Love The Bet

Love The Bet

PROLOGUE

Taimtim akong nananalangin na sana pagdating niya ay hindi siya lasing. Niluto ko pa man din ang paborito niyang sinigang na inaasahan kong magugustuhan niya.

Pero lahat ng magagandang hinihiling ko ay kabaligtaran sa kasalukuyang nangyayari ngayon. Sa tingin niya pa lang ay alam ko ng galit na galit siya kaya siniksik ko ang sarili ko sa may haligi ng lababo.

"K-kain na tayo" nauutal kong aya sa kanya. Kararating niya lang galing sa Kompanya niya na minana pa sa magulang at mukhang masama ang timpla.

"**** you!" Sigaw niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Tiba sabi ko sayo!? Huwag mong ipagkakalat na may relasyon tayo?!!" Napayuko ako at tinago ang mukha. Panigurado hindi nanaman niya ako pagpapahingain ngayong gabi.

At hindi nga ako nagkamali dahil heto ako ngayon sa kama nakatali ang mga kamay at paa sa bawat poste ng kama. At walang siyang sawa na bumabayo sa pagkababae ko na alam kong namamaga na ngayon.

"You're such a slut!" Sigaw niya sabay sampal sa mukha ko. Tahimik lang ako na umiiyak at hindi pinaparinig sa kanya dahil madadagdagan pa ang parusa ko. Paulit ulit sumisigaw ang boses ko sa isipan na 'tama na, suko na ako' pero hindi ko maibuka ang aking bibig dahil takot din masaktan pa.

Nakatitig ako ngayon sa likuran niya na nakahubad, pagkatapos ng mahabang pagpaparusa niya sakin na halos mamanhid na ang buong katawan ko ay kinalasan niya lang ako at basta na lang tinabi para mahiga sa espasyo ng kama. Mahimbing ang kaniyang tulog kaya naman ay natititigan ko siya pero likod niya lang ang nakikita ko.

Nagdalawang isip ako kung yayakapin ko ba siya dahil baka magising ko siya pero heto lang kasi ang pagkakataon na mayakap ko siya.Dahil alam ko pag gising niya ay bugbog sarado nanaman ako.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nanginginig pa ang mga kamay na niyakap sa kanya. Pero ganun na lang ang gulat ko nang bigla siya humarap sakin at ako ang niyakap niya. Siniksik niya pa ng maigi ang mga katawan namin kaya dikit na dikit. Halos manuyo ang aking lalamunan kakalunok sa laway ko.

Pero kumalma ako nung marealize kong tulog na tulog siya. Masasabi ko lahat ng gusto ko sabihin. Huminga muna ako ng malalim at saka inumpisahan.

"Mahal na mahal kita, Robert" Kahit na pumipiyok na ako dahil sa kakaiyak araw araw ay pinilit ko sabihin ng maayos sa kanya iyon.

"P-pero, Paalam na" dumoble ang nginig sa boses ko ng sabihin ko yon. Alam ko naririnig niya ako pero hindi niya naiintindihan dahil mahimbing ang tulog niya. At halata naman iyon dahil kilala ko siya kapag nagpapanggap ng tulog.

"H-hindi ko na k-kaya pa, p-palagi mo na lang ako s-sinasaktan, pinapaiyak, w-wala ka ng ibang ginawa kundi markahan ng pagka abusado ang katawan ko, i'm sorry hindi ko na matutupad ang pangako kong mananatili pa sayo, ayokong mamatay sa mga k-kamay mo"

Kinuha ko ang singsing sa daliri ko at hinalikan yon inilagay ko yon sa kamay niyang hindi naka akap sakin.

"Iiwan na kita" mahinang bulong ko sa kanya at sinubukan kalasin ang mga kamay niyang nakaakap sakin pero napahiga ako dahil humigpit ang kapit non sakin. Pero hindi ako tumigil sa pag alis ng kamay niya na pahigpit nang pahigpit sa bewang ko. Tumingala ako sa mukha niya para lang magulat sa nakita.

"You're leaving me" aniya na nanginginig pa ang boses habang ang mga mata ay punong puno ng mga luha.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play