Si Cally ay ang depinisyon ng "perpekto." Siya ang babaeng nasa kanya na ang lahat: kagandahan, talino, yaman, at isang pangalang hinahangaan ng madla. Pero sa likod ng mga mamahaling damit at matatamis na ngiti, may isang madilim na sikretong pilit niyang itinatawid—ang buhay na tinatamasa niya ay hindi sa kanya.
Siya ay isang impostor. Isang babaeng galing sa hirap na napilitang hiramin ang pagkakakilanlan ng iba para sa isang misyong hindi niya matanggihan.
Sa gitna ng kanyang pagpapanggap, makikilala niya si ISAAC, ang tanging taong nakakita sa totoong "siya" sa kabila ng kanyang disguise. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang totoong pag-ibig. Pero paano kung ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ang siya ring nakatakdang magbunyag ng kanyang lihim?
Habang papalapit ang katotohanan, isa lang ang tanging hiling niya: “Ibigay mo na sa akin ang lahat ng parusa, huwag mo lang sadyang durugin ang puso ko sa oras na malaman mo kung sino talaga ako.”
NovelToon got authorization from Joy Cha to publish this work, the content is the author's own point of view, and does not represent the stand of NovelToon.
Don't Break My Heart Comments