Ch. 4

Bigla kong sinuka ang napakaraming tubig, maiiyak na ako sa aking pagsuka at ang sistema ko'y sobrang pagod na at hindi ako makagalaw ng maayos.

Nagising ako sa ingay ng paligid kaya binukas ko ang aking mata. Naaninag ko sila but my vision is blurry and I felt very dizzy.

"The CPR is effective! Towel please, quickly!" boses ng isang matandang lalaki.

Napakapit ako sa taong nasa tabi ko, hindi naman ito nagsalita at lumapit siya para isandal ang buong katawan ko sa kanya.

"Baby, are you ok?!" natatarantang boses ni mom. Hindi ako makapagsalita at umubo na naman.

Binalutan ako ng towel sa taong sinandalan ko at inayos ang pagkasandal ng ulo ko sa balikat niya.

"Don't ever do that again." Mahina at seryoso ang pagkasalita gamit ang baritonong boses nito. Is this Lucas? Boses niya ito, this is him! Nag-init ang pisngi ko at kumalabog na parang mga tambol ang puso ko, parang marinig niya na ata ang kalabog sa dibdib ko sa sobrang lapit niya sa akin. Nahihiya ako sa inakto ng sistema ko.

Lumingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata,his eyes are dead-serious meeting my sight, ilang pulgada na lang ang layo ng aming mukha and my heart thumps quickly again as something will escape from it, something is foreign about this feeling, this is different from being scared.

Nilayo ko ng ilang pulgada ang mukha ko dahil sa sobrang lapit namin. Umiwas ako ng tingin at nakitang nakatingin ang lahat sa amin with worried eyes. Hindi parin nawala ang tambol ng puso ko pero hinayaan ko na lang ito.

"What just happened?" halos pabulong kong sabi kasi nawala ang boses ko sa kakasigaw ata kanina. Inatake ako ni mom at dad ng yakap kaya lumayo si Lucas para mayakap ko ang aking mga magulang.

"You scared us to death Tanya Yvaine! I can't bear looking at you a while ago!" Nangingiyak na sabi ni mom. I know they we're all frightened, kitang-kita sa mga itsura nila. Walang kibo si dad at niyakap lang ako na parang takot akong mahiwalay sa kanya.

"Halos mahimatay si Lucas kakatakbo papuntang office nila tita at tito!" sabi naman ni Ali na naliligo na sa sariling pawis. Lucas did that? At eto na naman ang dibdib ko, di ko alam kung ba't ganito ang epekto nito.

"Atleast you're safe now!" I hint of being relieved in Theia's tone with his worried expression.

"Lucas was very pale passing the news to us! Buti nalang hindi siya nahimatay!" Sabi naman ni dad na nag-aalala din.

Lumingon ako kay Lucas na nakatabi na ngayon kay Ali at Theia. Nakatitig lang ito sa akin at walang kibo, madilim ang kanyang mga mata na parang pinapatay niya ako sa kanyang mga titig. Para namang hindi siya yung tumakbo kila mom at dad kung makapagtitig sa akin parang may malaking utang ako ah!

Kinarga ako ni dad papunta sa manor sa kwarto ko, sumunod naman ang lahat pati yung nagsalita na matanda kanina, doctor ata yun sa clinic ng resort.

Tinulungan ako ni Yaya Jing habang naliligo kase naubos ang lakas ko kanina, pagkatapos kong nagbihis humiga na ako sa aking kama at pinapasok sila mom at dad at yung doctor ata yun at ang tatlo.

Si mom ay nakaupo sa isang upuan sa tabi ng kama, hawak ang aking kaliwang kamay, si dad ay nakatayo sa likuran ni mom na nakapatong ang mga kamay sa balikat nito para ma-aliw, si Doc ay nakatayo sa tapat ko sa bandang kanan, at ang tatlo ay nakaupo sa couch ng separated sala ng aking kuwarto na nakaharap sa kama ko, tahimik lang sila na nakikinig sa kung anong sinasabi ni doc.

"It's obviously a jellyfish." Mahinahong sabi ni doc habang minamasdan ang aking sugat sa left knee, tapos na itong gamutin at pinag-uusapan nila kung ano ang kumagat sakin sa tubig.

Mom sighed of what she's heard.

"Good thing hindi ito malala at umahon ka agad, Hija." si doc na pinapagaan ang loob ni mom at dad. May pinag-uusapan pa sila tungkol sa gamot na hindi ko naintindihan kaya hindi na lang ako nakinig at tumingin sa panig kung saan nakaupo ang tatlo. Ngumisi naman ang dalawang pinsan ko at si Lucas, ayon, parang walang kasayahang nakatago sa katawan, nginitian ko sila pabalik para ipakita sa kanila na okay lang ako.

"Never set out to startle us again, baby." si mom na naho-horrify sa nangyari kanina.

I was very careless and let my guard down kahit alam kong malayo na ako sa dalampasigan kanina at alam kong hindi ako magaling sa swimming pero ginusto ko paring pumunta doon, everyone was worried because of the incident lately and now I'm guilty. We live everyday and die once, iisa na nga lang ang buhay hindi pa iniingatan.

"I'm sorry mom and dad." yun lang nasabi ko at natahimik.

"It's ok baby." si dad at niyakap ako, sumali din si mom sa yakapan at pagkatapos nun umalis sila para bumalik sa office pati narin si doc kaya nilapitan ako sa tatlo. Niyakap din ako ni Theia pagkalapit niya sa akin.

"I was worried!" Pagtatampo niya. Tumawa nalang ako at kinurot ang tagiliran niya para matawa din siya.

"I WAS HORRIFIED TANYA! WHEN LUCAS TOLD ME THAT YOU WERE DROWNING, HINDI AGAD KITA NAKITA, TINURO NIYA PA KUNG SAAN KA PERO ANG LAYO MO NA!" Iba din ang isang 'to magrereport ano, with all the actions and facial expression pa talaga.

"NAGPANIC KAMI KAYA WE PART WAYS. DUN SIYA PUMUNTA SA OFFICE NI TITA AT TITO ALPHEUS AT AKO NAMAN DITO SA MANOR PARA IPAALAM ANG NANGYARI!" seryoso si Ali ngayon pero tawang-tawa na ako.

"Naiinis na nga kami kanina sayo, ang ingay mo pagpasok sa manor tapos nung tinanong ka na hindi ka na makapagsalita!" Naiinis pero natatawang sabi ni Theia.

"Kaya dinala niya nalang si Yaya Della sa dalampasigan at sumama naman kami, tamang-tama din na papunta na ang mga rescuers sa kung saan ka man. Thank God nakita ka agad!" at may pahawak effect pa sa dibdib 'tong si Theia. Naka-upo na sila ngayon sa gilid ng kama ko, malaki naman ito kay hindi ako mahuhulog. Si Ali at Theia lang ang nagsasalita at si Lucas naman ay walang kibo as usual.

"Nasa ilalim ka na nung nakita ka ng isang diver." sabi naman ni Theia. Naubos ang hapon namin na puro chikahan lang ang ginawa kaya iniwan muna nila ako para makapagpahinga na. Hinayaan ko na din silang gawin ang gusto nila.

____

I woke up because of the tremor all over my body. My head is aching like it’s going to break any minute now and my body can’t move because of pain, my throat is dry and I’m wrapped with coldness. I can hear the loud roaring thunder outside and the heavy rain, nakabukas ang curtain sa glass door ng terrace sa kwarto ko kaya kitang-kita ang pagbigay liwanag ng dalugdog. I glanced at the clock on my nightstand and it's already 9 o'clock in the evening. Tatayo na sana ako ng may gumalaw sa upuan sa tapat ng kama.

"You're finally awake. Kumain ka na Tan." Si Ali lang pala. Kukunin na sana niya ang pagkain na nakalapag sa nightstand pero pinigilan ko siya.

"I'll eat later Ali. How long have you been here?" Tanong ko sa kanya habang nakatuon ang pansin sa glass door ng terrace.

"About 2 hours I think?" Sabi niya habang napa-isip at napakamot sa kanyang ulo. "We volunteer to watch over you kasi alam naman namin na mababagot ka lang kung sila yaya ang magbabantay sayo." I'm so touched, they are so thoughtful! Atleast alam nila lng makapag-buti ito sa kalagayan ko.

"Theia's shift was 6-8 pm, mine is 9-11 pm and Lucas will be later, 12 to ewan niya daw kung makatulog man siya o hindi baka ma-umagahan siyang magbantay." Parang wala sa sarili niyang sambit. Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatingin akong gulat sa kanya. What?! His shift is even longer than my cousins? At makakasama ko siya ng mas maraming panahon?! WAG NAMAN GANOOOON! Pwede ba si Ali nalang? Kahit pa iinisin niya ako buong gabi okay lang talaga sa akin, pero si Lucas eh! Nahihiya pa rin ako sa kanya! At hindi siya pala salita, ang boring niyang kasama!

"Oh? Anong nakakagulat don?" Nagtakang tanong niya.

"Bakit si Lucas?" Tanong ko sa kanya na gulat parin ang expresyon. Kung tutuusin, bisita din siya dito, okay lang sana kung pinsan ko din yon pero hindi eh!

"Ano naman ang meron kung si Lucas? Mas mabuti nga kase mas matino pa ang utak non kesa sa amin ni Theia." Sinasabi niya bang mas magandang ideya iyon? Naku naman Ali! Kung alam mo lang ang kahihiyang nararamdaman ko tuwing nasa paligid ang lalakeng iyan! Klarong-klaro sa mukha ko ang di pagsang-ayon sa ideyang iyon kaya bigla siyang napaisip.

"Nahihiya ka ba sa kanya? Kaibigan naman kayo , diba? okay lang yon! Teka.....crush mo ba siya?!" His face shifted from being confused to being amazed and shocked.

Ano namang crush ang sinasabi nito?

Magkakagusto ka ba sa boring kausap? Tapos titigan ka lang? Ako hindi!

"Crush?! Paano ko yon maging crush? Di nga iyon kumikikibo eh!" Totoo naman ang sinasabi ko noh! Nahihiya lang talaga ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi at wala nang iba! Hindi ko siya crush! Hindi ko pa nga yan na-experiece!Porket ayaw kong siya ang magbabantay sakin, crush agad?

"Halos lahat ng mga kasing-edad o mga matanda pa sa'tin nagugustuhan siya dito at sa US o kahit saan mang lupalop sa mundo yon mapunta, marami paring admirers! He’s rich, tall, handsome, parang nasa kanya na nga ang lahat eh!” at pinagmalaki niya pa talaga ang pagiging heartthrob ng bestfriend niya. Heartthrob din naman 'tong si Ali pero hindi niya naman pinapansin ang mga nagkakagusto sa kanya, ang feeling ano!

"Eh hindi naman ako isa sa mga admirers niya noh, baka may kulto nga iyon." Pambibiro kopara mawala sa utak niya yung crush-thingy.

"Crush mo ba o hindi?" pangungulit niya ulit.

Crush ko ba si Lukas? Naiilang at nahihiya lang naman ako sa kanya pero hindi naman ako nagkakagusto sa kanya. I don't have feelings for him so wala talaga, hindi ko talaga yun crush! Gwapo nga siya pero diko siya type.

"Hindi nga! Ang kulit mo rin noh? Baka ikaw ata yung may gusto sa bestfriend mo eh! Yiee aminin!" I teased him at hanggang sa nainis na sakin, nilakasan ko pa ang boses ko kahit medyo namamaos pa ang boses ko. Kulit kase sabing hindi ko nga yun crush.

"Sa mala-anghel mong mukha, marunong ka din palang mang-inis noh?!" pagrereklamo niya. Ano naman kung mala-anghel ang mukha ko? Bawal ba mangbibiro? Luh? asa ka.

"Lumabas ka na nga malapit na matapos ang shift mo oh. Wag mo nga akong biruin Alistair, alam kong gusto mo nang maglaro ng platstation, wag ka ng makipag-plastikan sakin." Pagkukumbinsi ko sa kanya, hindi din matapos-tapos ang pang-iinis namin sa isa't-isa kung magsama kami sa isang lugar.

"kaya kita mahal eh! Sige tatawagin ko lang si Lucas!" sabi niya na patayo na para lumabas.

Naibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa narinig at nabilaukan. Oops wrong move, baka isipin niyang pinapalabas ko siya para makasama ko na si Lucas! Lumingon siya sakin at nakangiti na ito ng nakakaloko, alam na alam ko kung ano ang laman ng utak mo ngayon Alistair!

Binato ko siya ng unan kaya siya humalakhak ng napakalakas. "Oo na, lalabas na nga! Excited neto!" at lumabas na siya na tumatawa parin.

"Uy! Hinintay ka na ng misis mo, pare!" rinig kong sabi niya sa labas ng pinto, lakas din ng boses neto parang dinig na dinig ng lahat ah. "Aray naman Perceval! nagbibiro lang eh!" rinig kong reklamo niya pero tumawa naman ito at tumakbo paalis.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lucas, kinuha niya ang unan na nasa sahig malapit sa pinto at nilagay sa paanan ng kama. Bumaling ang atensyon niya sa pagkain at meds na nakalapag sa nightstand.

"You haven't eaten yet?" tanong niya na pa-upo pa lang sa inupuan ni Ali kanina. Tumango ako bilang sagot, hindi ako makapagsalita. Lalo lang lumalakas ang ingay ng ulan at dalugdog sa labas dahil sa aming katahimikan. Nakatingin lang ako sa kanya nang kinuha niya ang bowl na may porridge at hinahalo ito. Bigla namang tumunog ang tiyan ko hudyat na nagugutom na ako. Bumaling ang mga mata niya sakin habang ang kamay niya'y busy sa paghahalo sa pagkain.

"The food's already cold, I'll go get a new one." seryosong sabi nito. Gusto kong tumutol sa gusto niya pero nauna na siyang tumayo at lumabas bago pa ako makapagsalita, okay lang naman na lamig na ang pagkain sayang naman kung hindi kainin.

Naramdaman ko ulit ang sobrang panlalamig sa paligid at sakit sa ulo kaya napahawak ako sa aking noo. Humiga na lang ako kasi parang bumigat ang ulo ko. Sabi ko na nga ba, pwede si Ali na lang? o si Theia? Mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag sila ang nandito. My stomach growled for hunger at hindi pa siya nakabalik dito. Ba't ngayon pa lalong sumama ang pakiramdam ko na siya na ang magbabantay, masama naman ang pakiramdam ko kanina nung si Ali pa nagbabantay sakin pero hindi naman ganito, mas malala pa ito kesa kanina.

I covered myself with my thick blanket pero wala itong epekto sa ginaw na naramdaman ko. Pinilit kong tumayo para kumuha ng bagong blanket sa walk-in closet pero natumba ako dahil hindi ko pa pala maigalaw ang kaliwang paa ko dahil sa sugat na natamo kanina, sting daw yun ng jellyfish. I use my right foot to hop kahit wala paring lakas ang katawan ko, kumakapit lang ako sa pwedeng makakpitan papuntang closet.

Nang nakalapit na ako sa pintuan ng walk-in closet, hinihingal na ako at pagod na pagod sa ginawa, natumba ulit ako kaya napa-upo ako sa sahig at sinandal na lang ang katawan sa pintuan ng closet.

Bumukas ang pintuan at pumasok siya dala ang mainit na pagkain at tubig. Napansin niyang wala ako sa kama kaya naglakad siya papuntang sala sa kwarto at nakita akong nakasandal sa pintuan ng closet na humihingal.

"What are you doing?" seryoso ang boses niya na parang magagalit. His stares are intense that can burn anything that sights it, I stared back at him but I can't stare him longer or my chest will explode. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagsalita.

"Getting another blanket." mahina ang boses ko dahil hindi pa ito gumaling at mas lalo lang itong sumama sa kaka-usap namin kanina ni Ali.

He knelt to level our height at hinawakan niya ang noo ko pero ang mga mata niya'y naiwan parin sa mga mata ko.

"I'll get it, where are the blankets placed?" he asked, nailang ako sa paglapit niya kaya umatras ako patagilid para makakadaan siya sa pinto. Tumayo naman siya at naghintay sa sagot ko.

"Right side, biggest drawer cabinet." Sagot ko tsaka siya pumasok. Malaki kasi ang walk-in closet ko baka maabutan kami ng umaga kung hindi ko pa i-specific ang pagbigay ng direksyon. Makikita niya naman ata agad yun kase detalyado naman ang sinabi ko.

What's taking you so long Lucas? Ginaw na ginaw na ako dito sa sahig!

Kahit naka pajama at longsleeve-button shirt ako, malamig parin. Sinandal ko nalang ulit ang ulo ko sa dingding at pumikit, dinadama ang pagod na katawan, masakit na ulo at ginaw na naramdaman.

I can hear his footsteps as he walk towards the closet's door. Rinig ko sa mga kilos nito na lumuhod sa harapan ko. He touched my feet kaya binuksan ko ang aking mga mata para tingnan kung ano ang gagawin niya. He stared at me at nakataas ang isang kilay, tinuon ko ang aking pansin sa kamay niya na nakahawak sa babypink na medyas at ang isang kamay ay nakahawak sa isang paa ko. Magsalita na sana ako para sabihin na ako na lang ang maglalagay pero naunahan na niya ako.

"Your wound?" tanong niya habang inayos ang medyas sa kabilang paa ko.

"It's still sore, I can't even use it for walking." Pasimpleng sagot ko na parang hindi big deal. His expession changed and now he looked quite curious.

"Then how did you get here? Crawl?" Ang mukha niyay hindi sumasang-ayon sa ideyang sinabi niya. Hindi naman ako ahas para gumapang at ang lamig pa ng sahig.

"Hop!" Maikling sagot ko at natatawa pa habang nag-iimagine sa ginawa kanina. Pumangit ang expression niya sa ideya kong iyon.

"You still manage to hop in that kind of situation?" Para pa siyang na-amaze na galit ang pananalita. Napa kamot nalang ako sa ulo ko. Mas estrikto pa to sa mommy ko ah? Sa pagkakaalam ko bisita lang ito dito.

Iniwan niya muna akong nakaupo sa sahig, nung bumalik na siya hindi na niya dala ang kumot kase nilagay niya na sa kama.

He knelt beside me and held my arm to his shoulder then carried me like a baby towards the bed. Matangkad pa siya sa akin sa edad niyang iyan kaya nakaya niya akong buhatin. He's already eleven and I think he's 5'6 in my estimation, I'm only 8 but I'm already 5'1, too tall for an average height of an 8-year-old girl.

His eyes were fixed on the bed and I am gazing at him like he's a pleasant thing to take a gander at. Matangos ang kanyang ilong, mataas ang pilik-mata, nakatiim na bagang, mamumulang labi at kulay abo na mga mata na kung ito'y titigan ay malulunod ka sa lalim, lahat ay perpekto. My chest behaved eccentrically until it hurts, my cheeks warmed and felt anxious. What is happening to me? Sakit ba ito? Or am I just scared of the thought of Lucas? Sa kanya lang naman ako nagka ganito, he’s mysterious and scary sometimes, kaya siguro ganon. I sighed to slip this thought out of my mind. He looked at me, puzzled.

"Don't lie down already, you're going to eat first before you sleep." Hr said with finality in hos voice. Sinunod ko nalang ang sinabi niya at sinandal ang katawan sa headboard at tinakpan ang katawan ng dalawang kumot, naka-upo na siya ngayon sa kama sa tabi ko, hawak ang bowl na may rice gruel at may isang bowl na maliit sa tray na may laman na sabaw.

Ngayon ko lang namalayan ang oras, it's already 12:35am tapos hindi pa ako naka kain. Hinipan niya ang pagkain sa kutsara para mawala ang init nito at inilapit sa bibig ko.Nag-init ang mukha ko sa ginawa niya, embarrased and kinda nervous. Errr I can feed myself, may kamay naman ako.

"I can feed myself, let me." seryosong sabi ko sa kanya, his bored eyes told me to do as he wants me to do pero bakit ko naman yun gagawin? May sariling kamay naman ako, porket nagkasakit lang, kailangan na talagang subuan? Dapat makita niyang kaya ko kahit ano! I'm not weak err- oo nalunod ako kanina but it doesn't mean that I'm weak and just depend on others duh.

Mas lalo niyang nilapit ang kutsara sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay. I'm not going to eat unless he will give me the spoon!

"I said I can do it by myself." Nakakainis tong lalaking to hindi nakikinig! Nakakatakot siya at nahihiya ako sa kanya, friendly naman siya nung birthday ko, ah? Pero ewan ko! Kanyang gusto ang palaging nasusunod, katawan ko naman 'to kaya ako ang magdedesisyon para dito, kakainis na kumag 'to.

Baka napilitan siyang alagaan ako? Sigurado akong ideya ito ng dalawa at nadamay lang siya! Oo, tama nga! Kung ayaw niyang makisaki sa trip ng mga pinsan ko, makakuwi na siya sa sariling kwarto niya, hindi ko din naman kailangan ng tagasubo sakin!

The chains on my mood swing just snapped, I rolled my eyes out of my irritation. He's just staring at me, unbothered of my emotions. Huminga ako ng malalim para kumalma ang kumukulo kong dugo.

"Pass me the bowl, Lucas." I told him challenging his gaze. In the end, he gave up and gave the bowl to me. Payapa akong kumain habang naka upo lang siya doon, hinihintay akong matapos. Kinuha agad niya ang ang mangkok pagkatapos kong kumain at pinainom ako ng gamot. Well, me being pissed at him is effective!

"Sleep now." Mahinang sabi niya habang pinapatong sa tray ang mga mangkok at basong ginamit ko kanina.

"I will, you should also rest, I can handle myself." Ako na handa sa pagtulog. His eyes bore at me before he turned off the lampshade and the room's lights, he went out carrying the tray.

I sighed, dumbfounded by what happened today, the thought of Lucas taking care of me in the middle of the night is overwhelming. I just drown all my thoughts in a long & heavy slumber.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play