CHAPTER 2

LOVE THE BET

CHAPTER 2

"Tignan mo toh! Ikaw ang dali mo kong mapapayag na sumama dito kahit anong oras ang hihintayin ko samantalang ako! Hindi mo man lang mapagbigyan" Ilang beses akong inirapan ni astrid habang nag rereklamo siya sakin. Apat na oras kasi siyang naghintay sa labas habang ako naman ay nag pe perform sa loob.

"Ano ba kasi gagawin ko sa apartment mo?" Binigyan ko siya ng buko juice at kwek kwek. Nakatambay kami ngayon sa QC Circle. Inaantay pa kasi namin ang total score ko babalik pa ako doon sa loob. Hindi ko din nakita si Robert sa loob.

"Samahan mo akong mag linis"

Inirapan ko siya at saka tinabihan ng upo.

"Yun lang?"

"Samahan mo din ako sa concert ng Blackpink"

"Sinasabi ko na nga ba eh" May kutob na talaga ako na iyon ang dahilan niya kaya gusto niya ako papuntahin sa apartment niya. Pero syempre kaibigan ko siya so dapat sasamahan ko.

£££

"May balita ka ba kay amity?" Tanong ko kay astrid habang pumipila kami dito sa moa para makapasok sa concert ng blackpink.

"Wala eh, Simula nung manganak si kiesha nawala siya" Napatango tango ako. Kaya pala ilang months ng walang balita sa kanya.

"Anong nangyari? Naghiwalay ba sila ni Caleb?" Tanong ko. Ngayon na lang ata ako nawalan ng chika sa mga kaibigan ko. Simula ng mabuntis ng maaga si kiesha ay nag social distancing na ako sa mga chismis. Nakaka stress din pala yung pagiging chismosa. Halos walong buwan na din kasi ang lumipas at bihira na lang kami mag kita sa isa't isa.

"Ewan ko sa dalawang iyon, Hindi rin naman na kwe kwento sakin ni mico sayo ba? nakwento ba ni steven?" Bahagya akong namula nung marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon. Naalala ko nanaman kasi yung nagkasalubong kami sa isang Hallway sa 5th floor ng GMA Building. Hindi ko alam kung hindi niya sinasadya o sinadya niyang madakma ang boobs ko! Ang bastos na yon! Nag uusap kasi sila ng isang performer at naiwasiwas niya ang kaniyang kamay at sakto naman na naglalakad ako kaya nadakma ang kanang dibdib ko.

"Waaaaaahhh!!!!" Sigaw ni Astrid kaya naman ay nabibingi ang kanang tenga ko. Nasa loob na kasi kami ng arena kaya dagundong ang hiyawan. Hindi ako nakikipag sabayan sa hiyawan dahil ayoko mapaos, Kakanta pa ako sa linggo.

"Jennieee!!! Lisaaa!!" Kung wala lang ibang tao dito ay sinubo ko na sa bunganga ni astrid ang hawak kong cellphone.

Ang sakit sakit ng tili niya na para bang wala ng bukas.

£££

Bagsak kaming parehas ni astrid sa kama dahil sa pagod. Napatingin ako kay astrid na gulo gulo na ang damit nag hilamos lang siya kanina pero hindi nag palit. Gugustuhin ko man tumili kanina dahil sa isa sa paborito kong kpop girl group. Pero kailangan ko kasi ang boses kong ito. Atsaka hindi ako kagaya nila kiesha at astrid na sobrang adik sa Kpop.

Tulog na tulog si astrid sa tabi ko kaya naman ay nakakahiyang gisingin. Dahil ang kaniyang cellphone ay tumutunog. Napilitan akong bumangon para kunin ang kaniyang cellphone. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa tawag. Hindi naka save ang number kaya manghuhula ako kung sino toh.

"Do you think I will let you go that fast? huh?" Magaspang ang boses ng lalaking nagsasalita sa kabilang linya.

"Sino toh?" Matapang kong tanong.

"Nakakasakit ka naman ng damdamin Astrid, Kinalimutan mo agad ako samantalang pinagsawaan lang kita kagabi"

"Bastos ka! kung sino ka man! Tantanan mo si astrid Kung ayaw mong ipakulong kita!" Sigaw ko at pinatay ang tawag. Tumingin ako kay astrid na mahimbing na natutulog. Habol ko ang hininga ko dahil sa matinding galit at nerbyos. Nilapitan ko si astrid at pinagmasdan ang buong katawan niya. Doon lang ako nanlumo dahil sa nakita ko. Ang tagal ko siyang kasama sa buong magdamag, Pero bakit hindi ko napansin ito?

Umupo ako sa kama at inangat ang palapulsuhan ni astrid. Halatang ginapos ang kamay niya dahil namumula ito at may mga sugat pa. At dahil burado na ang kaniyang make up kitang kita ko ang maliit na sugat at pasa sa kaniyang gilid ng labi. Napahikbi ako sa nakita. Bakit hindi ko na alam ang nangyayari sa mga kaibigan ko?

Masyado na silang maraming pinagdadaanan sa pamilya. Pati ba naman sa ibang tao? At sino naman yung tao na tumawag na iyon? Gusto ko tanungin si astrid pero nirerespeto ko ang sikreto niya. Ngayon lang nag sink in sa utak ko kung bakit gusto niya ako dito patulugin.

Nang gabing iyon ay hindi ako natulog, Binantayan ko si astrid, Minsan ng napahamak si astrid dahil sa katangahan ko at ayoko na mangyari ulit iyon sa kaniya.

"Felly?" Napatigil ako sa pagluluto nang marinig ang boses ni astrid sa likuran ko.

"Hhmm" Pagsagot ko sa kanya. Busy kasi ako sa paghahalo ng Sopas.

"Good morning" Bati niya saka umupo sa bar stool ng kaniyang apartment.

"Morning din, Ang sakit ng kamay ko" Napatingin agad ako doon at napansin na nagiging black na ang pagkagapos.

Pinatay ko ang stove at pinag serve agad siya.

"Ang swerte ko talaga kapag andito ka eh, hehehe" Sabi ni astrid na nakangiti, Ginantihan ko naman siya ng ngiti ngunit pilit. Nasasaktan pa din kasi ako sa nakikita kong sugat niya.

"Ang tahimik mo ata?" Siguro ay nagtatakha na siya sa inaasta ko. Ako din naman kasi ay hindi mapalagay. May gusto ako malaman sa kanya pero ayoko siya pilitin magsabi.

"Sama ka sakin sa orientation" Sabi ko na lang at kumuha ng towel sa may drawer niya dito sa living room.

"May workshop ako" Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Tinitignan ko kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo.

"Saang workshop yan?" Intriga ko.

"Sa Up, Tiba malapit na october?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano meron sa october?" Inirapan lang niya ako at uminom muna ng tubig bago sumagot.

"Parang di ka naman naging artista noon at hindi mo alam ang pinagdiriwang sa tuwing buwan ng oktubre"

Umiling iling na lang ako. Kung sa bagay matagal din kasi ako tumigil sa pag e extra ng Hillton University. Kaya nakalimutan ko na Film Festival tuwing oktubre.

"Sino kasama mo?" Dumiretso ako sa may Isa pa niyang cabinet na nasa itaas bahagya ng malaking salamin niya dito sa loob ng apartment.

"Si M-Mico" Napatigil ako sa pag kuha ng shampoo.

"Nagkabalikan kayo? Kailan pa?"

"Hindi naman porket magkasama nagkabalikan na, Malaki ang budget sa indie film kaya kailangan ko siya maging producer" Tumango tango ako at pumasok sa banyo. Siguro naman ay nagsasabi ng totoo si astrid sakin kung saan siya pupunta. Noon pa man kasi ay alam ko ng may tinatago siya saming tatlo. Ayaw niyang sabihin samin na minamaltrato siya ng kaniyang mga kapatid pero nakikita ko naman sa mga pasa niya.

£££

Halos kalahating oras din ang itinagal ng orientation sa loon ng Conference. Nangangatog na ang mga binti ko dahil pinipigilan ko maihi. Ayoko naman mag excuse dahil agaw pansin iyon sa ibang mga performers. At bukod pa doon, Aasarin ako ni Robert.

Binilisan ko ang lakad ko at napapadyak pa ako sa sahig nang makitang mahaba ang pila sa Restroom ng mga babae. No choice ako kaya naman ay pinaalis ko lahat ng mga lalaking nasa Restroom bago ako pumasok sa isang cubicle.

Pagkapasok ko ay agad ako naglabas ng sama ng loob na may kasamang mabangong bisita na lumabas.

"Gross" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. At doon ko lang na realize nasa harapan ko si robert at ang pintuan ng cubicle na pinasukan ko ay hindi nakabukas!!!

Sakto naman ng tapos ako umihi ay saka ako tumayo at kamalas malasay ay nahulog ang skirt ko na maong sa sahig.

"****!" Napamura tuloy si robert at umiwas ng tingin. Hindi ko tuloy alam kung paano tatakpan ang perlas ng silanganan. Nalito ako nung may marinig akong mga boses na paparating. Pati din si robert ay natuliro at hindi alam ang gagawin. Ako naman ay kumuha pa ng tissue para ipunas saka nagmadaling i angat ang skirt ko. Pero ganun na lang ang gulat ko nung pumasok si robert sa mismong cubicle na kinaroroonan ko!!!

"Uymmm----" Natigil ako sa pagrereklamo nung takpan niya ang bibig ko. Sinesenyasan na huwag ako mag ingay.

Ngunit natigilan ako nung bahagya siyang lumuhod para kuhanin ang skirt ko. At siya na mismo ang nag suot nun sakin. Nakakahiya!!!

"Ang panghi mo" Bulong niya. Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Ang dugyot mo!" Pasigaw kong bulong.

Ngumisi siya kaya naman ay nakita ang dimple niya. Mukha siyang sperm na hindi nabuo.

"Sino kaya mas dugyot satin?"

Sasagot pa sana ako sa kanya pero narinig namin nag uusap ang mga lalaking pumasok.

"Hindi na lang mahiya tong dalawa na ito, Dito pa talaga nagawang magmilagro" Parang umusok ang ilong ko sa init ng ulo ko dahil sa sinabi ng isang yon. Lalabas sana ako para komprontahin siyang wala kaming ibang ginagawa dito ng tukmol na kasama ko. Pero hinuli ni robert ang palapulsuhan ko at pinigilan ako.

"Huwag ka muna lumabas, Masisira tayong dalawa, sige ka!" Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Kung sa bagay di pa kami siyadong sikat ay may issue na kaming magkasama sa loob ng isang Cubicle. At mas ang nakakahiya pa narito ako sa Restroom ng mga lalaki.

Pagkalabas ng mga lalaki ay umalis na din ako sa cubicle. Si Robert pa ang nag flash ng inidoro na ginamit ko. Pailing iling pa siya saka sumunod sakin palabas ng Restroom.

"Uminom ka ng maraming tubig ang yellow ng ihi mo, Kadiri" Inirapan ko lang siya saka inayos ang sarili. Tumalikod na ako para bumalik sa gaganaping workshop. At para itago na din ang napahiya kong mukha. Sa dami rami na pwedeng mangyari ay bakit makita niya pa ang pagkababae ko? letse!!!! Buti na lang natakpan ko.

"Pink panty, huh?" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Manyak!" Sigaw ko. Pinagsisihan ko din naman agad ang pagsigaw kong iyon dahil may tumikhim sa gilid ko. Naroon pala yung isang staff.

"Miss Rebecca" Bati dito ni Robert.

Magkakilala pala sila? pake ko naman, psh!

"Mr. Banocot, Follow me in my office and Please Contact Miss Pielago"

"She's here, Miss Rebecca" ani robert saka nagbaling nang tingin sakin.

"Edi mabuti, Pumunta kayo parehas sa opisina ko" Aniya.

Medyo sexy etong miss rebecca na tinatawag ni robert, Maputi din ang tuhod niya hindi katulad sakin na mukhang tinapalan ng putik. Mahahaba din ang pilik mata niya at pantay ang mga kilay, Marunong din siya mag ayos ng sarili niya sa mukha. Mukhang may alam sa fashion ang isang ito. Samantalang sakin—Teka! Bakit ko ipagkukumpara sakin? May sarili akong ganda noh! Kahit hindi ako marunong mag ayos sa sarili.

Pagpasok sa Opisina niya ay pinaupo kami agad. Nagbasa basa siya doon sa may dalawang folder. Iyon yata yung Profile namin.

"So, Miss Pielago and Miss Banocot. Magiging partner kayo sa isang scene" Pinaliwanag niya samin ang gagawin namin sa Scene. Sa isip ko ay gusto kong umirap pero iniiwasan ko dahil mukha din bichera tong rebecca na ito.

Masyado kasing malambing ang boses niya pagkausap kay robert. Samantalang sakin magaspang ang pakikipag kausap. Yun ang mahirap sa ibang babae minsan eh, Kaya nasasabihang malandi yung ibang babae kase makakita lang ng guwapo nagiiba ang pinapakitang ugali.

"Pero duh! Mas maganda naman ako sa kanya"

"Excuse me?" Natinag ako sa iniisip ko nung taasan ako ng manager namin. Yeah, Manager namin tong matambok ang pwet.

"Sorry miss" Napapahiyang sabi ko. Yumugyog naman ang balikat ni robert. Nagmukha siyang kuliglig.

"Okay, Tapos na ang usapan na ito. Basta yung mga habilin ko sa inyo" Tumango ako kahit wala akong alam sa sinasabi niya. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong plano magpakapanalo dito sa Competition na ito. Gusto ko lang mailabas ulit sa Tv. Medyo matagal na din kase simula nung makuha ako sa commercial ng Safeguard. Ako yung germs.

Paglabas namin sa Opisina ng manager namin ni robert, Agad lumakas ang halakhak ni robert na nag echo pa sa Hallway.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Napansin ko lang, Kanina ka pa minamalas"

Nainis ako dahil sa sinabi niya kaya naman hindi ko napigilan sapakin siya sa bandang tiyan niya.

"Ouch!" Ang akala ko ay siya ang masasaktan sa pagsapak ko. Pero kabaligtaran dahil mas nasaktan pa ako. Ang tigas ng abs niya!

End of chapter 2.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play