LOVE THE BET
CHAPTER 3
Tulala ako sa kisame at nakahilata pa din sa kama kahit tirik na ang araw. Sunday ngayon kaya ipapalabas ang Starstruck sa GMA. Pero ayoko mapanood dahil alam kong mukha lang akong tanga doon.
Nasa Laguna naman si Astrid para sa workshop niya daw. Kaya naiwan ako dito sa apartment niya. Hindi naman ako hahanapin sa bahay dahil panigurado wala din sa bahay ang mga magulang namin ni Rhianne. Nakasanayan ko na iyon simula pagkabata. Palaging nasa ibang bansa ang magulang ko para sa Negosyo nilang hindi ko malaman kung ano.
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang paghilata. Madilim na ang kalangitan nung magising ako. Napansin kong umiilaw ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong kinuha sa ibabaw ng lamesa dito sa tabi ng kama.
"Hello" Paos pa ang boses ko nang sagutin ko ang tawag.
"Where the hell are you? Kanina pa ako tumatawag sayo!" Sigaw sakin ng nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko at pilit inalala kung kaninong boses iyon ngunit sadyang bangag ako at hindi maalala.
"Teka! bakit ka nasigaw? Sino ka ba?" Sigaw ko din pabalik.
"Tss, Tanga! Si Steven toh! Magbihis ka na may interview mamayang 8:30" Tumingin ako sa orasan at 6:45 pm na. Kaya naman hindi na ako nagpaalam at nag asikaso na ako kaagad.
Nag suot lang ako ng Plain White Shirt at Black Fitted Jeans saka nag Black Boots. Kinulot ko din saglit ang buhok ko sa bandang dulo. Ready to go na ako sa Interview.
"Buti naman at nag ayos ka" Saad ni Robert saka ako inirapan. Sinundan ko na lang siya kung saan siya pupunta. Ginapangan ako ng kaba nang makita ang mga reporters sa labas.
"Okay Guys! Listen to me! Wala kayong ibang sasabihin sa labas ha! Huwag kakalimutan ngumiti! Ikaw Feliciana—"
"Felicity" Pagtatama ko sa pangalan ko.
"Ay basta! Ngumiti ka! Hindi yung para kang pinagbagsakan ng langit at lupa"
'Mga kataga talaga netong baklang toh'
Nagtawanan ang mga ibang performers. Pagpasok namin sa loob ng Conference Marami na agad flash ng camera ang sumalubong sa amin.
Maraming nagsipalakpakan nang makaupo kami sa harapan nila.
"Ano naman ang pakiramdam na isa ka sa mga nakapasok dito sa Competition na ito?" Tanong sa akin ng isang reporter.
Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Masaya" Simpleng sagot ko.
"Bakit parang hindi masaya?" Tanong ulit ng reporter. Tataasan ko sana siya ng kilay pero natigil ako dahil sinipa ni robert ang paa ko. Nakalimutan kong katabi ko nga pala siya.
Ngumiti siya sakin na halos pumikit na ang mata niya. Sa halip na reporter ang taasan ko ng kilay ay naibaling ko ito kay Robert. Bumuntong hininga siya at nagulat ako sa ginawa niyang Pag akbay sakin.
"Pasensya na, Masama kasi ang pakiramdam niya" Sagot niya sa reporter. Nagsigawan naman ang ibang mga kababaihan na nasa gilid. Hindi ko alam na kasali pala sila dito.
Natutok tuloy sa amin ang atensyon ng lahat. Pinandilatan kami ng manager namin na si Rebecca pero kinindatan ko lang ito. Mukhang napikon siya dahil inirapan ako. Halata naman kasi sa kaniya na May gusto siya kay robert.
"Steven, May namamagitan ba sa inyo ni Felicity?"
Maraming kumukuha sa amin ng litrato at nakuha yata namin ang lahat ng atensyon ng mga reporters dahil sa tanong ng isang reporter. Ang Chismoso naman kase neto.
'Eh ano naman kung may namamagitan samin? Teka! May namamagitan ba samin ni Robert?"
Ngumiti si Robert at umiling iling. Magaling talaga siya umarte kahit kailan. Naramdaman kong medyo bumigat at parang may nangungurot sa balikat ko. Tinignan ko si Robert na nakangiti pa din sa reporter.
"Walang namamagitan samin, Magkaibigan kami simula Pagkabata"
'Lol, Magkaibigan daw Hindi ko nga maalala kung may araw ba na magkasundo kami? '
Natapos ang interview kaya nasa backstage na kami. Napatigil ako sa paglalakad nang hilain ako ni Rebecca ang manager namin ni robert.
"What do you think your doing? Hindi pa nga kayo sumisikat na dalawa naghaharutan na agad kayo? At sa harap pa talaga ng Kamara" Tumaas ang kilay ko sa paratang niya sakin.
"Nakita mo naman na siya ang umakbay sakin tiba? Bakit ka sakin nagagalit?" Hindi niya siguro inaasahan na sasagutin ko siya. Napatigil din ang ibang performers dahil sa pagsasagutan namin nitong si rebecca. Nalaman kong mas matanda lang siya ng tatlong taon sa akin pero wala akong pakealam. Tinuruan kami ng kaibigan ko na si Kiesha na Huwag magpapatapak sa taong Minamaliit kami.
"Aba, Sumasagot ka pa!"
"Alangan naman hindi? Eh sino ka ba?" Para siyang baka na umuusok ang ilong dahil sa sinabi ko.
"Bastos ka!"
"Mas bastos ka! Nambibintang ka bigla eh wala naman ako ginagawa sayo!"
"Felly, Enough!" Sigaw ni Robert at humarang saming dalawa ni rebecca.
"Miss Rebecca, Pasensya na" Sumingit si robert sa sigawan namin ni rebecca.
"Pagsabihan mo yang babae na yan, Steven Napaka bastos"
"Mama mo bastos" Bulong ko pero narinig pa din pala niya. Ang laki naman ng tenga niya mukha siyang pet tarsier.
Hinila ako ni robert palabas ng building at dinala sa Kamuning.
"Ano ka ba! Ganyan ka ba talaga? Manager natin iyon bakit mo sinagot sagot?" Pagalit na sigaw ni Robert.
"Ay wow! Ako pa mali? Eh siya nga itong nambibintang sakin" Humawak pa ako sa dibdib ko na mala Bea alonzo ang style.
"Kahit na! Manager natin yon! Siya ang pag asa natin para makapasok sa Semi Finals, Ano ka ba naman!"
Umirap ako sa kanya at nanahimik. 'Wala naman kasi akong pakialam kung makapasok ako o hindi ni hindi ko nga alam ang plano ko sa buhay'
"Mag sorry ka sa kaniya" Nameywang ako sa sinabi ni robert at tinaasan siya ulit ng kilay.
"Bakit ako mag so sorry? Siya ang nauna!"
"Bakit ka ba ganyan? Ang taas taas talaga ng ego mo! Wala ka pa ngang nararating pero mapagmataas ka na, Alam mo? Iiwanan ka lahat ng tao dahil sa ganyang ugali mo" Natulala ako sa sinabi niya at parang may sumampal sakin ng katotohanan.Iniwan niya ako at bumalik siya sa loob ng building.
"Ganun ba talaga ako kasama?" Umiling iling ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mata.
'Hindi dapat ako iiyak sa sinabi niya dahil wala akong pakialam'
Tinext ko si astrid na babalik ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay andoon si Rhianne na nakaupo sa sofa. Tumalikod siya at base sa kilos ng kamay niya ay nagpupunas siya ng luha sa pisngi niya.
"Bakit ka umiiyak? Sinong lahi ni adan ang nanakit sayo?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat para sapilitan ipaharap sakin.
"Wala ito! Dun ka na!" Hindi kami sobrang close ni Rhianne dati pero nang malunod ako sa dagat at the age of 16 tapos 13 pa lang siya noon. Niligtas niya ako at doon nagsimulang maging close kami. Hindi kami sabay lumaki dahil doon siya lumaki sa lola't lolo namin samantalang ako dito sa Pamamahay na ito.
"Ano nga? Bahala ka diyan di kita titigilan"
Bumuntong hininga siya at kusa na din humarap sa akin.
"M-may asawa na pala si kuya adam t-tapos anak niya pala si ate kiesha"
"Ay? Ngayon mo lang nalaman teh?" Natatawa kong tanong. Tumango siya at nagsimula nanaman umiyak.
"Ang sakit sakit siya yung first love ko" Umangat ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Dise syete ka pa lang may first love ka na? Sana all"
"Hindi ka na talaga makausap ng matino!" Hinampas niya ng mahina ang balikat ko. Napailing na lang ako dahil sa pagiging heart broken ng kapatid ko doon sa Tatay ni kiesha. Well, Kami din naman kase nagulat. Ang tagal naming inakala na kapatid lang ni kiesha si kuya adam, Yun pala siya ang tatay.
"Hayaan mo na yon, Bata ka pa maraming lalaki diyan"
"Simula nang humanga ako sa kanya hindi ko na nakita ang sarili ko na magmahal pa ng iba"
"Tss, Lumandi ka kasi para makahanap ka ng iba. Oh' siya! Akyat na ako at pagod na din ako" Tumayo na ako para pumanhik sa itaas.
"Napanood ko kanina yung interview mo, Kayo na ba ni kuya steven?"
"Ka dugyot dai, Dili ko siya type" Sabi ko at pumasok na sa kuwarto.
Naghilamos lang ako saglit at humilata na sa kama. Tumingala ako sa kisame at muling inalala ang sinabi ni robert sakin kanina.
"Tama naman siya eh, Iiwan ako ng lahat dahil sa ugali kong mapagmataas" Sabi ko at pinipigilan ang sariling lumuha. Pero kahit anong pigil ko at kusa pa din sila lumabas.
"Edi iwan nila ako, Wala akong pakialam. I can stand on my own I don't need them—oh pak! Artista!" Natawa ako sa sarili kong joke. Pinatapang ko ang tingin ko sa kisame at pinunasan ang luha.
"Iwan man nila ako, Wala akong pakialam Hinding hindi ko sila kakailanganin" Sabi ko saka natulog.
"Ate! Ate! Andito si kuya Steven! Gising ka na!"
'Bakit ba palagi na lang may nang iistorbo sa Beauty rest ko?'
"Sandali!" Sigaw ko pabalik. Kinabit ko yung hook ng bra ko saka ako lumabas.
"Bakit daw siya andito?" Tanong ko habang pababa ng hagdan.
"Andito ako para sabihin sayong—What the ****!"
Natigil ako sa pagbaba ng hagdan nung sigawan niya ako.
"Pumunta ka ba dito para murahin ako? Ang aga aga ha!" pagtatalak ko pabalik sa kaniya. Nakatalikod siya sakin at naka pameywang pa.
"P-pwede bang magbihis ka muna ng maayos?"
Kumunot ang noo ko at tumingin sa damit ko. Oh damn!
Tumakbo ako ng pagkabilis dahil sa nakita ko sa sarili ko. Shit! Bakit di ko naramdaman?
Sobra sobra na ang pagkapahiya ko sa harap ni Robert ngayon. Nung una ay doon sa Cubicle ngayon naman ay etong tagos ng regla ko sa harapan ng Tshirt ko!!!
Pagkalabas ko ng banyo ay nagbihis agad ako at naglagay na din ng tampon. Dumiretso ako sa baba at nakitang nagtatawanan si Rhianne at Robert sa sofa.
"Anong chismis?" Singit ko sa kanila na nagpatigil sa usapan nilang dalawa.
"Andiyan na pala si ate, Sige kuya doon muna ako sa garden" Paalam ni rhianne.
"Anong sadya mo dito?" Pinag krusan ko siya ng braso bago umupo sa katapat na sofa. Tumingin muna siya sa pagitan ng hita ko bago nag angat ng tingin sa mukha ko.
"Sayang" Bulong niya pero narinig ko.
"Anong sayang?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala! Anyway, pumunta ako dito para sabihin sayo na binigyan ka ng chance ng manager natin—"
"Bakit tanggal na ba ako?"
"Sana, Eh madadamay ako kapag natanggal ka kaya nakiusap ako"
'Ganun pala yon?'
"Kargo ko pa din ba yon kapag naalis ka?"
"Ang tanga mo naman, Malamang!" Ang sarkastiko niya talaga kahit kailan!
"Alam mo felly? Maganda ka, Matalino, May Talent pero yung ugali mo basura" Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko aaminin sa kaniya iyon.
"Eh ano naman sayo?" Pilit kong pinatatag ang boses ko kahit sa loob ko ay gumagaralgal na ito.
"Ewan ko sa iyo, Balang araw makakahanap ka ng katapat mo" Aniya saka umalis ng bahay. Pagkasara niya ng pinto doon nagsituluhan ang luha ko. Pero agad ko iyon pinunasan dahil bumalik din kaagad si Robert sa loob. Nag kunwari na lang ako na paakyat na ng hagdan.
"Felly, We're having a workshop tomorrow at 7 am susunduin kita"
Tumango ako at umakyat na sa taas. Ramdam ko ang titig niya sakin habang pumapanhik ako pero hindi ko na pinansin. Baka mamaya nag a assume lang pala ako.
"If they didn't want my Attitude, It's fine. This is me, No one can change me" Sabi ko pagkasarado ng pinto.
Napayuko ako nang may lumapit sa akin. Lumuhod ako para kuhanin si mochi. Dinilaan niya ang pisngi ko na may luha palang tumulo.Pagkatapos niya dilaan nilagay niya ang ulo niya sa balikat ko na para bang niyayakap ako.Dinala ko siya sa kama at saka ako humiga. Tumingin ako sa orasan at alas syete pa lang ng umaga.
Nagisip ako ng gagawin ko ngayon pero nauwi lahat sa paghihilata ko dito sa kama ko. Nilalamon ako ng kalungkutan at ayoko malugmok sa ganito. Dahil ang kasunod nito ay katamaran.
END.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments