Chapter 1

LOVE THE BET

CHAPTER 1

"Next!" Sigaw ng baklang ulikbang nakatayo doon sa may tapat ng pintuan. Kung saan pumapasok yung mga nag a-audition para sa starstruck. Nagkaroon kasi ng Announcement last week para dito at minadali kong asikasuhin ang mga requirements para hindi na ako mahirapan pa. Dapat ay kasama ko ang tatlo kong kaibigan sa audition na ito pero missing in action ang peg nila kaya heto mag isa lang ako.

"Hoy next! tulala ka diyan!" Sigaw sakin nang baklang ulikba na siyang nag papapasok ng mga nag a audition.

"Ay sorry! ako na pala" Mukhang tangang sagot ko kaya naman ay nagtawanan ang mga kasabay ko sa pilahan.

Pagpasok ko ay doon ko lang naramdaman ang kaba. Sobrang lamig sa loob na siyang nagpataas ng balahibo ko. Teka! parang natatae pa ako, wengya! Huwag naman sana andito na ako eh!

"Hi, Good morning" bati sakin ni miss cherry pie isa sa mga judges.

Nangatog ang mga tuhod ko sa sobrang kaba kaya naman ay nakalimutan ko ang mga dapat kong sabihin.

"A-ang g-ganda niyo po" plastic kong sabi sa kanya.

Tumawa si Mr. Jose Manalo sa tabi niya pati na din si Mrs.Gina Alajar. Mukhang nahalata nila na nakikipag plastican ako sa kanila.

"Salamat ija" saad ni ms. cherry.

Pinasimulan na nila ako sa aking pag aarte dito sa maliit na entablado. Nung nakaraan ay todo ensayo ako sa mga sasabihin ko pero ngayon ay tila nabura lahat sa utak ko. Kaya naman ay kailangan ko makapag isip ng idra drama. Katatapos ko lang kasi kumanta ng Flashlight ni jessie j. at magpakilala kaya naman kailangan ko ng umarte. Yun nga lang nakalimutan ko ang linya ko kaya naman ay yung linya na lang ni Kiesha sa Pleasuring Him In A Bad Ways ang ginamit ko.

"Eto ang tatandaan mo jamir! Hinding hindi na ako babalik sayo! at wala ka ng karapatan makita ang mga anak ko!" Pagtatapos ko sa litanya ko. Pinalakpakan naman ako ng mga judges. Tumayo ako kase galing ako sa pagulong gulong sa stage saka pinunasan ang pekeng luha.

Pagkatayo ko ay humarap ako sa mga judges na nagsusulat na ngayon ng score ko. Sa kabilang banda ng paningin ko ay may nahagip ang cute kong mga mata na tumatawa sa gilid. Tumingin ako sa gawi non at ganun na lang ang gulat ko nung makita si Steven Robert Banocot na tumatawa habang nakatingin sakin. Pero kagaya ko ay natigilan din siya kaya napatigil siya sa pagtawa pero saglit lang dahil yumugyog nanaman ang balikat niya sa kakatawa. Mukha tuloy siyang kurimaw na makina, Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko mas lalo lang nang asar.

"Miss Pielago, Napakaganda ng Performance mo inaasahan ka namin sa susunod na Pag akyat dito sa entablado" Saad ni miss Cherry. Siya kasi ang hahawak sakin at magbibigay ng mga task para i-act.

Nagpasalamat ako sa kanila dahil nakapasa ako sa unang audition. Sana nga lang ay maka abot ako sa Finals. Pinapunta nila ako sa gilid kung saan yung mga kasama kong nag audition na tapos na.

"Really? Yung linya pa talaga ng kaibigan mo ang sinabi mo?" Nang aasar na tinig ni Steven Robert ang nagpabaling sa akin sa likuran ko. Nakalapit na pala siya sakin para mang asar. Isang isa na lang talaga ay masasapak ko na tong ungas na toh.

"Kailangan mo kong pasalamatan dahil hindi ko navideohan yung pag arte mo kase ipapalabas din naman yan sa telebisyon" sabi niya pa kaya nanlaki ang mata ko.

"Seryoso?" napalakas ata ang pagtatanong ko dahil tumingin sakin yung direktor kaya nag peace sign na lang ako.

"Gago ka" Pagmumura ko kay Robert. Pinagkibitan lang niya ako ng balikat at saka nanood sa umaarte sa harapan namin.

"Tsk, Alam mo ba nung bata ako, Sinasampal ako ng daddy ko kapag nagmumura ako" pagkwento niya pero wala naman akong pake.

"Hindi ko naman tatay ang daddy mo bakit ako nadamay?" Pambabara ko sa kanya. Ngumisi lang siya saka tumingin sa orasan.

£££

"Oh! Buko juice pampatibay ng tuhod" Alok sakin ni robert. Inabot ko naman at inunaman.

"Salamat lods" Saad ko sa kanya. Tumabi siya sakin dito sa may bakanteng espasyo ng bench. Narito kasi kami sa Qc  Circle kakatapos lang ng Orientation ng Starstruck kanina.

"Sa inyong apat, ikaw ang pinaka jejemon"

Ngumiwi ako at inaabot ng dila ko ang dulo ng baso para maabot yung buko.

"Gross" Tinignan ko siya ng masama kaya naman ay umiwas siya ng tingin.

"Sa inyong apat naman ay ikaw ang pinaka bakla magsalita" Balik asar ko sa kanya.

"Tss, Atleast hindi ako jejemon"

"Lol, Huwag mo ko lokohin dahil simula nung grade 1 ay kilala na kita pero di tayo close"

"Naging jejemon din naman ako pero hindi ko pinaabot hanggang bente anyos"

"Atleast naging jejemon ka" inirapan ko siya at bahagyang umusog ng upo.

"Ewan ko sayo" Aniya at tumalikod.

"Aba! ewan ko din sayo bakit ka ba nandito? close ba tayo?" Letseng banocot na ito! Hindi ko naman close.

Siya nga itong sumunod sakin dito sa circle ang sabi ko gagala lang ako kase napaka toxic sa bahay nung nakaraan sabi niya sasamahan na daw niya ako.

"Hindi close pero nilibre kita kanina ng buko juice" panunumbat niya.

"Sinusumbat mo sakin yon? Edi ilibre din kita ng BJ!" Napalakas ang boses ko kaya naman nagsitinginan ang ibang tao at parang nandidiri sa narinig.

"Uy ano ka ba! Napaka eskandalarosa mo talaga" Suway niya sakin doon ko lang na realize kung ano yung sinabi ko sa kanya.

"Uuwi na nga ako" sabi ko saka tumayo. Iniwan ko na siya doon sa circle at nagtungo na sa Mrt para pumila ng ticket.

£££

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw kaya naman ay tinakpan ko ng makapal kong kumot yung mukha ko.

Saka humilata pa sa malawak kong kama idinipa ko yung mga kamay ko para mag unat unat pero may nakapa akong mabalbon at gumagalaw galaw ito. Idinilat ko ang kanang mata ko para makita kung ano yung mabalbon na gumagalaw. Malabo ang paningin ko kaya hindi ko makita ng malinaw yung bagay na papalapit sakin.

Napaiwas ako ng dila dilaan ako nito sa mukha, Nangangamoy tae din kase ang laway nito. Minulat ko na ang isa ko pang mata para lang makita ang aso kong Pomeranian.

"Hoy! Amoy asong tae ka nanaman" Bungad ko dito pero kumawag kawag lang ang buntot niya. Mukhang nang aasar pa sa lagay niyang yon. Kaya naman ay hinablot ko ang unang paa niya saka ko dinala sa may tiyan ko.

"Good morning, babe" Bati ko dito saka binuhat para i angat sa ere yun nga lang ay nabitin dahil nahulog sakin ang isang butil ng tae.

"Punyeta kang aso ka!" Hinagis ko siya sa sahig at tumilapon yung mga tae niya na gumasgas pa.

"Ang bantot mo!" Sigaw ko dito. Sinamaan ko ng tingin ang maliit na nilalang at ibinaling sa damit ko ang mga nagkalat na tae. Tumayo ako para magtungo sa aking banyo upang maligo mamaya ko na lilinisan ang pinagtaehan ni mochi.

Paglabas ko ng banyo, naabutan ko siyang nagpapaawa ang tingin 

ni mochi pero hindi ko pinansin. Hindi na lang mahiya! Ang linis linis ng kuwarto ko ay dudumihan niya lang. Kakaampon ko lang kasi sa kanya nung nakaraan, First time ko mag ka aso dahil ayoko ma attach sa mga hayop. Kase kapag iniwan ka nila mahirap maka move on. Napilitan lang naman akong ampunin ang aso na ito dahil naawa ako. Pagala gala sa lansangan at muntikan ko na masagasaan ng motor.

"Ate? Ate hinahanap ka ni ate astrid" Sigaw ni rhianne ang nakababatang kapatid ko mula sa labas.

"Sandali lang kamo" sabi ko. Mabilisan kong pinaliguan si mochi at nilinisan ang sahig. Nilagay ko na din sa labahan ang mga kumot.

"Letse kang aso ka! Pati yung paborito kong kumot dinumihan mo! di ka na talaga makakaulit sakin!" Pag babanta ko sa kanya nagtago naman siya sa ilalim ng kama ngunit hinila ko ang paa niya kaya nabitbit ko siya. Syempre hindi pwe pwedeng iwanan ko dito sa kuwarto ko dahil wala siyang makakain.

"Hi mochi!" Pagbaba ko ng hagdan yun agad ang bungad ni astrid kaya naman ang malandi kong aso ay nagkumahog na bumaba sa pagkakakarga ko.

"Buti pa yung aso binati mo ako hindi mo pinansin? You're so unfair" Inirapan ko silang dalawa na naglalambingan na.

"Good morning felly,oh ayan nabati ka na! Masaya ka na?" Sarkastikong aniya. Lumapit ako sa kanya at pinagkrusan siya ng braso.

"Anong kailangan mo?"

"May kailangan ako" Nakanguso niyang sabi. Nagmukha tuloy siyang pato.

"Ano?"

"Kailangan ko kasi ng vibrator"

"What?!!"

Humagalpak siya ng tawa na akala niya naman ay maganda siya sa paningin niya. Hinila ko yung kapiranggot niyang buhok kaya napaigik ang gaga.

"Joke lang! Kailangan ko ng makakasama sa apartment ko" Kumapit siya sa braso ko at nagmukha nanaman siyang alinta.

"Bakit ako?"

"Kasi ikaw!"

"Bakit ako?" Pag uulit ko at tinuro pa ang sarili.

"Kasi ikaw!" At ang gaga tinuro din ako.

"Bakit hindi si mico?" Pang uuyam ko sa kanya.

"Gaga!" At syempre kung si amity nananapak siya naman ay nanunulak.

"Alam mo pasalamat ka slim ako" Pagyayabang ko. Medyo chubby kasi si astrid at ako naman mala cris bernal ang datingan. Oh pak! yabang ko noh?

"Epal ka din noh! Di na nga kami naguusap non" Umupo siya sa sofa na agad ko naman tinabihan. Dinalhan naman kami ng kasambahay namin ng makakain. Mabuti naman at nagkusa na itong kasambahay namin dahil gutom na gutom na ako hindi na kailangan sumigaw.

"Bakit di na kayo nag uusap, aber?" Tinaasan ko siya ng kilay para mag mukhang seryoso ako.

"Hindi ko alam, Bigla na lang nagkaganon eh"

Napabuntong hininga pa siya at hinilamos ang mga palad sa mukha. Para siyang stress na stress na nanay sa kakautos ng sampong anak.

"Ano ba kasi nangyari?" Ako din nai stress na sa relasyon nila. On and off ang relationship nila para kasing mga tanga. Mahal naman nila ang isa't isa pinapahirapan pa ang sarili.

"Nakita niya kasi kami ni max magkasama" Sinamaan ko agad siya nang tingin na iniwasan niya lang.

"Ano nanaman bang gusto niyang lalaki na yan?" Tinuhog ko muna sa tinidor yung hotdog saka sumandal sa sofa. Habang si astrid nakatulala na sa isang bagay. Mahina ko siyang sinapak sa balikat kaya naman ay binalingan niya ako ng tingin.

"Gusto niyang balikan ko siya"

"Huwag! King ina niyan, Dami niyang alam" Galit kong saad. Nanggigigil talaga ako sa askal na yon. Ayaw tigilan si astrid mukha naman gorilla.

"Wala naman akong balak"

"Dapat lang astrid! Yung mga ganong kagagong lalaki hindi na dapat binibigyan ng Second Chance"

"Hay, Ewan!" Aniya at saka inagaw ang dapat kong isusubo na hotdog. Dugyot!

Sa totoo lang ay naaawa ako sa mga kaibigan kong dumaranas ng matinding paghihirap dahil sa pag ibig. Isa sila sa dahilan kung bakit hanggang ngayon wala akong gustong jowahin. Trotropahin na lang muna. Siguro pwede na si berto, Charot!

Simula Highschool ay nakita ko na kung paano maghabol si kiesha nang pagmamahal kay jamir. At nasaksihan ko din ang mga pinagdaraanan ni Amity at Caleb. Lalong lalo na kay Astrid, Sa kanilang tatlo ay si Astrid ang pinaka malapit sa akin pero hindi ko siya pinag sasabihan ng problema ko. Dahil siya ang nagsasabi ng mga problema't sikreto niya sa akin. Hindi naman sa wala akong tiwala kay amity at astrid. Mabuti silang kaibigan, Yun nga lang mayroong tinatawag na sandigan at bayanihan.

Magkakaibigan kami ngunit hindi namin alam lahat ang sikreto ng bawat isa. Hindi naman kasi namin pinipilit yung tao na sabihin kung ano yung sikreto niya. Mas madali kasing magsabi ng kusa dahil pinagkakatiwalaan ka niya, hindi yung pagsisisihan niyang sinabi niya sayo yung sikreto dahil hindi naman karapat dapat ipagkatiwala sayo. I'm not saying wala kaming tiwala sa isa't isa. Dahil meron, Meron lang talaga kaming favourite person na gustong gusto sabihan ng sikreto. Pero hindi kami nagkakainggitan dahil pangunahing panira sa samahan ang inggit.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong ko kay astrid matapos niyang makikain samin ng hotdog. Gusto ko pa sana siyang sisihin dahil siya halos umubos ng paborito kong hotdog. Pero pinagbiyan ko na lang dahil alam ko pagdating sa kanila ay hindi siya nakakakain ng mga ganung pagkain.

"Hhmm, Wala naman" Nilalaro niya si mochi kaya hindi niya ako tinitignan. Tatadyakan ko na tong aso na ito eh, Hindi lang pagkain ang inaagaw niya pati bestfriend ko inaagaw na din.

"Samahan mo na lang ako sa Workshop"

"Sige, San banda?"

"Sa camias"

"Camias?"

"GMA"

"Mag a artista ka na?"

"Di pa, Susubukan ko na lang muna"

"Pa humble!" pinagkibitan ko na lang siya ng balikat.

Annyeong! Salamat sa pagbabasa!

End of Chapter 1.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play