake na may tenga at buntot ng pusa.
"Waaah!", hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Iniabot ko ang kamay tsaka walang sabihing hinawakan ang tenga niya sa ulo. Totoo ba to?
Sobrang lambooot... >-<.
Inabot ko din ang buntot niya. Waah, sobrang fluffy nito at medyo mainit. Mas malaki ito kesa sa mga pusa pero ito ang pinakamaganda dito. Puwede ko tong hagkan kapag natutulog ako sa gabe, puwedeng pangdagdag sa init sa malamig na gabe.
E cocontinue ko pa sana ang paglalaro ko sa buntot niya pero bigla ay tumunog ang tiyan ko dahilan, napabalik sakanyang mukha ang atensyon ko. Ngayon ko lang napansin na namumula na pala siya habang nilalaro ko ang buntot niya.
Napangisi nalang ako at tumingin sa bagay na ibinagsak niya sa dulo ng kuweba.
"Anong dinala mong pagkain natin? Nagugutom na ako", paalala ko dito at kahit hindi ko man gustong bitawan ang buntot niya, isinuko ko padin ito para naman makagalaw na siya.
Waahh, sisiguraduhin kong mahahawakan ko ang buntot nayun araw araw.
Mukhang natauhan din siya kaya nagmadali siyang bumalik sa entrance ng kuweba at kinuha ang ibinagsak niya kanina.
Nakita kong napakalaking nilalang ang dala dala niya. Mayroon iyong mala manok na malalaking balahibo.
"Linisan mo yan bago ibigay saakin", paalala ko dito. Tumango siya saakin at pumasok sa loob ng kuweba para linisan yun.
Napahanda naman ako sa mga kakailanganin ko sa pagkain. Hindi ako sure sa dalang nilalang ng lalakeng yun pero kahit ano payan basta bat nakakain, hindi ako aayaw. Ako pa na naharanas na ng sobrang gutom sa apocalypse.
Bigla ay ibinagsak niya sa harapan ko ang featherless na nilalang. Napangiwi pa ako sa itsura ng nilalang na ito. Maliban sugat na natamu nito sa leeg, wala na akong makitang bukas dito.
Inilabas ko ang dagger ko at iniabot yun sa lalake.
"Balik doon. Linisan mo din ang laman niyan, tsaka e hiwa hiwa mo para naman madali kong maluto. Sa laking yan paano ko yan ipagkakasya dito.", utos ko dito habang ipinapakita ang malaking bato na nakapatong sa apoy. May mga nakalagay pang mga dahon doon. Masuwerte ako at nakakita ako ng pepper tree. Hindi naman ako nalito kung ano yun dahil puwede ko namang tikman para masiguro.
Gamit ang dalawang malinis na bato, dinurog ko ang buto ng black pepper at iwinasiwas sa batong nasa taas ng apoy. Wala akong asin kaya wala akong magagawa kundi ang gamitin nalang ang nakita ko. Hindi pato napapainitan kaya hindi ako sigurado sa lasa pero ito lang ang meron akong pang palasa kaya ito nalang ang gagamitin ko.
Bumalik ang lalake na dala dala ang nakahiwa ng mga karne.
Napangiti ako sa ginawa niya. Nag mukhang pork belly ang karne. Hay, makakakain nadin ng maayos na karne. Sa apocalypse world nayun, umaasa nalamang ako sa mga expired na delata. Kung hindi dahil sa crystal core na nakakatulog para hindi ako magutom, siguradong dead na ako sa gutom doon.
At ngayon nga ay makakatikim ako ng fresh na karne!
Masaya akong bumalik sa bato at cheneck ang init noon. Iiwas pa sana ako ng tingin sa lalaki pero mabilis kong napansin na kumuha siya ng isang parte ng karne at e lalagay ata sa bibig niya.
Mabilis akong napatalon dito. "Anong ginagawa mo?", mabilis kong pigil dito.
Nagtataka pa siya at parang may naalala. Huminto ako dahil akala ko ay hihinto nadin siya pero bigla ay may kinuha siya sa likod at itinabi yun sa fresh na karneng ibinigay niya saakin. Napangiwi ako sa lamang loob nayun.
"Ano yan? Hindi ako kumakain nang lamang loob", nandidiring sabi ko dito. Sobrang laki ng nilalang na dala niya kaya sobrang laki din ng lamang loob nito.
"Kainin mo to," mukhang naiintindihan niya na hindi ko nagustuhan ang malastomach na lamang loob na yun pero inabot niya naman saakin ang malaking isang lamang loob. Pamilyar kung ano yun.
"Ayaw ko, eew", iwas ko dito. Ibibigay ba naman saakin ang puso.
Ayaw kong sirain niya ang pagkain ko kaya inilayo ko ang lamang loob tsaka pinili ang karne para ilagay sa malaking bato. Nakita ko na naman siyang ilalagay sana ang karne sa bibig niya, mabilis ko na naman siyang pinigilan.
Hinila ko siya at ipinatabi saakin. "Sabing wag mong kainin nang hilaw eh!", saway ko dito.
"Ano ba ang ginagawa mo? Kailangan kong kumain para magkalakas. Paano kung bigla kanalang atakehin ng per nayan?", mukhang wala padin siyang tiwala sa apoy na ginawa ko.
"Kakain tayo pero maghintay ka dyan. Gusto mo bang magkaroon ng masakit na tiyan? Kakain ba naman ng hilaw na karne", angal at paliwanag ko dito.
Parang nagtaka pa siya sa sinabi ko.
"Hm? Pero ganito naman talaga siyang pagkakainin", paliwanag niya din.
Mas naiisip na ako kung anong buhay ang meron ang lalakeng ito... Ahhh, kung iisip ko ang setwasyon at galaw niya isa nalang naman ang masasabi ko... Primitive man... A handsome primitive man? How's that possible?
Paano kung ang mundong to ay isang primitive era? Paano kung may mga savage sa paligid? Paano kung mga barbaric? Paano kung may carnibal? Waahhh!
"No! Hindi ako papayag!", sigaw ko sa sarili. I'm a modern person! I know what's good and bad. I know what's better and worst! I should know what I'm worth it.
Kahit para akong kriminal na nagtatago sa apocalypse world nayun para maka survive, I'll still carry my blood as a modern person! Hindi ako magpapatinag sa illiterate na mundong to! Kung gusto ko ng magandang buhay, I'll be there brain to make it happen! Hehe, makapag isip ako na para bang napakadali lang nito.
"Simula ngayon, dapat alam mo na ang importansya ng apoy na ito. Hindi lang to nakakatulong sa init. It can also help cook our food!", mahinang paliwanag ko sakanya habang nakatingin sa niluluto.
Napansin kong naglalabas ng mantika ang karne kaya hindi ito dumikit sa bato. Sizzle sizzle... This is enough. Dahil walang tinidor, napapilit akong kumuha ng dalawang stick para maging chopsticks. Kinuha ko ang karne at hinipan at inislice ko ito. Gusto kong ako ang unanv makatikim ng niluluto ko pero kanina kopa napapansin na mukhang gutom na ang lalakeng nasa tabi ko.
"Oh, nganga", utos ko dito at inilapit sa bibig niya ang pagkain. Hindi pa siya sigurado sa ibinigay ko pero inaktuhan ko siya ng nganga kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin yun.
Kung primitive talaga ang lalakeng to. Ano kaya ang reaksyon niya sa bagong lasa na ito? Napahintay ako sa reaksyon. Excited dito.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments