Ch. 3

“Happy birthday to youuuuu!” Everyone shouting and singing the birthday song to me. I’m already 8 today so we celebrated my birthday at the gazebo-styled functional hall, there are lots of people here and also lots of foods!!!

Lahat ng nadadaanan ko nagge-greet sa’kin. My kids section naman kung saan kami ng aking mga friends umupo. Sa kabilang side naman ay mga adults, nandoon sila mom and dad together with their friends in the business and mga family friends namin.

“Happy birthday Anya!” Bati sakin ni Ali sabay abot sa gift niya, by the way he’s my cousin, tita Dara and daddy are siblings. Kakarating niya lang kahapon with his bestfriend galing sa US.

“Thank you Ali! Siguraduhin mong magugustuhan ko ang regalo mo! Kung hindi ko magugustuhan yari ka sakin!” Pabiro kong sabi sa kanya. Mukha naman siyang naniwala sa sinabi ko.

“Luh bat ako?! Yari si mommy sayo!” At tumawa tapos lumayo na sakin para puntahan ang bestfriend niyang naka upo mag-isa sa kids table.

Lahat kasi kami nag-aantay sa games.

Anim lang ang nakilala kong kasing-edad ko dito, marami namang mga bata pero hindi ko sila kilala, invited din kase ang mga anak ng mga friends ni daddy.

Iisang lamesa lang kami ni Theia at Ali, they’re both my cousins, Lucas-Ali’s bestfriend, Leigh and Callum are both my friends here in Monteverde, also my childhood bestfriends, are parents are also close friends.

“Happy birthday, Tanny! Doon ko nalang nilagay ang gift ko sayo!” si Theia sabay yakap at halik sa pisngi at tinuro ang table na puno ng mga regalo.

“I’ll be sure to open your gift first!” Masayahing tugon ko, she always gave me the best gifts at eto naman si Ali, ewan ko basta siya ang pipili sa regalong ibibigay niya sakin ay laging palpak. Last year binigay niya sakin isang set ng toy cars, hindi naman ako naglalaro ng ganoon, mukha ba akong lalake ha?!

“Okay!” Sagot niya sakin.

Callum and Leigh greeted me also and all the kids.

“Happy birthday Tanya.” Greet sakin ni Lucas. Tapos ngumiti siya ng matipid at inabot sakin ang regalo niya, maliit na box ang regalo niya kaya hindi ko sinama sa lamesa na may maraming mga gifts na nakalagay baka mawala pa ito.

“Thank you, Lucas and for the gift.” At sinuklian ko ang ngiti niya. We’re really not close, kakakilala ko lang sa kanya kahapon eh. Dad invited tito and tita para sa birthday ko kaya pumunta talaga sila tapos sinama ni Ali si Lucas para hindi daw siya magmukhang bakla kase siya lang ang lalakeng pinsan namin, Ali grew up in US kaya nasanay din siyang nandoon palagi si Lucas. Lucas’ parents are also here but as what I heard yesterday that they’ll return in US tomorrow morning, I don’t know if sasama ba si Lucas bukas.

We play and eat at plano sana namin na maligo sa dagat ngayon but it’s too dangerous for us kids daw kase gabi na kaya bukas nalang kami maliligo!

Natapos ang birthday celebration ko na busog at enjoy ang lahat kaya umuwi na din ang mga bisita.

Pauwi na kami sa manor kaya sabay kaming naglakad ni Theia, Ali, Leigh, Lucas and Callum dahil dito sila matutulog ngayong gabi!

“What about our movie marathon?! Have you forgotten it already?” Frustrated na sabi ni Ali.

“Can’t believe it!” Sabi naman ni Callum. Napalingon naman kaming lahat sa kanya naghihintay sa susunod niya sabihin, looking confused.

“Na matino ang isip ni Ali ngayon!” He continued, tumawa naman kaming lahat.

Ngumuso naman si Ali sa biro ni Callum.

Eto kasi si Ali puro ka-weirduhan at katarantaduhan lang ang nasa isipan, isama mo nalang din tong si Antheia, tarantado din ‘to hindi nga lang halata.

“You have a good point.” Singit ni Lucas.

Mas natawa kaming lahat sa sinabi nito.

Alam ni Lucas ang pagkatao ni Ali kaya siguro nasabi niya yon. Pero akalain mo, nagsasalita din pala ‘to ano?

“Pati pa naman ikaw?!” Tanong nito kay Lucas, hindi na umimik si Lucas at sumabay nalang samin hanggang naka abot kami sa guest room na tutulugan namin. Nandito kase sila Callum at Leigh kaya sa guest room kami matutulog.

Nakapagligo at bihis na kami ng pantulog kaya ready na kami sa kung anumang trip namin.

This manor was built during 17s at ang isang manor naman na nasa Davao ay nagawa pagka 80’s. Ang mga magulang ni Ali ay doon natulog sa dating kwarto ni tita Dara, marami naman ang room sa manor kay iba-iba ang kwarto namin magpinsan pati si Lucas may sariling kwarto siya dito, dito din nagstay ang mga mgulang ni Lucas, at dito naman nakatira sila Antheia at kami.

“MOVIE MARATHON!” Sigaw na naman ulit ni Ali. Nakarindi talaga ang boses ng kumag.

“Shut up, Ali! Baka may magising!” Pagsisita ni Leigh kay Ali.

May kumatok sa pintuan kaya tumigil kaming lahat sa pagsasalita.

“Come in.” Mahinahong sabi ni Theia sabay abot ng unan kunware matutulog na. Nagtitino din pala ang isang ‘to.

Bumukas ang pinto at niluwal si Yaya Jing. Nakahinga agad kami, kala ko na isa sa mga magulang namin.

“Yaya Jing, please bring us food! And extra pillows please.” Salubong ni Ali sa kanya.

“Ano pa po ang kailangan nyo?” Tanong ni Yaya Jing.

“And blangkets and uhh...milk po hehe” sabi ko.

I don’t know if umiinom pa to ng milk sila Ali since they are 11 na pati si Lucas at Callum, si Antheia naman ay kasing-edad ko lang,si Leigh naman ay 9 years old na, pero hindi talaga ako makatukog pag hindi ako nakapag inom ng milk.

Lumabas na si yaya Jing para kunin ang mga pinapakuha namin. Nag-uusap muna ang mga boys tungkol sa paboritong marvel hero nila, as usual si Callum at Ali lang ang nag-uusap habang si Lucas ay walang imik pero nakikinig lang sa dalawa. Kami naman tatlong girls ay nag ayos sa bed, king-sized bed naman ito kaya kasya kaming anim. Sa left-side na pinakagilid ay si Leigh, etong dalawang kumag na si Callum at Ali ay gustong sa gitna kase nakaktakot daw sa gilid, ang katabi naman ni Ali ay ako tapos si Theia at sa right-side na pinakagilid naman ay si Lucas.

Bumalik na si Yaya Jing galing sa pagkuha ng snacks at milk pati mga pillow at blankets, si Yaya Jing na din ang nag set sa mga movie na titingnan namin ngayon, horror at mga kahit ano tapos lumabas na siya.

“AAAAHH ANO BA YAN!!” Sigaw ni Callum.

“MOMMYYY!!” Sigaw din ni Ali sabay yakap sakin habang nakapikit ang kanyang mga mata nung biglang lumabas ang ghost. Nagsigawan sila, walang pake kung may magising.

“Ali naman!” Reklamo ko kase napakasikip na ng yakap niya.

“Sino ba nag-aya nito, ha?” Inis na tanong ni Leigh dahil natirindi na siya sa mga sigaw ni Theia, Ali at Callum.

“TULONGG MAMAMIYAAA!” Sigaw din netong si Theia. Baka bukas wala na akong pandinig neto, nasa magkabilang-gilid ko sila, isama mo pa ang tinis ng boses ni Callum at ang lakas pa ng mga boses parang mga kambing na umiiyak, syet!

“Ingay neto!” Inis na sabi ko.

“Etong si Alistair Mateu, aya ng aya na mag movie mar tapos sigaw naman ng sigaw!” Sabi ni Leigh sabay takip sa tainga niya kase sumigaw naman si Callum.

*cough cough*

Napalingon naman kami kay Callum na biglang nalang umuubo. May nakalagay na na pandesal sa bunganga niya.

“Whazzsh att phorr?!” Si Callum nagulat din sa inasta ni Leigh.

“Ingay-ingay eh!” Inis na sabi ni Leigh.

Tumawa naman kami ng malakas sa ginawa ni Leigh, pinasukan niya pala ng pandesal ang bunganga ni Callum para

tumigil sa pagsigaw.

“Serves you right, Cal.” Komento naman nitong isang yelo sa gilid.

“Shupgtt Udgjpp, Luk-shas” sagot naman netong si Callum kahit hindi na makapag salita dahil buong nilamon ang pandesal.

“PATAYIN MUNA KASEEEE!” Sigaw ni Theia na papaiyak na sabay yakap ng mahigpit sakin.

“Di nyo ba ko pahihingahin, hoyy?!” Sikip na sikip na nga ang yapan ni Ali, yumakap den tong isang gaga. Niluwagan nila yung yakapa nila sakin kaya naka hinga ako.

I’ll just go out so that I can drink my milk PEACEFULLY! Nakakarindi na sa tenga ang sigaw ng tatlo! Kami lang ata ni Leigh ang nangsista at naiinis sa tatlong duwag at si si Lucas naman ay nagco-comment, once every 1 hour? Ewan ko sa kanya, parang tinahi ang bunganga eh.

Tumayo ako sa kama at kinuha ang isang glass ng milk.

“Uy sa’n punta mo??” Tanong ni Theia na natatakot.

“I’ll just go out to drink my milk. Baka mabilaukan pa’ko sa biglaang mga sigaw niyo.”

Nakita kong tumabi si Theia kay Ali at nagyakapan ang tatlong duwag. Lumabas na agad ako baka maabutan ko pa ang mga sigaw nila.

Pumunta ako sa terrace para doon na lang uminom at makapag langhap ng sariwang hangin.

The manor is facing on the sea at nasa tuktok ng isang hill kaya kitang-kita ang resort sa baba, pati ang lawak ng lugar. The place is not far from the resort it’s just located in an elevated place.

The view is breathtaking, the moon on its fullest, the twinkling starry sky, the cold breeze and the sound of the waves.

Tinapos ko na ang natirang gatas sa baso at babalik na sana ako...

“How long have you been standing there?” Tanong ko kay Lucas na nakasandal at nakahalukipkip sa may labasan patungo sa terrace.

“Not long.” Maikling sagot niya. Naglakad siya patungo sa gawi ko at tinabihan ako, nakatingin lang siya sa kawalan at parang wala sa sarili.

Binalik ko ang aking mga mata sa magandang tanawin at dinama na lang ang simoy ng hangin.

Napansin kong kanina lang siya nakatunganga at parang malalim ang iniisip niya. I thing something’s wrong, but I’m not sure.

“What’s on your mind?” Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin dahil sa biglang pagsalita ko pero hindi naman siga nagulat.

Hindi siya nagsalita at pasimpleng binalik ang paningin sa tanawin.

“Sometimes, you gotta stay silent even if it’s already killing you.” There’s no emotions there, his eyes, his voice, everything. It’s all dry but somehow it’s scary.

Yun lang ang nasabi niya, I have literally no idea what he’s talking about but I guess those are clues. His words are so sentimental.

“I should go back.” Sabi niya at umalis lang diretso.

I want to help him or make him feel better but how? I don’t even know what he’s dealing with, plus he’s super nakababatang kapatid ni Elsa!

Napabuntong hininga na lang ako. I really want to help but...Ano ba tong iniisip kong tulungan siya, I don’t even know if he considered me as his friend and I don’t know who or what he really is ughh!

“Stop this nonsense, Tanya. Gosh!” bulong ko sa sarili ko. Bumalik na lang ako sa kwarto kase nagiginawan na ako sa hangin sa labas. Pagpasok ko, tawang-tawa naman ang lahat sa movie maliban kay Lukas at hindi nila napansin ang pagpasok ko. Nilapag ko ang baso ko sa tray at dumiretso na sana sa pwesto ko pero nandoon pala si Antheia kaya tumabi nalang ako kay Antheia, napagitnaan ni Lucas at Theia.

Unti-unting lumalabo ang boses sa paligid at ang paningin ko. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

——

I can hear noises, maybe it’s coming from the tv? Bumangon ako kasi naiingayan ako, lumingon ako sa kaliwa’t kanan pero tulog ang lahat. Yeah right, nakatulog ang lahat at walang nakapag-off sa tv.

Napatingin naman ako sa orasan, woah it’s already 3 o’clock in the morning. Pinuntahan ko ang tv at pinatay ito, at pinataas ang lamig sa aircon. Bumalik agad ako sa kama para matulog na ulit.

Napansin ko naman na hindi nakapag kumot si Lucas kaya inayos ko ang kumot niya, inayos ko din isa-isa ang mg kumot nila.

“Please stay.” Biglang sabi ni Lucas. Napalingon naman ako sa kanya kabang inayos ang kumot ni Theia.

“Lucas? Are you up? Go back to sleep.” Mahinang sabi ko pero wala akong na tanggap na sagot sa kanya, nakasara naman ang mata niya at mukhang natutulog talaga, tinapik ko ang pisngi niya pero wala man lang reaction, tulog nga sya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng napaka higpit kaya na alarma ako.

“Are you having a nightmare?” Tanong ko sa kanya kahit alam kong hindi siya sasagot.

Bumalik ako sa paghiga na nakaharap sa kanya, his facial expressions tells me that he is frightened? Angry? I don’t know, it shows a lotta negative emotions.

“Hey, let go of my hand, you’re hurting me na.” I told him as if he can hear me.

“I know you can’t hear me, but it’s going to be alright ok? I believe in you.” At pinapat ang ulo niya. Lumuwag naman ang pagka hawak niya sa kamay ko kaya nabawi ko ito.

“Don’t leave me please” nagmamakaawang sambit niya. He can actually hear me but maybe he’s talking to someone else in his dream.

“Shush, no one’s gonna leave you, ok? I’ll be right here.” I comforted him.

Nakatulog na ulit ako at hindi ko na alam kung anong nangyari kay Lucas.

*kinabukasan*

The room is filled with sunlight! The sun is up!

“(Yawn)” binuklat ko ang mata ko at napagtantong tatlo nlang kami sa kama. Si Ali na nakaharap sa akin pero tulog na tulog pa, ako at...wait...I can feel Lucas hugging me from the back. Nag-init bigla ang mukha ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Si Lucas nga ba ‘to?

Liningon ko at siya nga! Ang lapit ng mga mukha namin, he is literally leaning on my neck! Gosh!!! Ang bigat pa naman niyaaaa! Helppp! He’s hugging me without having an idea that he’s huggingggg MEEEEEE!!!

Inalis ko agad ang mga kamay niyang nakayakap sa katawan ko, bahala na’t magising siya jan! Kakahiya naman to oh!

“mmmm” si Lucas. Iniba niya ang posisyon niya at ngayon ay naka talikod na siya sa akin. GOOD! Pag may nakakita samin nakoooo lagot talaga kami.

Bumangon na ako at ginising na ang dalwang tulog mantika para makapag swimming kami kase nga usapan namin yon.

“Heeyyy, wake up sleepy heads!” Sigaw ko sa dalawa gamit ang inaantok ko pang boses.

“5 more minutes.” Sagot ni Ali. Binato ko siya ng unan kaya napabalikwas naman siya at sinamaan ako ng tingin.

“What’s that foooorr??” Reklamo naman niya. Ang reklamador ano?

“Let’s go swimming! Iniwan na tayo ng tatlo oh!” Napatingin naman siya sa kama at napagtantong naiwan na nga kami ng tatlo.

“HEY WAKE UP, IDIOT!” Bungad niya kay Lucas.

“SHUT UP!” sigaw ni Lucas na halatang gusto pang matulog. Binato din ni Ali si Lucas ng unan para magising.

“Ouch!” At nagising na nga siya, bumangon siya at tinitigan ako. Okay, nahihiya na ako, I think I should go na.

“Mauna na ako hehe.” At tumakbo palabas sa kwarto. Ano pa naman yon! Hiyang-hiya na ako, umaga pa oh!

I’ll just wash my face and change my sleeping clothes into rash guard. Inayos ko na lang din ang buhok ko para hindi ito makalat. Napaupo ako sa chair sa harapan ng vanity table ko.

“Lucas, what was that?”

*knock knock*

Napabalikwas naman ako dahil sa malakas na katok.

“Tanya hurry up!” Rinig kong sabi ni Ali sa labas ng kwarto ko.

“Coming!” Sigaw ko pabalik. Ano ba tong si Ali, bigla-biglang nangangatok tapos malakas pa. Muntik nga akong nahulog sa upuan dahil sa gulat.

Dumiretso muna ako sa kitchen para uminom ng tubig at papunta pa sa sala para magpa-alam kay Yaya Jing.

“Please don’t leave me here.” May bahid na lungkot ang boses nito.

“You’ll be safe here, anak. We’ll send your things when we get back there, okay? You’ll stay here for good.” Ngayon ko lang napagtantong boses pala yun ni Lucas kanina at yung babaeng nagsalita ay mommy niya.

Hindi muna ako dumiretso sa living room para bigyan sila ng privacy kaya nag-antay nalang ako sa mini sila sa right wing.

“We’ll be okay, Val. Be a good boy, okay?” Dad niya ata.

Wala naman itong imik, then they bid their goodbyes and I heard them leaving the place. Tumayo naman ako pero naabutan ko si Lucas na nakatayo sa labas ng pintuan.

Napalingon naman siya sa akin dahil sa tunog ng aking tsinelas.

“Are you eavesdropping?” Tanong nito gamit ang walng emosyong mukha at boses niya.

Kind of? Pero hindi ko naman yon sinadya noh! Malay ko ba meron pala sila jan kanina.

Napailing naman ako. “Hindi ko naman sinadya.” Tanging nasagot ko. Tumango lamang ito at bumalik na sa usual self na tahimik. Nilagpasan ko siya at pinuntahan si Yaya Jing sa may front garden.

“Yaya I’m going to the beach.”

“Mag-ingat doon, Tanya ha, pupuntahan ko lang kayo para mag hatid ng snacks at towels nyo.” Sambit niya habang nagpupunas sa mga pawis niya.

“Mmmm” sagot ko at naglakad papunta sa dalampasigan.

Did Lucas remember what happened last night and this morning? Sana naman hindi, nahihiya akong makita siya pero hindi ko naman pinapahalata.

“Punta ka dito!” Sigaw ni Leigh sakin habang lumalangoy.

“Wag baka lulunorin ka niya! HAHAHAH!” Pangbabara naman ni Callum. Kaya sila palagi nag-aaway eh.

Tinawanan ko nalang sila at naglagay ng sunblock lotion na nakapatong sa maliit na round table at umupo muna sa sunlounger.

Tumabi naman si Ali na basang-basa kaya nabasa din ako.

“Anu ba, Ali?! Ang basa mo oh!” Reklamo ko naman sa kanya! Ang ginaw pa! Inakbayan niya pa ako para mas lalo akong maginawan at mabasa.

“Naka rash guard tapos takot sa tubig, ano ba talaga Tanya? Tao ka ba o kambing?.... na naka rash guard?” Humagalpak naman silang lahat ng tawa sa sinabi ng kumag.

“Sorry hindi benta sakin ang joke mo.” At sinamaan ko siya ng tingin.

“Huh? Di naman ako nagtitinda ah.” Sagot din niya. Aga nyo nambe-bwesit ha!

Lumangoy na lang ako kase basa naman ako eh at nakipaglaro nalang sa kanila. Hinatid na ni yaya Jing ang brunch namin kaya dali-dali kaming pumunta sa round table kase nagugutom na kami, tsaka ako umupo sa lounger.

“Thank you yaya!” Rinig kong sabi ni Antheia sa kabilang sunlounger. Mainit na kase malapit na din lunch kaya hindi muna ako bumalik sa tubig pagkatapos kong kumain. Ngayon lang din pumunta si Lucas at naglakad-lakad silang dalawa ni Ali sa dalampasigan malayo sa amin. Si Callum ay nauna nang umuwi kase may family gathering daw, si Leigh naman ay pinapauwi na sa kanyang mga magulang. Si Theia ay nakatulog sa kabilang sunlounger kaya sinamahan ko muna siya.

Kami lang naman ang meron dito kase private beach naman to namin sa banda ng manor, ang bahay naman nila Callum at Leigh ay hindi naman malayo sa manor pero malaki don kase ang compund ng bahay nila kaya medyo malayo kung maglalakad ka lang.

“Balik muna ako sa manor, Tanny.” Gamit ang inaantok na boses ni Theia, hindi na niya hinintay ang sagot ko at tumayo na agad siya para maka uwi.

Maliligo na nga lang ako.

Kakarating lang nila Ali sa lounger kaya hindi ko sila naabotan kase nakapunta agad ako sa dagat.

Lumangoy ng lumangoy lang ako hanggang sa sigurado akong nakalayo na ako sa dalampasigan. Marunong akong lumangoy pero hindi magaling, kakapasok lang ni dad sakin sa swimming lesson nung nakaraang linggo eh.

Nalibang naman ang mga mata ko sa ilalim ng tubig, I wore my goggles kasi masakit sa mata ang tubig-dagat. It is loaded up with shading, life, and magnificence, I saw fishes that I never saw before, little ones and huge ones, and ocean animals that I never knew existed. It resembled a different universe in a world.

Umahon ako para makahinga at doon ko lang napagtantong malayong-malayo na ako sa dalampasigan. I began to feel terrified but I persuaded myself that I can do this. Binaling ko nalang ang attention ko sa ganda ng nasa ilalim at bumalik sa paglangoy. Pinasyal ko ang ilalim at nakakita ako ng mga baby turtles at sinundan sila, I also ecounter with baby stingrays and colorful fishes like Dory in Finding Nemo!

I felt something stings my knee and my left foot gets numb, I can't move it. Naibuga ko lahat ng hangin na inipon ko sa loob ng bibig.

Lumangoy ako pataas kase hindi na ako makahinga sa ilalim ng tubig pero hindi ko magalaw ang isang paa ko, ginawa ko ang lahat para maka ahon sa tubig at naka-ahon nga ako pero sobrang layo ko na talaga.

I still saw Ali and Lucas on the lounger pero hindi ko na makita ang mga itsura nila. Mas lalong sumasakit ang paa ko, hindi ko alam kung ano ang kumagat sakin kanina but it really hurts like hell! Mahapdi, masakit, ewan ko!

"ALI! LUCAS! H...ELP! I C-CAN'T BREA...TH!" I shouted and cried baka marinig pa nila ako sa layo ng naabutan ko. Kinaway ko aking mga kamay at pilit na dalhin pataas ang katawan para hindi malunod. I'm already tired but I'm drowning, natatakot na talaga ako!!

I saw Lucas stand and Ali searched me using his eyes, Lucas pointed at my direction and he got startled when he saw me.

Biglang nawala ang pandinig ko at nagblur ang aking paningin, nahihilo ako at hindi ko na halos maigalaw ang boung katawan ko, I can't breathe, I heard a high-pitched siren and then my vision went totally black.

________________________________

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play